Advertisement
CHAPTER 9: Trouble
I am here again… the place that I’ve hated ever since I was a kid. This place keeps on appearing in my dreams.
“Shea, please accept the power within you. Tanggapin mo kung ano ka talaga. With it, makokontrol mo na ang kapangyarihan mo. Hindi ka na matatakot. Hindi ka na magtatago.”
A woman with a black long dress appeared in front of me. Mahaba ang kanyang itim na itim na buhok na bumagay sa napakaputi niyang balat. Mapupungay at kulay pula ang kanyang mata. Wala siyang suot sa paa at parang nakalutang lang siya sa harap ko. She really looks like a goddess. A goddess behind a mask. Ganito nalang palagi, paulit-ulit nalang.
“I told you, hindi ako halimaw!” I shouted back at her.
She’s the damn reason kung bakit ganito ako ngayon. Pinasa niya sa ‘kin ang kapangyarihan niya. A very dangerous and deadly power.
“Hindi nga ito tungkol lahat sa negatibong iniisip mo. Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo na pwede mong gamitin ito sa kabutihan? As long as you let me teach you on how to use it, everything will be controlled.” pagsusumamo niya.
“No.” Pagmamatigas ko. I am not a monster.
“Shea, your Kingdom needs you. Please come back.” Muling pagsumamo niya.
“I told you, I am not a property of anyone. I am just a normal person with a normal life. So please remove this curse!”
“Hindi ako ang pumili sa iyo Shea. The power itself chose you because of who you are.” She said in a deep voice.
Nagising ako at napatingin sa bintana. Mataas na ang araw. I looked at my clock beside my bed and it’s already seven. I still have one hour to go. Kapag nagpapakita kasi ang babaeng yun palagi akong nalalate ng gising.
Pumasok na ako sa banyo, removed my disguise and took a shower.
“Shea kain na tayo. Gumising talaga kami ng maaga para sabay na tayong mag breakfast!” Masiglang bati sa akin ni Eloiny pagdating ko ng kitchen para sana uminom ng tubig.
I’m all set pero sila ni Cein ay nakapambahay pa kasi ten pa ang klase nila.
“Upo ka na nee-chan.” Aya sa ‘kin ni Cein. Ayoko namang tanggihan ang offer nila kahit male-late na ako because I know the feeling of putting your effort on certain things yet they don’t appreciate it.
Simple lang naman ang hinanda nila. Egg sandwich, pancakes, bacons and hotdogs.
Umupo na kami at nagsimulang kumain. “Nga pala Shea, kaklase pala kayo ni mr. Arrow guy? OMG ang swerte moooo!” Tili ni Eloiny habang may laman pang pagkain ang kanyang bunganga.
Napatigil ako, “Arrow guy?” I asked.
“Si arrow guy! Yung lalaking bumuhat sayo palabas ng illusion at yung top 1 natin! Si Ren Paxton Montero! My ghad he’s so hot!”
Napakunot ang noo kong puro wrinkles. What? That jerk carried me outside the exam? Para saan? Oo alam kong kadiri itong mukha ko pero mas kadiri yung ginawa niya.
“El nee-chan behave!” Sita sa kanya ni Cein. Ang hinhin talaga ng babaeng ‘to.
“Ano ka ba Cein, ginagawa mo naman akong aso eh.”
“Sigurado ba kayo dyan sa sinasabi niyo?” Muling tanong ko.
Sabay silang tumango.
“Why would he do that?”
“Hindi rin namin alam. Basta ka nalang niya nilapag sa field at umalis. Buti nalang napansin ka agad ni Cein kaya pinuntahan ka namin.” Eloiny explained.
Napatingin ako sa wrist watch ko. Oh my, I’m already late! Binilisan ko yung pagkain at nagmadaling umalis.
I ran to the building where we will about to held our first period but damn, may mga palaka na namang humarang sa daanan ko.
“News Update! A nerd is late into class! How weird is that?” Yung mga babae na naman ito kahapon na pinagtripan ako. Parang kaharap ko ngayon ang isang pintura na tinubuan ng mukha.
“Excuse me.” Mahinang sabi ko habang nakatungo.
“What did you say pangit?” She said be in a very irritating voice.
“Makikiraan.” Pag-ulit ko na medyo malakas.
If I were a bitch just like them? Kanina ko pa sila pinatulan. Buti nalang mabait ako. Tsk.
“Bakit ka kaya nalate? Oh, lumandi ka ‘no? Sinong pinapangarap mo? Si Ren ko ba?” She emphasized the word “ko”. Ano na naman bang pinagsasabi ng babaeng ‘to?
“Wala akong alam sa sinasabi mo.”
“Bitch I know nag pasipsip ka lang kay Ren during the entrance exam and then you make panggap na you fainted so that he will make buhat you.” Singit ng isa niyang kasama na mukha rin namang singit na tinubuan ng mukha.
Lalagpasan ko na sana sila pero hinaharangan pa rin nila ako. Sige nalang, pagbigyan.
“What do you need then?” Tanong ko.
They looked at me, slightly amused. “OMG! You heard that girl? She didn’t deny it!” A girl that looks like an elf said. Siya yung sinasabi kong taga bewang ko lang yata at mahaba ang tenga.
“You really are a bitch disguised into a nerd.” The girl with an ash blonde hair glared at me.
Tumahimik nalang ako.
“Stay away from our Ren! Or else you will suffer the consequences, bitch.”
I think their speech will be ending so I’ll just wait for them to walk out.
“Hoy!” Biglang may boses na sumingit.
