Advertisement

 

CHAPTER 8

 

“Trixie bakit parang puyat na puyat ka naman diyan.” Tanong ni melody nang makita siyang maghikab for the nth time.

“Hindi lang ako nakatulog kagabi.”

“Ganoon parang isang Linggo ka nang hindi nakakatulog yung eyebags mo ang laki na at tsaka parang lagi kang pagod. Tell me may ginagawa kang milagro ano? Baka naman may boyfriend ka na.”

“Hindi ba dapat pag may boyfriend blooming mukha ba akong blooming sayo?” Tanong niya dito.

“Well big eyebags aside mukhang may glow sa mukha mo.” Komento nito. Hindi na siya nag react dito at kung ano mang glow na nakikita nito sa kanya. Naglagay na lang siya ng powder para maitago niya ang pangangalumata niya.

Halos dalawang Linggo na siyang nagtatrabaho sa bahay ni Derek. Nung isang araw ay nilabhan niya ang mga damit nito. Namalantsa naman siya kahapon pero kahit yata sobrang pagod siya hindi pa rin niya magawang basta makatulog. He’s invading her thought at ag nakakainis lagi itong nagsesend ng mixed signal sa kanya. Sala sa init sala sa lamig ang pinapakita nito.

Pagkatapos ng asaran na naman nila ay halos hindi siya nito kinakausap nito. Feeling niya tuloy may nakakahawa siyang sakit. Pero noong isang araw naman ay nag-iwan ito ng notes na nagsasabing masaya itong naipasa niya lahat ng exam with matching chocolate cake pa na iniwan nito sa ref. At higit sa lahat tuwing nagcheck ito ng assignment laging may comments sa kanya na positive. Siya lang ang iniiwanan nito ng comments sa notebook. Bigla tuloy niya itong namiss kaya naisipan niyang maagang pumunta sa klase.

“Malapit na ang oras ng klase pumasok na tayo.” Aya niya sa mga kaklase.  

“Hindi ko ba nasabi sayo wala si sir absent siya.”

“Bakit may sakit ba siya?”  

“Hindi ko rin alam basta ang alam ko wala siya.”

“Ganoon ba o sige aalis nako.” Paalam niya dito

“Sandali chance na nga natin itong makagala lalayas ka pa si benjie ang manlilibre.”

“Sabihin mo kay benjie ikaw na lang ang ilibre niya. Kailangan ko pang maglinis.”

“At kailan ka pa naging domesticated?” nagtataka na talaga ito sa mga lakad niya.

“Huwag ka nang matanong sige na bye.”

“Bahala ka nga dyan ang KJ mo. Samantala noon ikaw pa itong una sa lakwatsa.” Habol pa nito pero hindi na niya ito pinansin.

Dumireto si Trixie sa bahay ni Derek, kakatok sana siya pero natakot siyang baka hindi siya pagbuksan nito. Nitong mga nakaraang araw iniiwasan talaga nitong sila lang dalawa kahit sa loob ng klase.  Kaya napagpasyahan na lang niyang gamitin ang susi. Pagkabukas niya ng pinto nagkataong papalabas din sa kusina si Derek may dala pa itong popcorn.

“Bakit nandito ka?”  Biglang tanong nito.

“Wow naman ang sungit ah. Eh bat hindi ka pumasok kanina akala ko pa naman may sakit ka.”

“I was a bit sick earlier kaya hindi na ako pumasok. But i’m fine now.”

“Mukha ngang okay ka na may balak ka bang magmovie marathon?” tanong niya dito.

“No balak ko sanang panoorin yung basketball game ng Knicks versus Heat.”

“Basketball game? NBA? Oh my God inaabangan ko rin yan.” Bigla siyang naexcite.  Hindi pa man nakapagpapalam ay pumunta na siya sa harapan ng TV nito.

“Inunahan mo pa talaga akong pumuwesto.”

Ang laki-laki kaya ng space. Pengeng popcorn ha.

“Pumunta ka ba dito para maglinis o makinood o makikain?”

“Nagpunta ako dito para tingnan kung okay ka. At dahil okay ka naman makikinood na rin ako ng basketball ha.” Pagkatapos noon ay tinuon na niya ang attention sa opening tip-off.

Humanap na rin ng sariling puwesto si Derek para manood. Medyo malayo sa kanya.

Kanino ka ba kampi? Tanong nito.

Eh di kanino pa eh di sa Knicks. Linsanity baby. Pagmamalaki niya.

