Advertisement
CHAPTER 7: Result
Nakakarinig ako ng ingay sa paligid. Pakiramdam ko ang bigat bigat ng katawan ko.
“Oy, Shea gising ka na ba?” May tumatapik ng mahina sa pisngi ko.
“Hayaan mo na kasi muna nanghihina pa ‘yan.”
“Eh malapit na i-announce yung mga qualified eh.”
Minulat ko ang mga mata ko and there are two girls looking at me. They seem familiar, sino nga ang mga ito?
“Thank goodness gising ka na. Makakatayo ka ba?” Asked the girl with a shoulder length hair.
Agad akong tumayo at inayos ang suot ko. I’m lying in the middle of the field kung saan kami bago pumasok sa illusion kanina. I guess it’s already finished. Did I kill it?
“Uhmm… Shea-chan are you okay?” Tanong na naman ng isang babaeng mala-anghel ang mukha at may maliit na boses.
My brows furrowed. Sino nga ang mga ‘to? “Don’t tell me hindi mo na kami naalala?!” The girl with the short hair exclaimed.
Napa-iling ako. “Wala pa ngang tatlong oras nang tayo nagkakilala tapos nakalimutan mo na ako? That hurts you know? Huhu. By the way, I’m Eloiny Marvell. The girl earlier, mind reader and tracker are my abilities, and zero gravity is my power. Sorry nga pala kung hindi kita nasamahan sa exam kanina. I’m filled with excitement you know kaya medyo nagiging makakalimutin ako hehe.” Paliwanag niya.
Naalala ko na, siya yung may dalang maraming gamit kanina at tinulungan ako upang mapalabas ko ang weapon accessory ko. Speaking of gamit, where are my stuffs?
“Hello, I’m Cein Azura Olieta if you still remember me. Pasensya na Shea kung nag hiwalay tayo kanina, huli ko na kasi napansin na wala ka na pala sa likuran ko.” Paliwanag nung babaeng maputi at mala-anghel ang mukha.
Naalala ko na, siya yung babae kanina na niligtas ako sa 12 points at tumulong sa ‘kin.
“Wala yun. Salamat pala sa lahat ng tulong niyo kahit ganito ang itsura ko tinulungan niyo pa rin ako.”
Ngumiti naman sila. “There’s nothing wrong of being a nerd.” Sabi ni El.
“Yeah. Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit binubully nila ang mga nerd eh.” Dagdag ni Cein.
Ganyan kasi ang mga tao. Mapanghusga.
“Anyway okay ka na?” tanong sa ‘kin ni El.
Tumango naman ako. Pero ano bang nangyari? Every time I use my power, I become unconscious. My body is still not compatible in this kind of power.
I notice that some students are looking at me. Some are even whispering. Oh well, I’m used to it. Napansin ko lang na mas kumonti yung estudyante ngayon kesa kanina bago mag start ang exam. I guess they’re already eliminated.
“Nakapasa kaya ako?” I muttered.
Tumingin naman sa akin si Cein while smiling. “You will never believe what happened to you Shea-chan.” Sabi niya sa ‘kin.
Napahinto ako. Shit. Did they saw it? My secret? I must have done something while I’m not in myself.
“Yeah! Kahit nga kami nagulat eh. An arrow guy carried you outside the illusion!” Eloiny exclaimed.
Someone carried me? Who? Wala namang may mga pake sa kagaya ko ah.
“And he is so hot. Yum!” Dagdag pa ni El.
“El nee-chan!” sita sa kanya ni Cein.
Hindi ko alam na ganito pala ang mga kakilala ko. But nah, wala akong pake sa kung sino man iyon.
All I need to do is find that jerk who baited me into that 20-point monster. I’m definitely going to rip his head off. Mukhang nagamit ko na naman yata ang kapangyarihan ko unconsciously.
“Hello students! May I have your attention please?”
A big screen appeared again in the middle of the field with the head master displayed on it. Natahimik naman ang mga tao dito at doon napunta ang atensyon.
