Hanggang Kaibigan Lang Ba?

by Janellove3115

 

Si Mia Rafael Rodriguez ay isang boyish girl pero pusong babae pa rin. She has a boy bestfriend named Tristan Suarez, isang maginoong binata kaya't hinahangaan ito ng mga kababaihan at kabilang na si Mia sa mga tagahanga nito. May gusto siya sa binata subalit takot nyang sabihin ang nararamdaman niya para rito. Natatakot siyang iwasan nito at masira ang pagkakaibigan nila dahil lang sa nararamdaman niya. 

Habang pilit niyang tinatago ang lihim niyang pagtingin sa kaibigang binata, isang lalaki naman ang dumating sa buhay niya. Si Ethan Gonzales, ang transferee student ng Demia High kung saan sila nag-aaral. Unang kita pa lang ni Ethan kay Mia ay namangha na ito kaagad sa katangian ng dalaga. Pero masuklian kaya ni Mia ang nararamdaman ni Ethan sa kanya kung may ibang lalaking itinitibok na ang puso niya? O makakahanap siya ng bagong pag-ibig sa katauhan ni Ethan at tuluyang makakalimot sa nararamdaman niya para kay Tristan?

Pinagtagpo kaya si Mia ro'n sa dalawa pero 'di tinadhana? Ano ang kahahantungan ng munting nararamdaman nila? Ipapaubaya na lang ba sa tadhana o masagot na ang katanungan sa puso nila kung hanggang kaibigan lang ba?

 

Start Reading
Load More
Advertisement