“Eh bandwagon fan ka pala.”

“Eh ano ngayon. Matagal na akong fan ng basketball ano nasa elementary pa lang ako. Minsan nga naisama na ako ni Dad ng live sa laban ng ginebra.”  Kuwento niya dito.

“Ako sigurado ako Heat ang mananalo. Walang tatalo kay King Lebron.”

“More like kingkong Lebron. Wala siyang laban sa mahal kong si Jeremy Lin.”

“Fad lang ang Linsanity. Lebron is the real deal and this season Miami will win it all.”

“Puwede ba natalo nga sila ng dallas, so kaya rin sila ng New york knicks.”

“Talaga lang ha?”

“Oo naman gusto mo pustahan pa tayo.” Hamon niya dito.

“Sigurado ka? Baka magsisi ka?”

“Kapag nanalo ang heat mageextend pa ako ng isang buwan sa paglilinis ng bahay mo.”  

“Not a bad bet.  Sige kapag nanalo ang knicks babayaran kita ng five thousand pesos. ”  

“Sandali para sigurado kailangan pipirma tayo ng kasunduan incase makalimutan mong may utang ka sa akin.”  Suhestyon niya dito.

“Ako pa talaga ang makakalimot ha. Gusto mo blood compact pa. ganyan ako katiwala sa team ko.” Pagmamalaki nito.

Kumuha na nga ng papael si Trixie at sumulat ng kasunduan. Nagpirmahan na sila habang nagsisimula ang first quarter ng laro.

Magkasabay pa uli silang umupo sa harapan ng TV.

Nagsimula uling magyabang si Trixie. “Tingnan mo ang gagawin ni Jeremy Lin ko. Sigurado ako triple-double and Stat niya.”

“Babantayan siya ni Wade o ni lebron so malamang wala siyang magagawa at ang team ko ang mananalo.”

“Tingnan natin bilog yata ang bola you’ll never know.” At itinuon na niya ang oras sa panonood.

Palihim na nakatingin si Derek kay Trixie habang engross na engross ito sa panonood ng basketball. Kitang-kita ang enthusiasm nito. Hindi nawawala ang mata nito sa screen. Kaya medyo narelax na rin siya.

Yes, sigaw nito tuwing nakakashoot ang knicks. Nahawa na rin tuloy siya sa energy nito. Sumisigaw na rin siya kapag heat naman ang nakakapuntos.

Gaya ng inaasahan naging malapit ang labanan sa first half.

“Wala pang puntos ang Jeremy lin mo.” Pang-iinis niya dito.

“Half time pa lang naman ah. Tuwing third at fourth siya humahataw.” Confident pa rin ito.

Pero nung dumating ang third hindi ang Knicks ang humataw kundi ang Heat.

“Yes, nice block Lebron.” Sigaw ni Derek habang nakasimangot na si Trixie.  “In your face”  pang-aasar pa niya dito. Lalo itong sumimangot.

Natapos ang laro double digit ang lamang ng Heat at 8 points lang si Jeremy Lin. Kitang-kita ang disappointment ni Trixie. Ngingisi-ngisi naman si Derek.

“Nakakainis talaga.” Sabay tayo niya.

“Paano ba yan panalo ako sa pustahan natin.”

“Madaya naman yang si Lebron.”

“Anong madaya doon?  They dominated the court and held your favorite star to only 8 points.”

“Unfair yung mga referees.” Reklamo pa rin niya.

 

“Don’t make any excuses. Your team lost at ikaw my dear you’ll be extending your contract with me.”

Pinakita pa ni Derek ang papel na pinirmahan nilang dalawa.

 “Akin na nga yan.” Pilit pa siyang tumingkayad  para maabot ang papel.

“Akala mo hindi ko alam ang balak mo ha.” Iniiwas nito ang papel mula sa kanya.

“Ano ba babasahin ko lang ang nakasulat baka may makita akong butas.” Dahilan niya dito.

“No way tatlong beses mo nang binasa to kanina. Ikaw pa ang unang pumirma. Ideya mo to kaya wala nang bawian.” Pagmamatigas nito.

Wala naman talagang balak si Trixie na punitin ang kasunduan. Kahit isang taon pa ang extension okay lang sa kanya. Pero medyo nag-eenjoy siyang makipag-agawan dito.

Lumapit siya ng husto dito kunyari ay determinadong makuha ang papel.  At pagkatapos walang anu-ano ay tumalon siya para maabot yon pero mabilis pa rin itong nakaiwas.

