Advertisement

Labing-Apat – I Love You For The Last Time

Jenny

•••

Naiinis ako! Sobra akong naiinis! Naiinis ako sa kanila! Mga wala silang kwenta!

Hindi ko akalain na magiging ganito ang lahat! Hindi ko akalain na sa pagpunta sa bahay na iyon ang magiging huli kong hininga?!

Hindi! Hindi iyon mangyayari!

Kahit iniwan nila akong mag-isa at nagsama-sama ang mga duwag wala akong pakialam! Wala akong pakialam sa kanila kahit mamatay pa sila!

“Kahit kailan, hindi mo man lang kami inisip, hindi mo man lang inisip ang mga magulang mo!”

“Bakit naging ganito ka Jenny? Hindi ka namin pinalaking ganito!”

Napakuyom ako, hindi ko na dapat pang-isipin ang mga nakaraang matagal ng tapos!

Kung iisipin ay para itong isang patibong na ginawa ng isang tao. Nang makausap ko si Riley ay hindi na talaga okay ang kutob namin sa ginawa naming planong magkakaibigan.

Ang tanawing nakita ko kanina sa harap namin, si Kellie.. ang kutsilyo sa ulo niya, ang dilat niyang mga mata, ang pagdaloy ng dugo sa leeg niya. Sinong gagawa ng karumal-dumal na gawain na iyon ng ilang minuto lang?!

Ang sigaw ni Len, ang pagmamakaawa niya, pero wala man lang kaming nagawa?! Bwiset! Nakakabwiset!

Kahit na ayokong iwan ang tatlo pero kailangan ko pa ring gawin. Kailangan ko silang mailayo dito, kailangan sila lang. At hindi ako kasama.

Napapapadyak ako sa inis! Hindi ko na dapat pang iniisip ang tatlong iyon! Nakakainis sila!

“Braine! Braine! Nasaan ka na ba?!” Napahinto ako sa paglalakad ng makarinig ako ng sigaw.

Boses ni Molly at Kaycee! ‘yon.

“Braine! Wag ka na magtago please! Nasaan ka ba!”

Hinahanap nila si Braine? Bakit? Anong nangyari?

“Lumabas ka na! Nandito kaming dalawa ni Molly! Hindi ka naman namin iiwan gaya ng ginawa ni Jenny!” Aba’tㅡ

Gago ‘to ah? Sino bang nagpaalis sa akin? Gago ba sila?

Sumandal na lang ako sa isang puno na malapit sa akin at pinakinggan ang ingay na ginagawa nilang dalawa. Kung ako sa kanila, hindi ako mag-iingay dahil matutunton ako kung sakali ng pumatay kayla Len at Kellie.

Kinikilabutan at kumikirot ang dibdib ko kapag naalala ko ang sinapit nilang dalawa.

Pero.. si Braineㅡ

Bwiset!

“Braine!”

“Braine! Lumabas ka na!”

“Magagalit kami sayo, Braine!”

“Naiinis na kami Braine!”

Mabilis akong tumakbo papunta sa dalawang naghahanap kay Braine na baka ngayon ay.. ayㅡ

Hindi! Nawawala lang siya! Hindi pwedeng nasundan kami dito! Malayo ang itinakbo namin! Hindi pwedeng masusundan kami ng hayop na iyon!

“Molly! Kaycee!” Sigaw ko at tumigil muna sa pagtakbo.

Wala akong makita kundi walang hanggang kadiliman at mga puno! Bwiset! Nasaan ba sila!

“Jenny? Jenny?! Nakita mo si Braine?!” Bigla akong kinutuban!

Hayop!

“Dyan lang kayo! Wag kayong gagalaw! Hahanapin ko kayo!” Sigaw ko at muling tumakbo.

Kahit na nanginginig sa isiping natunton kami ng hayop na iyon ay hindi ko ibubuwis ang buhay ng dalawang ito para lang hanapin si Braine! Kailangan nilang makaligㅡ

“Shit! Tangina!” Pumuno sa sarili kong pandinig ang sarili kong sigaw dahil sa sakit na sumalakay sa paa ko.

Bigla akong napabitin sa ere at halos.. halos bumaon sa balat at laman ko ang tila bubog na nakabalot sa makapal na taling pumulupot sa kaliwang binti ko.

Bwiset!

“Jenny! Nasaan ka ba?!”

Ang sakit! Ang sakit! Sakit! Parang dahan-dahang bumabaon ang mga bagay na iyon sa binti ko. Naramdaman ko ang pag-agos ng dugo mula doon.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa tindi ng sakit na nararamdaman ko at hindi ko inaasahan ang makikita ko sa ibaba.

Ang taong.. bakit siya may hawak-hawak na palaㅡ

•••

Advertisement
Advertisement

All Rights Reserved ©