MIA P.O.V.
Nagkasakit ako no’ng linggo. Hindi naman ako nakita ni Mama at Papa na basang-basa na umuwi. Si BL naman tulog na no’ng umuwi ako. Hindi ako galit kay BL o kaya sa ginawa niya, siguro tama lang ‘yong ginawa n’ya dahil kailan ko pa masasabi kay Tristan ‘yong feelings ko kung hindi ‘yon nangyari.
Paggising ko, akala ko panaginip lang lahat pero nakita ko ang basa kong damit dahil nagpalit agad ako no’n. Ngayon, medyo masakit na lang ulo ko at sinipon din ako.
Nasa classroom na ako ngayon, katabi ko si Ethan at Tristan. Wala na, nasira na lahat. Ayoko na rin kausapin pa muna sila.
Dumating na si Ma’am, pumasok na pala si Alice at Theo, medyo iwasan din sila ng tingin. Si Nikki naman pinagsisiham talaga n’ya ang ginawa n’ya sa ‘kin.
Natatawa ako sa suot no’ng tatlong bruhita ngayon. Kanina pa nga sila pinagtawanan ng mga kaklase ko pati na rin ‘yong tatlong lalaking pinsan ni Ethan tumatawa rin.
Miyerkules na ngayon, naalala ko pa ‘yong nangyari no’ng Lunes.
Recess time, wala akong kasama. Nakaupo ako sa upuan sa may canteen. Mas sakit pa ako no’n pero pinilit kong pumasok kasi hindi naman na malala.
Nakita ko ang paglapit ng tatlong bruhita kay Tristan. Napakunot noo si Tristan na tumingin do’n sa tatlo lalo pa’t mag isa rin siyang nagre-recess.
Hindi ako nagpapakita kay Tristan, patago lang ako sa tabi. Ayokong malaman nyang nando’n din ako sa canteen. Lingon din ng lingon si Tristan, mukhang may hinahanap s’ya. Ayokong umasa na ako dahil masasaktan lang ako sa huli.
“Tristan, can we join you sa table?” tanong ni Leah habang nakatayo sa harap ni Tristan.
Si Umber at Martha naman mukhang tinitingnan ang kuko nila baka may lupa siguro na nakasuksok. Hinihintay din nila ang sagot ni Tristan.
“Ayoko, umalis kayo sa harapan ko!” inis sagot ni Tristan at nag-shot na lang ng tubig.
“We’re ladies, dapat gentleman ka samin,” utas ni Umber.
“Ba’t ‘di mo man lang kami mapansin-pansin, Tristan? May kulang pa ba samin?!” taas boses na tanong ni Martha.
Padabog na nilagay ni Tristan ang bottle na hawak niya sa lamesa. “Umalis na nga kayo!” gigil na sabi ni Tristan, medyo nakukulitan na s’ya.
“No way, sagutin mo muna ang tanong ko!” Pagmamatigas na sabi ni Martha.
Tumayo si Tristan. “Hindi ko kayo magugustuhan dahil hindi kayo katulad ni—” napatigil n’yang sabi.
“Nino? Ni Mia ba? ‘Yong boyish at thief na babaeng ‘yon?!” pagtatanong ni Martha.
Hala, nanahimik ako rito nakasali ako riyan. Napatingin si Tristan sa paligid at bigla na lang n’ya akong nakita kaya medyo tinago ko ang sarili ko. Nag-walk out na si Tristan at iniwan ‘yong tatlo na disappionted sa ginawa n’ya.
Yon na nga, kaya pasimleng tumatawa kami lahat dito sa loob ng classroom dahil ‘yong mga bruhitang millenials kung sumuot ngayon parang gangster na sa kanto. Mukhang gustong-gusto talaga nila si Tristan kaya lahat gagawin nila pero walang epekto parin ‘yong ginawa nila.
Mukhang naiinis at pinagsisisihan na no’ng tatlong bruhita na nagsuot pa sila ng ganyan. Marami tuloy tumatawa sa kanila.
Sinusubukan nila sigurong gayahin ako sa pananamit ko, e ‘yong sa kanila na sobrahan ng sobra.
Pati ‘yong mga estudyante sa ibang section na iniidolo sila sa mga OOTD nila ay napapapunta lang sa may bintana ng classroom namin para tingnan kung totoo ang chismis sa suot no’ng tatlo.
Pag-uwi ko sa bahay solo na lang ako, wala na akong kasama. Sinalubong ako no’ng aso namin na si Ishie pati si BL.
Magtatanong na naman s’ya siguro sa lagi n’yang tinatanong lagi.
“Ate, ba’t ‘di na pumupunta rito si Kuya Tristan at Kuya Ethan?” inosenteng tanong n’ya.
Hindi ko naman kasi sinabi sa kanya ang nangyari. Ayaw kong sisihin n’ya ang sarili n’ya kung malaman niya. Bata pa s’ya, hindi n’ya alam ang mga ginagawa n’ya at hindi n’ya rin maiisip kung anong kahihinatnan ng mga kilos n’ya. Sa tamang panahon puwede ko namang explain sa kanya.
“Mayroon lang siguro kaming hindi pagkakaintindihan,” sagot ko at bahagya kong ginulo ang buhok niya.