My ghad I hate drugs. Sino na naman ba ‘tong dadagdag pa sa eksena? Napapitlag ako nang biglang may umakbay sa ‘kin. What the—!
Out of my reflexes, I punched him in the stomach. Bakit ang tigas? Shit. I’ve blown my cover. Nagulat kasi ako. Ni hindi ko nga naramdaman na lumapit siya.
“Ouch babe! Ang lakas mo pala manuntok!” Sabi niya sabay tawa.
That voice is very familiar. I turned back and looked at the person behind me.
Napataas ang kilay ko. Of all people, ano naman ba ang balak ng lalaking ‘to?
“What are you doing here?” I glared at him. Gusto kong burahin ang mukha niya. Hindi ko pa nakalimutan ang lahat ng karantaduhang ginawa niya sa ‘kin. He almost killed me!
“Fetching ‘ya? Come on male-late ka na!” Sabi niya.
Napakunot ang noo ko. Pareho ba silang nakahithit ng kung ano dito?
“U-uhm hi Ren!” Biglang singit nung leader nila.
Just looking at their faces right now makes me want to burst in laughter. She looks like a bitch a while ago then seconds after they all look like a tamed frog.
Paxton just stared at them then returned his gaze on me.
I just rolled my eyes at naunang naglakad. Di na ako napigilan ng mga babae kanina marahil nagulat rin sila sa paglabas ng Ren nila. Hindi nila alam ang lalaking iniidolo nila ay isa lamang duwag.
“Hintayin mo naman ako.” Bigla niya akong sinabayan. Hindi ko siya pinansin. Baka mapatay ko pa.
“Pangit na nga masungit pa.” Rinig kong bulong niya.
“Stay away or I’ll kill you.” Banta ko sa kanya.
“Ohh… I’m scared…” he answered in sarcasm.
“Ano bang kailangan mo? We’re not even close.”
“Alam mo kasi, nakita kita kaninang inaaway. So dahil alam kong kayong mga babae ay mahilig sa prince charming, there I came running to save Fiona. Hahaha!”
Ahh… so siya si Shrek.
“Just wait ’till I get my revenge on you.” Matalim ko siyang tinignan.
“I’m looking forward to that.”
Nauna siyang pumasok sa loob ng room. Then after a minute pumasok na rin ako. Good thing kakasimula palang ng discussion namin.
“Okay listen up everyone! Into the field now. Just go to your locker room and change into your P.E uniform. Please be there in 10 minutes.” Iyan ang naabutan kong sabi ni sir Mark pag pasok ko ng room. Bigla namang nagsilabasan ang mga kaklase ko.
That feeling when you just entered the room tapos bigla rin pala silang aalis? This is why I hate being late.
“Powers and abilities asessment test?!” They all said in unison matapos na announce ni sir ang gagawin namin. We’re all standing in the middle of the field kung saan naganap ang entrance exam wearing our P.E uniform. A green shirt na may logo ng academy sa left side ng chest at itim na jogging pants.
Napalunok ako. Oh no, I think I’m really in big trouble. Walang dapat makakakita nito. They will know my secret pag ginawa ko ‘to.
“Yes.” Diretsang sagot ni sir Mark.
“Wala po ba munang orientation sir? Because second day palang po ng class. We should learn the basics first, right?” I asked.
He looked at me, “If you’re going to fight a dark special, you don’t have time for such leisurely events. That’s also how the other teachers run their classes.” Sagot niya.
I heard someone laugh kaya napatingin ako sa part kung saan ko narinig iyon. And it was that jerk.
“Pfft! Pahiya.” Hindi ko nalang siya pinansin at tumango nalang kay sir. Tss… Isip bata.
Dark specials? Iyan ba ang mga kalaban nila?
“Mr. Montero, you’re the top 1 right?”
Lahat ng atensyon namin ay napunta kay Paxton nang tawagin siya ni Sir. He proudly went in front.
“Yes sir.” sagot niya.
“What was your best result for the javelin throw while you’re still studying in the human school?”
“69 meters.”
Most of the girls look dreamily at that gay. Kulang nalang maging heart ang mata nila.
“Then try doing it with your power or abilities. You can use both of them if you like as long as you stay inside the circle.” Sir instructed. Meron kasing malaking bilog dito kung saan nakatayo si Paxton.
“Okay then,” He looks excited as he started to stretch his body. Nagsimula na siyang bumwelo hawak ang javelin na binigay ni sir. Pero bago siya tumira ay tumingin muna siya sa ‘kin.
“Die!” Walang paligoy-ligoy ay binato niya ng napakalakas ang javelin. Naramdaman ko ang napakainit na hangin mula sa pwersang ginamit niya. Bakit die? Bakit tumingin siya muna sa ‘kin? Gusto niya ba talaga akong patayin?
Our class awed in amusement. Napairap nalang ako. Pasikat na naman.
“750 meters.” Sabi ni sir at pinakita sa amin ang measuring device na hawak niya.
Mas lalong napanganga ang mga kaklase namin. Duh, whatever.
“This will be fun!” Sabi ng isa sa mga kaklase ko.
Fun? For me this is hell.
“Patikim palang iyon. I am going to give you eight physical activity tests and those who will get the lowest will be considered with no potential at all. And will be punished with expulsion.”
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. The heck? Expulsion? After all my near death experience during the entrance exam after two days masasayang lang? Ayokong may makaalam kung ano ako pero ayoko rin na umalis sa academy. Hindi ko alam kung bakit. I just feel that I belong here kahit na binubully parin ako ng karamihan.
Advertisement