MIA P.O.V.
Ngayon nasa may upuan kami rito sa may gilid ng mall. Hindi man lang ako kinibuan ni Mama, galit pa rin ba siya?
“A, hindi mo ba sasamahan ang Mama mo, Ethan? Di ba birthday nya ngayon, pasensya na rin pala kung hindi ako nakapunta. Pati rin sayo Tristan, kung hindi kita nasamahan papunta sa bahay ng lola mo. Nabalitaan ko kasing nagising na si BL kaya pumunta agad ako sa hospital. Alam nyo bang mahihirapan akong pumili sainyo kung kanino ako sasama dahil parehas kayong sabado, e sabado ngayon. Alangan namang hatiin ko ang sarili ko, para ang isa sainyo ‘di magtampo,” biro ko.
Tumingin sa ‘kin si Ethan. “You know we both understand, ‘tsaka simpleng salo-salo lang naman ‘yong nangyari ngayon sa birthday ni Mama. Ayaw n’ya kasing mag-mukhang pangbata ang birthday n’ya,” saad ni Ethan.
Nakahinga ako ng maluwag pero sayang naman makakakain sana ako ro’n ng spaghetti, cake, ‘yong mga dessert’s nila. Iniisip ko pa lang nagugutom na ako pero nag i-imagine lang ako.
“Puwede naman sa susunod ‘yong pagpunta natin sa bahay ng lola ko. Then, ano pala? Nakita mo na kung ilan ang grades mo?” tanong ni Tristan.
Napakurap ako. “Oo nga pala, hindi pa. Wait tingnan ko,” sabi ko sabay kuha no’ng card ko sa loob ng bag ko. Do’n ko kasi nilagay. “Bago ko pala buksan ‘to, kumusta ‘yong grades niyo? Ilan?” pilit kong pagtatanong sa kanila.
“It’s only ninethy eight,” sagot niya, mukhang malungkot pa siya sa markang ‘yon.
“Ikaw pala Ethan. Do’n sa school mo, ilan ang grades mo?” tanong ko naman sa kanya. Bawal kaya akong may malagpasan.
“Minus one sa grade ni Tristan,” sagot ni Ethan.
So, ninethy seven naman ang grades niya. Grabe pala ‘tong dalawang ‘to. Dapat lagi lang ako sumama sa kanila para naman mahawaan ng kahit katiting ng talino nila. Pero abangan nila ang grades ko. May pa suspence pa ako sa pagbukas ng marka ko pero nakaharap lang muna sa ‘kin.
Nagulat ako dahil nakita kong line of seven sabi ko na kasalanan ‘to ni Mama dahil pinaulam niya ako ng itlog no’ng unang pasukan, charot laking gulat ng mga mata ko dahil line of nine!
“Hoy, ilan?!” tanong ni Tristan dahil parang na freeze ako pagkakita ko ng marka ko.
“Mia, are you alright?” rinig kong tanong sa ‘kin ni Ethan.
“Ah, kasi naka-ninethy ang grades ko for the first time!” sigaw ko sa kanila.
Medyo na bingi sila pero masaya naman silang makita akong masaya.
“Congrats,” ani ni Tristan sabay shake hands sa ‘kin.
“Keep it up, Mia. Mapapataas mo pa ‘yan,” saad ni Ethan.
“Salamat sainyo. Uuwi na ba tayo?” tanong ko sa kanila at tumayo na ako.
“Puwede namang maglaro muna tayo ng games diyan sa mall para naman malibang ka, pre,” suhestyon ni Tristan.
“So, Mia?” Paghihintay ni Ethan ng sagot ko sa sinabi ni Tristan.
Matagal na rin na panahon hindi ako nakakapasok sa mall kasi ano namang gagawin ko riyan. Pambili ngang pagkain na gusto ko wala ako, pang shopping pa kaya?
“Puwede, libre nyo ba?” paniniguro ko.