Yong aso namin parang gusto magpakarga.
“Ate, may nakita po ako no’ng gabi, nakalimutan kong sabihin sayo. May nakita akong teddy bear na green sa may gate nakasabit kaya kinuha ko, tapos may sulat na nakaipit do’n. Hindi ko binuksan kasi naka-lock talaga ng glue baka pagbinuksan ko baka masira ko,” sabi niya.
“Tingnan ko, ah,”
Pumasok na kami sa loob ng bahay.
“Nasa’n pala si Mama?” tanong ko.
“Nag-manicure si Mama sa customer niya,” sagot ni BL.
Si Mama talaga, oh. Buntis siya tapos nagta-trabaho pa siya.
Umupo ako at nilapit ko si BL sa ‘kin. Ginilid ko ang buhok niyang muntik ng makadikit sa mata niya.
“Nasa’n pala ‘yong sulat?” tanong ko habang pinagmamasdan siya habang hinahaplos niya si Ishie.
“Nando’n ate sa loob ng cabinet,” sagot niya sabay turo.
Tumayo ako para pumunta roon. Alam kong galing ‘yon kay Ethan.
Pagkakuha ko no’ng sulat sa may cabinet, umupo ako sa gilid ng kama namin.
Binuksan ko ‘yong sulat at ‘tsaka ko binasa.
Ang ganda ng sulat kamay niya kaso ang haba no’ng sinulat niya. Sa madaling sabi no’ng mabasa ko na, ayaw nyang nag-iiwasan kami. Okay na raw sa kanya kahit magkaibigan lang kami.
Bumuntong hininga ako, siguro nasaktan ko ng sobra si Ethan at para bilang sorry papayag ako. Gusto ko lang naman kasi magkaibigan lang kami. Pa’no naman kami ni Tristan, wala na bang way para magkaayos kami? Kahit na magkaayos siguro kami hindi na mababalik ‘yong sobrang closeness naming dalawa, magkakailangan na rin kami.
Narinig kong dumating na si Mama. Kaya tinago ko sa cabinet ‘yong sulat ni Ethan sa ‘kin at lumabas na ako ng kuwarto ko.
Nagmano ako kay Mama pagkakita ko sa kanya.
“Nak, ngayon daw ang alis ni Tristan papuntang ibang bansa dahil magbabakasyon iyon sa Papa niya,” balita ni Mama.
Nagulat ako sa sinabi ni Mama.
Aalis si Tristan? Pupunta siguro siya sa Papa niya dahil do’n iyon nagtatrabaho ng mechanical engineer. May bahay na rin sila ro’n sa abroad ‘tsaka wala akong plano pumunta roon sa bahay ni Tristan. Para mag-paalam, ayoko nga. Alam ko namang ayaw akong makita ni Tristan at mapapahiya lang ako roon.
Kahit saan pang lupalop pumunta si Tristan wala akong paki, gusto n’ya ihatid ko pa siya sa Mars. Hindi ako galit nadala lang ako sa emosyon ko. Halata naman ‘di ba?!
Nagulat ako ng bigla na lang may mahinang dumamping kamay na sumampal sa ‘kin.
“Hoy, anak. Buhay ka pa ba? Ba’t ka nakatulala riyan?” tanong ni Mama.
Bumalik ako sa uliran. Nginitian ko si Mama. Grabe naman puwede namang sigawan na lang ako, may pasampal pa.
Tumayo ako sa may pinto namin. Sa buhay talaga meron pagkakataon na mabibigo ka pero hindi iyon dahilan para sumuko ka. Hindi lahat ng storya ay humahantong sa happy ending pero na sayo ang dahilan kung gusto mo magpatuloy at ituloy ang siklo ng iyong buhay. Malay mo may naghihintay pa lang happy ending sa buhay mo.
Ayokong umasa pero hindi ako mawawalan ng pag-asa. Hahayaan ko si Tristan lumayo, dahil alam kong he need space. Ako naman need ko ng space sa outer space para mapag-isa ako. Alam kong mami-miss ko siya, mami-miss ko ‘yong mga araw na lagi kaming magkasama at masaya. Sa ngayon, para sa ‘kin, siguro tatanggapin ko na lang na hanggang kaibigan lang talaga…
Janellove3115 Authors Note: Maraming salamat sa walang sawang pagsuporta at pagbabasa hanggang sa dulo ng kwento… Pasensya na kung sad ending, pero tuturuan kayo ng nobelang ito na ‘wag mawalan ng pag-asa dahil may Book 2 ang Hanggang Kaibigan Lang Ba? (HKLB?)
Abangan ang magiging Title ng Book 2…
Para updated kayo sa mga nobelang gagawin ko pa, maaari nyo akong i-add or i-follow sa FB account ko na Janellove Writes. If gusto nyo ng fast confirm, pm me a green heart. Follow nyo na rin ako rito, para ma notify kayo sa mga bago ko pang ilalagay na kwento rito. Maraming, maraming salamat sa mga nagbigay ng Tip, it means a lot for me. Maaari rin kayong magpa-reserved ng copy ng book para mahawakan nyo literary ‘yung book ko. So ‘yun lang naman, laging tatandaan janellovesyou….