Advertisement

 

CHAPTER 8: First Day

Minulat ko ang mga mata ko and checked my phone na nakapatong sa mesa katabi lang ng higaan ko. It’s exactly 6:00 am. Hindi ko na kailangan ng alarm dahil kusa naman akong nagigising ng ganitong oras. It’s what they call body clock.

Magkaiba ang sched namin nina Cein at El. Their class starts at ten o’clock while mine is eight. I think they based our schedule sa points na nakuha namin.

Niligpit ko muna ang higaan ko bago dumiretso sa banyo upang maligo. Tinanggal ko muna ang disguise ko bago tuluyang naligo.

— 

Papunta na ako ngayon sa first subject ko and I don’t know where the hell that room is. PR7 ang nakalagay sa sched ko. Dapat naglagay manlang sana sila ng map para di maligaw ang mga bagong students nila dito. Buti sana kung maliit lang ang campus nila eh.

I feel uncomfortable wearing their uniform lalo pa’t di na ako sanay mag suot ng hindi oversize na damit. Tsaka ang ikli ng palda, kainis. Sino ba nagpauso ng ganitong uniform? Puting long sleeve sa loob na pinatungan ng dark green coat na may tatlong butones sa baba exposing the dark green bow na naka tali sa puting blouse ko. Tapos maikling green pleated skirt at itim na knee socks at sapatos. Kung makabalot itong uniform nila parang may winter naman dito.

While I am walking in the middle of nowhere dahil puro building lang naman ang nakikita ko dito at wala akong makitang PR7 na pangalan, a group of students came running from my back. Natulak pa nga ako ng isa pero tinignan niya lang ako na parang nandidiri dahil dumikit ang katawan niya sa ‘kin. Muntik na nga akong madapa eh. Tinawanan lang nila ako at tumakbo na ulit.

Inayos ko ang malaking salamin ko at hindi nalang pinansin ang ibang taong nagbubulungan sa paligid. Nagpatuloy ako sa paglalakad.

“Bes masusuka na yata ako.”

“Ako nga rin eh.”

“Diba siya yung napabalitang demon slayer? Tama nga ang chismis. Malandi siya.”

“Kapal naman niya hahaha!”

“Pre bilis halikan mo na!”

“Wag ka nga dyan pre nananayo balahibo ko sayo eh.”

“Eww she’s so pangit!”

“And nakakadiri!”

Sari-saring mata ang nakatuon sa akin ngayon pagtapak ko palang ng hallway. Sige lang i-enjoy niyo lang ‘yan. As if may mapapala kayo sa pinanggagawa niyo.

Nakita ko na ang PR1. Ayos, malamang sa may dulo na nito ang room ko. Pero bakit kaya tinatawag nila akong malandi? Buti sana kung si Alysia ang nakikita nila ngayon, ang magandang version ko. May reason pa sila para tawagin akong malandi, but ngayon na si Shea ang narito? Pangit na nga manlalandi pa ako? Seriously people?

May makakasalubong akong tatlong babae at ang tingin nila ay halatang mambu-bully na. I thought they call a demon slayer cool and unique because of what they’re capable of but why are they doing this kind of things to me? Well, nevermind. I’m used to it.

Nagtatawanan sila at nagke-kwentuhan hanggang sa nagkasalubong na kami. Saktong papalampas na sila sa akin ay iyon naman ang pagkadapa ko. Pinatid ako ng isa sa kanila.

“Oops! Sorry!” Maarteng sabi ng babae sa hulihan. Ash blonde ang mahaba niyang buhok na may curl sa dulo. Ang puti ng mukha niya dahil sa kapal ng concealer in contrast sa leeg niya na ang itim. Nagtawanan naman ang mga kasama niya at ang ibang nakikinuod.

“Akala ko kasi hindi tao yung makakasalubong namin eh kaya sinigurado ko muna.” Dagdag pa niya.

Umayos ako ng tayo pero nakatungo. Pinalibutan kasi nila ako.

“Bakit sis ano bang akala mo?” Maarteng tanong ng isang babaeng matangkad na kasama rin nila.

“Akala ko kasi multo. Kasi ‘di ba nga her face palang is like nabubulok na and I thought that my feet will just lusot in her body. Ahahaha!”

And I was like killing you in my mind and your body be like gutay-gutay na because you are so maarte.

“You’re right sis. She’s so pangit na nga pero slut parin like oh my gee it’s nakaka-loka.” Sabi ng isang pandak na hanggang bewang ko nga lang yata.

“Why you’re so malandi? Here just kiss my Bruno. Bruno!” Sabi naman ng babae kaninang pumatid sa ‘kin. And who the hell is Bruno?