“Nice try.” Nakangiti na ito halatang nag-eenjoy sa ginagawa.

“Makukuha ko rin yan.”

“Sige pag nagawa mo wala na tayong usapan.”

Dahil sa sinabi nito lalo siyang naging determinado. Halos yakapin na niya ito sa pilit pag-abot ng papel. Para lang silang mga batang naghaharutan. 

Dahil masyado na silang nagkakadikit umatras ng konti si Derek but  he lost his balance buti na lang napaupo ito sa sofa at dahil pasugod na siya napasama siya sa pagbagsak nito.

Hindi nila alam kung gaano sila katagal sa posisyon na yon. Magkatapat ang mga mukha nila halos dalawang dangkal lang ang layo mula sa isat-isa. Ang kanyang mga kamay ay nakapatong sa dibdib nito. Walang halos gumagalaw sa kanila na parang huminto ang mundo sa pag-ikot. Walang gustong kumilos.  Ramdam niya ang tibok ng puso nito sa kanyang palad. His manly scent reeling her senses.

Tatayo na sana siya pero pinigilan siya nito. Hinawakan nito ang kanyang bewang.  She didnt resist. Wala siyang lakas.

“Patricia” yun lang ang namutawi sa labi nito and then she thought he is going to kiss her. Pero dumaan na ang ilang sandali he didnt make a move. His face looks confused na parang may nagtatalo sa isipan nito and yet he’s not letting her go.

Hindi niya alam kung ano ang nagbigay sa kanya ng lakas ng loob but before he can even react she kissed him. It’s just a smack mabilis lang yon pero parang dam na humulagpos ang pagpipigil ni Derek. Bigla siya nitong hinalikan soft at first and then it become probing and demanding pero imbis na matakot tinugon din niya nang pananabik ang mga halik nito.

 Hindi na mapigilan ni Derek ang sarili. This girl… no this woman is driving him mad. Halatang hindi ito marunong humalik but her intensity alone is bringing him on edge. Hindi sapat ang halik to quench his thirst for her. Lalo pa nitong nilapit ang katawan sa kanya like she’s offering herself to him. Unti unting naglakbay ang mga kamay niya sa braso nito caressing her skin at parang may sariling isip his hands moves under her shirt while his lips start kissing her neck na lalong nagpaalab sa damdamin nito.

Napahinga ng malalim si Trixie when derek unhook her bra. Hindi pa nito hinuhubad ang damit niya but now she felt very vulnerable. Her mind is racing hindi niya matandaan kung paano siya napunta sa sitwasyong ito. Basta ang alam niya she’s willing to give herself sa lalaking ito. A long moan scape her lips nang hawakan nito ang kanyang dibdib.  His hands burning her skin with passion.

Tuluyan na sana nitog huhubarin ang suot niyang pang-itaas ng biglang magring ang phone niya. Para isa yung alarm clock na gumising sa diwa ni Derek. Napadiretso ito ng upo at dahil doon nahulog si Trixie.

“Aray naman!” hinawakan ni Trixie ang sumakit na pang-upo.

I’-im sorry. Tumayo si derek looking bewildered and guilt written all over his face habang nakatingin sa kanya looking disheveled na nakasalampak sa sahig nito. Buti na lang at carpeted yon.

Pinakalma niya ang sarili. “Okay lang ako.” Sagot niya dito. Thinking na nagsorry ito dahil sa pagkakahulog niya sa sahig.

“I think you should go.” Malamig na utos nito sa kanya.

“Pero…”

Please Patricia, don’t make this any worse.

Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nito. Pagkatapos nang muntikang may nangyari sa kanya para itong sising-sisi na nakagawa ng krimen.

“Fine aalis na ako.” Balewala niyang kinuha ang gamit and then realized na natanggal nga pala ang kanyang bra. Tinalikuran siya ni Derek habang hinuhook  niya uli ang bra niya.

Tumunog uli ang pasaway niyang cellphone. Tuluyan niya iyong pinatay. At walang salitang umalis.

Nasapo ni Derek ang ulo. How could he lose control again? Isang simpleng halik at hindi niya napigilan ang sarili. Kung hindi tumunog ang cellphone nito malamang ay may nangyari na sa kanila. Lalo lang madadagdagan ang atraso niya kay Agent Marcus. He’s supposed to protect and guide her pero siya pa yata ang mismong naliligaw.  

Itutuloy…

 

Advertisement
Advertisement

All Rights Reserved ©