“Ayan na! Ayan na!” El exclaimed excitedly.
“Nakakagulat ang mga results ngayon dahil hindi namin inaasahan na out of 507 students who were invited in the academy and took the preliminary test, only 35 survived and the rest was already kicked out.” diretsong anunsyo ni sir Millet.
Napuno ng bulong-bulongan ang paligid. Different reactions are heard. Some are very proud; some are crying while the others are just chill. Pero ‘tong mga katabi ko parang mga sinapian kung maka-react. I can’t believe that I’m already interacting with some people today. At sila pa talagang mga weirdo ang nakilala ko.
“Hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. Here is the list of passers in the exam. The list was based on how many points you’ve gathered during the test.” sabi ni Mr. Millet.
Another hologram appeared beside the screen dito sa field at doon nakalista ang mga nakapasa.
Pumikit muna ako at humingang malalim bago tumingin. I mentally crossed fingers. Did I make it?
I am searching for my last name. Wala na akong pake sa kung sino ang nauna basta ang importante makita ko ang last name ko.
Pero nanghina ako at bumagsak ang mga balikat ko nang hindi ko nakita ang pangalan ko. I guess wala nga talaga akong kwenta. I didn’t kill that 20-point monster. I hate to admit it but I failed. When I started to disguise as a nerd, hindi ko pa naranasang bumagsak sa mga exams. Dito lang. Hindi nga talaga siguro para sa akin ito.
Napatingin ako kina El and Cein. They look very happy dahil nakapasa sila. So as the students here in the field. But wait…
Bakit ako lang yata ang nandito na bagsak? I should be kicked out of the academy by now.
“Congratulations! Especially sa top 3 ng exam. Kindy go on stage to be recognized.”
Umakyat na ang top 3 students sa stage. I can’t believe na nasa second place si Cein. I’m happy for her.
“Ang galing talaga ng babaeng ‘yan. Kung tignan mo parang di makabasag pinggan eh. Pero kung makapatay ng mga halimaw kanina parang halimaw din siya.” Sabi ni El sa tabi ko habang nakatingin doon kay Cein sa stage.
Oo nga, hindi ko natanong kung ano ang ability at power niya. Ano kaya yun?
“Magkakilala kayo?” Tanong ko.
“Yep. We’re schoolmates. Nagulat nga ako noong nagkasalubong kami kanina sa illusion. Hindi ako makapaniwala na katulad rin natin siya.” Litanya niya. Kaya pala mukhang close sila. Buti pa sila nakapasa.
“Sayang rank 18 lang ako. Pero sige na lang at least pasado. Teka ikaw Shea anong rank mo?”
“Wala.” Sagot ko.
“Huh? What do you mean wala?” Naguguluhan niyang tanong.
“Wala. Hindi ako nakapasa.” Diretsang sagot ko.
“Eh?! Kung ganon, bakit ka pa nandito? I mean hindi ba dapat napalabas ka na ng system sa exam? No offense meant girl ah.”
“Hindi ko rin alam.”
Nakapagtataka nga kung bakit nandito pa ako kahit di naman ako nakapasa.
“Congratulations to the top three students who demonstrated exceptional strength during the examination. So let me introduce to you our third place, with the total of 980 points, Mr. Jonathan Russel!” Pagpapakilala ng headmaster sa third place. Kumaway naman ang lalaking may malaking salamin at mukhang masiyahin.
Pumalakpak naman ang mga narito.
“For our second place with the total of 1,235 points, Ms. Cein Azura Olieta!” Nahihiya namang kumaway si Cein. Yung iba hindi nga makapaniwala na naka 2nd place siya dahil wala sa itsura nito ang pagiging malakas.
“And lastly, the strongest and the highest examinee who almost reach the maximum points of 1,500! For the total points of 1,486; our top 1, Mr. Ren Paxton Montero!”
