Advertisement

END – I Love You For The Last Time

Jenny

 

Nagising akong nananakit ang paa at ulo ko. Sobrang sakit na para bang mabibiyak na ito.

 

Idinilat ko ang mga mata ko at ang malawak na sala ang una kong nakita. Pero halos magimbal ako sa nakita ko sa aking harapan.

 

Kumuyom ang mga kamay ko at saka lumandas ang masanang luha sa mga mata ko.

 

Ang mga kaibigan ko.

 

Nasa harapan ko.

 

Pero.. mga wala na silang buhay.

 

Mga hayop sila! Mga walang-kaluluwa!

 

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at ang mga mukha nilang masasaya ang nakikita ko. Pero bakit? Bakit sa isang kislap lang ay magbabago ang lahat? Bakit ganito? Bakit?!

 

“Gising ka na pala..” napadilat ako at halos hilingin ko ng magising ako sa bangungot ko ngayon.

 

Sa bangungot na sana ay hanggang panaginip na lamang.

 

Hindi maaari.. siya.

 

Dahan-dahan akong napatingala at nakita ko siyang nakatayo sa likod ng mahabang sofa kung saan nakaupo ang apat naming mga kaibigan.

 

Their lifeless body..

 

Habang ako.. nakaupo sa isang de-kahoy na upuan, nakatali ang mga kamay at paa habang nagdurugo pa rin ang binti sa ginawa niya.

 

“Nakumpleto na ulit tayo, Jenny. Wala na ulit makakapag-pahiwalay pa sa atin kahit na ang tadhana.” At isang nakakakilabot na ngiti ang sumilay sa mga labi niya.

 

“Hayop ka..” bulong ko habang nakatingin sa kaniya kasabay ang paglandas ng mga luha sa mga mata ko.

 

Parehas na lang kaming napalingon ng may nagbukas ng malaking pinto at pumasok ang isang taong.

 

“Aking mahal na kapatid, lumapit ka dito at ipapakilala kita sa kaibigan ko,” Sambit niya sa malambing na boses.

 

Hindi ko akalain, hindi ko.. hindi ko maisip! Bakit?!

 

Tumabi sa kaniya ang taong iyon, madungis, puno ng dumi ang kaniyang mukha pero hindi mababakasan ng kahit na ano mang-emosyon ang kaniyang mga mata.

 

“Yna, si Jenny nga pala.. kaibigan ko. And Jenny, kapatid ko nga pala.. si Yna. Oh, let me replaced that.. my twin sister.” Tagumapay na ngiti ang umukit sa labi niya ng sabihin niya iyon.

 

Literally.. a twin. A fucking twin!

 

“Hayop ka! Bakit mo ginawa ‘to!” Sigaw ko sa kaniya.

 

Nanginginig ako sa galit. Gusto ko siyang patayin! Dapat namatay na lang siya!

 

“Bakit ko nga ba ginawa, Jenny..” bulong niya sa akin.

 

Umalis na ang babaeng iyon at kinuha ang isang palakol na hindi ko alam kung saan nanggaling.

 

Bakit may palakol? Anongㅡ

 

“Don’t worry, Jenny. Hindi kita papatayin gamit ang palakol, kasi dadahan-dahanin ko lang para maramdaman mo ang sakit.”

 

“Tangina mo! Pakawalan mo ako dito hayop ka!” Sigaw ko pero malakas niya lang itong tinawanan.

 

Halos pigilan ko ang paghinga ko ng hawakan niya ang kutsilyong nakabaon sa ulo ni Kellie na ngayon ay nakaupo sa harapan niya, dilat ang mga mata na tila tinititigan ako.

 

“A-nong gagawin mo?!”

 

At walang habas niyang hinila iyon upang biglang bumulwak ang malapot na pulang likido mula sa ulo ni Kellie pababa sa mukha niya.

 

Literal na naliligo na siya sa sarili niyang dugo.

 

“A-anong..” bigla akong napaiwas ng tingin.

 

Sa tanang-buhay ko, hindi ko ninanais na makita ang mga kaibigan kong nasa ganitong kalagayan. Ni hindi ko maisip na magkakaganito ang lahat… ano bang ginawa namin? Wala akong ibang maisip!

 

“Maganda ba ang ginawa kong palabas ha, Jenny? Maganda ba?” Hindi ko na kinakaya ang mga ginagawa niya.