“Well, ako na ang lilibre sayo dahil ako naman ang nagyaya,” saad ni Tristan.
Pumasok na kami sa loob ng mall grabe ang lamig naman dito. Mas gusto ko pa rito tumambay kaysa sa library.
Pupunta kami sa taas pero hindi nila alam na una na sila, ako parang ‘di ko yata kaya tumuntong dyan sa umaandar na hagdan na ‘yan, mukha kasing kakainin ang paa ko. Naalala ko tuloy ‘yong katangahan ko no’ng bata pa ako na dinala ako sa Mall ni Mama at Papa.
Pagkataas no’ng dalawa napatingin sila sa gilid nila dahil wala ako roon, ‘yon pala na-realize nilang hindi ako nakasunod. Napatingin sila sa ‘kin at sinenyasan ako na sumunod na ako. Ginalaw-galaw ko ang ulo ko para sabihing ‘di ko kaya.
Dumaan na silang dalawa sa pababang hagdan para balikan ako. Nagmumukha tuloy akong bata nito.
“Hindi ko kasi kaya,” sabi ko sa kanila.
Ngumiti silang dalawa. Ang ginawa nila hinawakan nila ang tig-isa kong kamay para makasabay ako sa kanila.
Nakahinga na ako ng maayos no’ng naka apak na ako. Ayos ‘to, maghihintay ka na lang tapos nando’n ka na sa itaas.
Pinunta nila ako ro’n sa may arcade games sa mall. Unang nakaakit sa mata ko ‘yong claw machine, poborito ko ‘yan laruan dahil dyan nauubos ang pera ko.
Hinila ko sila papunta ro’n.
“Yan ba ang gusto mo?” tanong ni Tristan.
“Oo, puwede ba?” paawa-effect ko.
“Yes, puwede naman. Bibili lang ako ng tokens,” saad ni Tristan at umalis sandali.
“Gusto kong kunin ‘yan green na teddy bear. Reregalo kay BL,” sabi ko, kanikausap ko si Ethan habang wala pa si Tristan.
“Gano’n ba subukan ko rin, bibili lang ‘din ako ng tokens,” saad ni Ethan.
Pagkaalis ni Ethan, dumating naman si Tristan. “Ito, try mo na,” sabi niya.
Kinuha ko na sa kamay nya ten na tokens. Grabe naman, magwawala ako kapag ‘di ko ‘yan nakuha.
Sinubukan ko na sa unang try, failed.
Dumating na rin si Ethan. “Kaya pa ba?” asar na tanong nya.
Try and try hanggang mainis. Sa ngayon naka-five tokens na akong at puro palpak.
“Ikaw naman Tristan baka na sayo ang suwerte. Niluwagan kasi siguro nila ang turnilyo, ang daya!” reklamo ko sabay simpleng pagsipa sa machine.
“Okay, i’ll try,” saad ni Tristan.
Tuwang-tuwa na sana ako dahil malapit niya ng makuha pero no’ng malapit na sa butas hindi umabot. Shit naman, oh.
“Yon ng malapit sa butas ang kunin mo,” utos ko, kung makautos wagas.
Ginawa naman ni Tristan pero parang ayaw ng hawakan ng claw. Hanggang sa maubos ang token na hawak nya.
“Pasensya na, may daya ‘yan,” reklamo rin ni Tristan.
“Time ko naman siguro, baka ako talaga ang makakakuha nyan,” mayabang na sabi ni Ethan.
Sana nga, kasi nasayang na riyan ang pera ni Tristan. Sana pala hindi ko na lang sila hinila papunta rito. Hinila ko dapat sila papunta sa pagkain. Nabusog pa sana kami.
Sumubok din si Ethan pero wala ring nangyari. Kaya umalis na kami ro’n sa machine na ‘yon. Nag-basketball na lang kami tapos ‘yong mga ticket na lumalabas sa bawat shoot namin ‘yon ang ipangpapalit namin ng teddy bear.