A ring of light appeared at the back of those girls and there I saw a gross creature coming out from that magic circle. It has the head of a bulldog and a body of a man. I guess one of them is a summoner from I don’t know where.

“Kiss that yucky girl. Ahahaha!” Maarte niyang tawa.

“What?” Kumunot ang noo ko.

Napataas ang kilay nilang tatlo. “Duh, hindi ba nga you want all the boys to kiss you? So here’s my baby Bruno. He’ll grant your wish. Ang bait ko right? Ahahaha!”

“Did I say such thing?” Tanong ko.

“Aba sumasagot ka na sa amin? Don’t you know who we are?” Maarteng sabi ng pandak.

Ako naman ngayon ang napataas ng kilay. “Excuse me, that was a question not a statement. The next time you’re bullying me, make sure to review your notes in English.”

Natahimik silang tatlo pero kita sa mukha nila na gusto na nila akong sugurin. Good thing the bell rang kaya nagsipasukan na ang mga chismoso’t chismosa. Great, I’m late.

Nangagalaiti silang tumingin sa akin. “We’re not done yet slut nerd.” Bigla silang tatlo nawala sa harapan ko. One of them is a teleporter I think.

Napahinga nalang ako ng malalim at diretsong naglakad patungo sa room ko. Hindi ko rin naman alam ang sinasabi nila.

Habang naglalakad ako ay may napansin akong nahulog mula sa likuran ko. I turned back and saw a piece of paper on the floor.

“Kiss me boys 💋Written on the paper.

I closed my fist and sighed heavily. Kaya pala ganon sila kanina. Pinulot ko ang papel at tinapon ito sa malapit na basurahan na nakita ko.

Diretso akong naglakad hanggang sa marating ko na nga ang PR7. Baka may sorpresa na naman silang nakahanda sa ‘kin.

Binuksan ko na ang pintuan at nakakapanibago lang dahil walang biglang may mahuhulog sa ulo ko, o tatapunan ako ng kung ano-ano. Everyone is silent dahil nga first day at walang magkakilala.

Namukhaan ko rin sila dahil sila rin ang mga nakasama ko sa entrance exam. I just feel awkward because all eyes were on me. At mukhang alam ko na rin ang iniisip nila. Their classmate is the Demon Slayer which they thought is.

Umupo ako sa bakanteng upuan sa harapan. My favorite place ever since I pretended to be a nerd. I can feel that the atmosphere suddenly changed. Hindi ko maipaliwanag kung bakit. Parang may gustong sumaksak sa akin mula sa likuran.

Few minutes later ay may pumasok na lalaki that looks like in mid 20’s. Maganda ang pangangatawan at di maipagkakailang isa siya sa mga professors na hinahangaan dahil sa porma at tindig niya palang. He looks so professional and undeniably handsome. Dahilan para kiligin ang mga tao sa likuran. I can feel the atmosphere behind me became attentive. He must be our teacher.

“Good morning students!” Masigla niyang bati.

“Good morning sir!” We replied in chorus.

“I’m so happy dahil may nakita na naman akong bagong mukha dito sa school and I am looking forward na magiging masaya ang pagsasama natin through out the year. So, welcome freshmen of Myrrh Academy!”

“First of all I would like to introduce myself. I am Mark Carlson, your adviser and your teacher in Ability and Power controlling. Any questions? Except for lovelife and money please?”

Natawa naman sila sa sinabi niya at ang kaninang madilim na atmosphere ay naging light. I really like this kind of teacher.

Merong babae sa likuran ko na nagtaas ng kamay. “Yes? Your name?” Tanong ni sir Carlson sa babae.

“Miranda Craig sir.” Sagot niya. “Uhmm… itatanong ko lang po sana sir kung ano ang power at abilities nyo.”

Ngumiti naman siya. “That’s a nice question Ms. Craig. Well, I can find lost things. It’s my ability.” Sabi niya.

All of us were amazed. Napaka convinient naman ‘non, hindi siya mag-aalala pag may nawala kasi mahahanap at mahahanap pa rin niya.

“You’ll be able to see it during our practical classes. Anyways wala na naman sigurong magtatanong so kayo naman ang magpakilala ngayon.” Anunsyo niya.

Napasimangot naman sila dahil mukhang marami pa sana silang itatanong. At sino ba ang nagpauso ng introduce-yourself session na ‘yan? Nakakainis.

“I want you to come in front and state your name, your power and abilities. May plus points sa akin kapag may demonstration pa. Let’s start from the back.” Sabi niya.

Tumayo naman ang lalaki sa pinakalikod at pumunta sa gitna. Mukhang mahiyain dahil nanginginig pa ang tuhod nito.

“G-good morning everyone. I’m Angelo Del Pilar. My abilities are ability replication and cloning. I have the power of possesion.”

