AT ANG HIRAP
by Ehnna Roque
Nagising na lang siya isang umaga na nagbago na ang lahat, wala na ang dating pag-ibig sa kanya ng kanyang asawa. Si Rhona, isang dating singer na iniwan ang kanyang passion at carreer para lang sa lalaking sa bandang huli ay magbabago rin pala, at iiwan siya. Dumating ang isang bagong pag-ibig, ngunit kung kailan naman tanggap na niya ang kanyang naging kasawian sa unang asawa, saka naman ito bumabalik at humihingi ng ikalawang pagkakataon, ano naman kaya ang gagawin ni Rhona? Tatanggapin ba niyang muli ang dating asawa o papasukin ang bagong lalaki sa buhay niya? Ang pag-ibig ng nakaraan o ang kasalukuyan? Sino nga ba ang makakasama niya sa kanyang hinaharap?
Advertisement