 

Tumingin na ako sa kaniya at literal na bigla kong isinuka ang mga kinain ko kanina sa harapan niya. Tangina mo! Ikaw yang suka ko hayop ka!

 

“Jenny, Jenny, Jenny.. mukhang nakakalimot ka na.” Mahina niyang sambit pero agad akong tinamaan ng kaba.

 

Tumingala ako upang tignan siya pero nanatili lang siyang nakatitig sa kutsilyong hawak niya.

 

“Nang gabing pasukin mo ako sa kwarto ko sa dorm, at bigla mo na lang akong.. sabihin na nating sinaksak ng ballpen sa hita ko. Nang dahil lang sa nagseselos ka?” Pagkukwento niya.

 

Bigla na lang pumasok sa isip ko ang gabing iyon, kasama ko si Molly.. nang gabing iyon..

 

Halos mapasigaw na lang ako sa sakit at hapdi ng isinaksak niya sa hita ko ang kutsilyo na hawak niya. At isang malakas na sampal ang inabot ko sa kamay niya.

 

Saka niya marahas na hinawakan ang panga ko at inilapit ang mukha sa akin.

 

“Masarap ba sa pakiramdam, Jenny? Masarap ba? Masakit ‘di ba? Hahaha! You fucking loser!” Sigaw niya sa akin.

 

Ang mga katagang iyon.

 

“Len..”

 

“Ow? You actually say my name huh? Akala ko nakalimutan mo na ako..”

 

“Bakit?”

 

“Simple lang..”

 

Tinitigan ko siya..

 

“Revenge.”

 

Hindi pa ako nakakahuma sa sinabi niya ng may isa pa siyang kutsilyo na hawak at tila para bang sa isang karne niya iyon isinaksak!

 

“Tangina! Hayop ka!” Sigaw ko sa kaniya.

 

Nanginginig kong tinignan ang mga hita kong may saksak ng kutsilyo.

 

Paanong… a-anong…

 

“Akala niyo ba kaibigan niyo ako?” Naguguluhan akong tumingin sa kaniya.

 

Hilam ang luha sa mga mata ko at ang sakit na bumabalatay sa buo kong katawan.

 

“Len… hindi ko alamㅡ” she slapped me again for the second time at doon ko na nalasahan ang dugo sa labi ko.

 

“Alam mo kung anong sinasabi ko! Alam mo Jenny dahil kayoㅡnang mga lintik mong kaibigan ang gumawa nito sa akin!” Sigaw niya sa harap ko.

 

Nang titigan ko ang mukha niya ay doon bumalatay ang sakit at lungkot sa mga mata niya.

 

“A-anong…”

 

“Wala ng dapat pang ipaliwanag ngayon.” Hindi ko maintindihan!

 

“Len! Ipaliwanag mo sa akin! Please! Kailangan ko ngㅡ” halos mawalan ako ng ulirat ng saksakin niya ako sa pisngi ko.

 

Bumaon iyon sa kabilang pisngi na ikinaungol ko dahil sa sakit. Hindi ko na alam, ang gusto ko na lang ay ang mamatay kasama ang mga kaibigan kong nasa harapan ko.

 

Kahit na anong gawin kong pagkuyom at pagwawala kung dito lang rin ang katapusan namin. Bakit hindi ko na lang hilingin na tapusin na niya ako? Ayoko na mag-hirap… Ayoko na…

 

“Kung iniisip mong nahihirapan ka sa ginagawa ko, pwes mas naghirap ako sa kamay niyo.”

 

Pumikit ako dahil sa sakit na narinig ko mula sa kaniya.

 

Naramdaman ko na lang ang tila tubig na ibinuhos niya sa akin. Pero hindi… gas iyon.

 

“Pare-parehas tayong mamamatay Len… sama-sama tayong pupunta sa impyerno.” Nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya.

 

Pinaliguan niya ng gas ang mga kaibigan namin. Habang ang kapatid niya… nakatayo lang sa isang gilid at pinagmamasdan ang kapatid niya.

 

Nang matapos ay tumingin ito sa gawi niya at…

 

“Nabuhusan mo na ba lahat?” Tumango ito.

 

Napansin ko na lang na nangangamoy gas na ang paligid.

Hindi…

 

She sweetly smiled at me.

 

“Bye, Jenny…”

 

At doon na sumiklab ang apoy sa harap ng mga mata ko… sa harap naming lahat.

•••

End.

Advertisement
Advertisement

All Rights Reserved ©