That sounds cool. Sunod-sunod na silang nagpakilala hanggang nakarating na dito sa katabi kong babae na tahimik. Tumayo na siya sa harap at ngumiti.

She’s pretty yet fierce looking. She has long black hair, pearl white skin and a slim body. Nakakaintimidate ang golden-colored niyang mga mata.

“Hello everyone! I am Alzena Alors. I have the power of sound vibration and I have the ability to steal.” She let out a sly smile.

My brows furrowed. I don’t like this girl. I just don’t feel her and I don’t know why. O well, wala narin namang gustong makipag kaibigan sa akin dito eh so who am I to hate?

“Can you demonstrate it to your classmates what your power means?” Sir asked.

She smiled again. “You’ll know it soon sir.” sabi niya at umupo muli. Sayang ang plus points.

“Okay then. Thank you ms. Alors. Next?” Tawag ni sir.

Tumayo na ako sa harapan. I look at my classmates and as expected, they’re all looking at me with disgust. It can’t be helped. I’m ugly.

“Good morning. I am Shea Alysia Valdemore, a demon slayer and my ability is enhanced agility.” pagpapakilala ko.

Pinag-isipan ko na ‘to kanina pa. Buti nalang talaga nasa hulihan pa ako kaya nakapag-isip pa ako ng sasabihin. Naisip ko yung enhanced agility nang naalala kong bumilis ang kilos ko noong nakaharap ko ang 12-point monster sa entrance exam.

“Nice, so you really are The Demon Slayer na sinasabi nila. Can you show it?”

“What do you mean sir? I can’t slay demons without a demon.”

Natawa naman siya sa sinabi ko. Tama naman ako ah. In order to demonstrate my power, kailangan ng demon at wala silang ganon dito. So it means safe ako sa demonstration at exempted ako sa points.

“Haha! Thought so. But I heard that you have that unique sword at iyon ang ginamit mo para patayin ang demon. You covered it with a dark glow. Can you show it to us? We wanted to see an actual sword of a demon slayer. Rare nalang kasi kayo ngayon.”

I stood frozen. I’m doomed. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari noon at hindi ako marunong kung paano ko ulit iyon gawin. Hindi na kasi ni-require ni sir ang iba kanina kaya nawala sa isip ko.

“I-I can’t control it yet sir.” I reasoned out. “Baka may masaktan po ako pag hindi ko po ito nakontrol ng maayos.”

“Ganon ba? Tama ka naman. Kaya nga pumasok kayo sa school na ito para ma enhance ang inyong kakayahan. Your agility then. I want to see it. You know bihira lang akong magkaroon ng estudyanteng Demon Slayer.” He said while smiling.

Panic is not in my vocabulary but my mind is screaming for backup right now. Feeling ko ginigisa ako ngayon dagdagan pa na nakatingin silang lahat sa akin. I tried to stay calm outside. Paano ko ba ito malulusutan?

“Uhmm…you see sir…”

The door suddenly slammed open kaya doon napunta ang atensyon ng lahat including si sir. Wew, great timing. Nakahinga ako ng maluwag.

“Yo! Sorry I’m late.” Aroganteng bati ng isang lalaki na kakapasok lang. Dumiretso siya sa likuran at prenteng umupo. Pinatong pa niya ang kanyang paa sa kanyang table.

Ang kaninang kaba ko ay napalitan ng inis. Why is he here?

“OMG It’s the top 1!”

“Ang swerte naman natin dahil may kaklase na tayong wafu!”

“Kyaaah! It’s Ren!”

“Ang hot niya talaga!”

“No he’s cool!”

“I just love him!”

Ang kaninang tahimik na classroom ay parang naging divisoria sa ingay. Now that jerk is famous.

“Okay, settle down class! You may sit down now Ms. Valdemore.” Sabi ni sir kaya umupo ako. Wew! That was close. I feel relieved.

Should I thank him for saving me from showing my agility ‘kuno’ or thank him for almost killing me? Tss…

“Since you are late, kindly introduce yourself in front of the class.” Sir said calmly to that jerk nang tumahimik na ang room.

“Why should I? They already know me.” He smirked.

Yabang.

“Then maybe I should fail you then.” Sabi ni sir habang nakangiti.

Nice. That’s the best way sir.

“Tsk.” Padabog siyang tumayo at pumunta sa harap. Pigil naman ang kilig ng mga babae sa likuran ko. Kaurat ang lalandi.

“Ren Paxton Montero here. As you can see, I’m the top 1. An acid user, has the ability to counter your attacks and most of all… has the power to rob your heart.” He said then winked.

 

Advertisement
Advertisement

All Rights Reserved ©