Advertisement

Labing-Lima – I Love You For The Last Time

Kaycee

 

•••

 

Napatigil na lang kaming parehas ni Molly dahil nawala ang boses ni Jenny na kanina lang ay narinig namin.

 

Nanginginig kong inisip na baka ay may kumuha na sa kaniya o may nangyari na sa kaniya.

 

“Molly..” napahawak ako sa braso niya.

 

Ngayon ko lang napansin na sobrang lamig na. Siguro mga nasa madaling-araw na at nandito pa kami sa loob ng gubat.

 

“Molly, nasaan na si Jenny, bakit bigla siyang nawala?” Bulong ko dito pero nakatulala lang siya.

 

Kanina lang ay kasama namin si Braine tapos ngayon bigla na lang siyang nawala tapos si Jenny na bigla na lang namin nahanap sa pamamagitan ng boses pero para rin siyang bulang biglang naglaho.

 

Ang sabi niya huminto kami dahil hahanapin niya kami, pero paano na lang si Braine? Paano kung nagtatago lang siya or what dito sa gubat kung nasaan kami ngayon? Paano kung natatakot na siya?

 

“Kaycee..” napabalik ako sa reyalidad dahil tinawag lang naman ako ni Molly.

 

“B-bakit?”

 

“Tumakbo ka na,” agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

 

Anongㅡ

 

“Hindi kita iiwan dito! Tumakbo na lang tayo parehas!” Sigaw ko sa kaniya at sabay hila sa braso niya pero bigla niya rin iyong hinila pabalik dahilan para maalarma ako.

 

“Hahanapin ko si Jenny, hahanapin mo naman si Braine.” Sambit niya.

 

“Hindi tayo pwedeng maghiwalay!” Sigaw ko pabalik sa kaniya.

 

Pero tumingin lang siya sa akin at ngumiti.

 

Molly..

 

“We need to save more life, Kaycee. Kaya tumakbo ka na para mahanap mo agad si Braine! Takbo na!” Sigaw niya.

 

Pero.. pero..

 

“Takbo na Kaycee! Dali!”

 

Wala na akong nagawa kundi ang bitawan ang kamay niya at tumakbo sa ibang direksyon. Sumakit ang dibdib ko sa isiping baka hindi ko na makita pa ulit si Molly.

 

Na baka hindi na namin makita pa ang isa’t-isa. Na baka..

 

Mabilis akong huminto sa pagtakbo at lumingon sa kinatatayuan ni Molly na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin kung nasaan siya at nakangiting kumakaway sa akin.

 

Tangina?! Nagpapa-alam ba siya?!

 

Hanggang sa manlaki ang mga mata ko dahil sa nakita kong bulto ng isang tao na lumabas sa madilim na parte ng gubat sa likod ni Molly.

 

Bumilis ang tibok ng puso ko at nanginginig kong tinakpan ang bibig ko. Hindi ako makapagsalita, hindi ko man lang magawang isigaw kay Kaycee na ang isang bulto ng tao sa likod niya ayㅡ

 

“Sa likod Kaycee!” Sigaw ko ngunit malakas na sigaw na nanggaling kay Kaycee ang pumuno sa madilim at tahimik na gubat kung nasaan kami.

 

Kahit malayo ay kitang-kita ko ang pagbaon ng mahabang kutsilyo na ‘yon sa dibdib niya. Ang pagbulwak ng dugo sa bibig niya at ang pagbagsak niya sa lupa.

 

Ang paulit-ulit na pagsaksak sa kaniya ng hindi ko makilalang tao dahil na rin sa itim na bagay na nakatakip sa mukha nito.

 

Lumandas ang luha sa mga mata ko habang pinapanood ang pagpatay niya sa kaibigan ko.

 

Pero agad akong napahinto ng tumigil siya at dahan-dahang lumingon sa gawi ko. Doon ko nahigit ang hininga ko at walang sali-salitang tumakbo palayo!

 

“Tulong! Tulungan niyo ako!” Sigaw ko.

 

Pero parang walang nakakarinig, walang gustong tumulong, walang gustong makiramay. Ang pumupuno lang sa pandinig ko ay ang paghihinagpis ko at ang malakas na tibok ng puso ko dahil sa kaba at takot sa taong pumapatay sa amin ngayong gabi.

 

“Tulong! Tulong! Parang awa niyo naㅡ” napahinto ako at napasigaw dahil agad akong nahulog sa banging punong puno ng matatalas na mga patalim

 

Bumaon ang katawan ko doon. Dumanak ang dugo ko sa mga patalim na iyon.

 

At ang huli ko na lang nasambit..

 

“Bakit..”

 

•••

Advertisement
Advertisement

All Rights Reserved ©