Kumunot ang noo ko nang makita ang lalaking mukhang mayabang sa stage. So he’s the top 1? That gay jerk. He doesn’t deserve that title at all dahil isa lamang siyang duwag.
Most of the girls are screaming by seeing that Paxton guy smiled. So you’d do anything in order to get that title, huh? Baka nga ikaw pa ang dahilan kung bakit na eliminate ang ibang estudyante eh.
Nagsibabaan na ang top 3 students at cinongratulate naman sila ng iba. Lumapit naman sa amin si Cein at binati rin namin siya.
Bakit nandito pa rin ako? I don’t belong here. But I don’t know on how to get out of this school because tha gate was already closed and locked.
“I have a final announcement to make.” Sabi ng headmaster.
“While the exam is ongoing, a demon had entered the illusion. Pero hindi niyo iyon napansin hindi ba?”
Most of the students were shocked kahit nga ako. A demon? It really exists? Paano nalang kung nasalubong ko iyon kanina? Baka nakain na ako ‘non at hindi na ako nakaabot ng buhay dito.
“But someone was brave enough to kill it. Hindi nga namin alam kung aware ba talaga siya na demon ang kaharap niya. And she is clever enough to know the weakness of the demon.” He emphasized the word ‘someone’. That someone must be really strong to kill the demon all by herself. At nakakagulat pa dahil babae pa pala siya kaya medyo maraming nag react na mga lalaki. They’re already admiring her.
“Woah ang galing naman niya. The fact na babae pa siya at napatay niya yung demon. Tiyak may plus points iyon. Hindi pa kasi ako nakakakita ng demon sa personal.” Sabi ni El sa gilid ko. Mukhang ang dami na nilang alam sa mundong ‘to at ako nalang yata ang walang kamuwang-muwang dito.
“Maybe she’s a demon slayer. You know, only demon slayers can slay a demon.” Sabi ni Cein.
Demon slayer? Sounds cool.
“Baka nga. Pero grabe may demon slayer tayong magiging kaklase? Waaahh! She must be really cool kasi ang rare ng power niya.” El said excitedly.
Muling nagsalita ang headmaster, “But unfortunately, she didn’t pass the test. She only got 480 points which is 20 points away from the required points to pass. But because she killed a demon and saved the remaining students inside the field, we decided to give her a plus point of 100. Now she has a total of 580 points and exceeded the minimum requirement to pass.”
Sari-saring reaction ang maririnig sa paligid but most of them are saying ‘Ang swerte naman niya’. Oo nga, ang swerte nga niya. At pareho pa kami ng case na naka-480 points. Yun nga lang nakapasa siya.
“Please go on stage to be recognized and receive your special award of being the first student who killed a demon, Ms. Shea Alysia Valdemore!” He announced.
Nanatili akong nakatayo and my mind is still processing of what I’ve heard. What? Ako? I killed a demon? How? Where? When? All this time ako yung tinutukoy ng Headmaster at sinasabi nilang Demon slayer? I’m a demon slayer? Don’t tell me that monster earlier I’ve met was the demon! It’s a demon? Not a 20-point monster?
“Woy, girl akyat ka na dun kanina ka pa tinatawag. Omg congrats!” Masiglang bati sa akin ni El.
“Congratulations Shea-chan.” Cein smiled.
The crowd formed an isle as I slowly walked towards the stage. All eyes were staring at me and I can even hear their comments and reactions.
“What? That nerd is a demon slayer? Hahaha! Seriously I’m dreaming.”
“Maybe her ability is illusion kaya niya nalinlang ang headmaster?”
“Ugh, sipsip.”
“Pre, demon slayer oh ligawan mo kaya. Pustaan tayo pag sinagot ka niya aalis ako ng academy. Hahaha!”
“Lul pre di pa naman ako ganon ka desperado. Hahaha!”
“Siya pala iyon pre. Wasak ang pangarap.”
“Demon slayer siya? Hahaha! Okay lang, mukha niya palang pamatay na. Hahaha!”
“OMFG HAHAHA! She killed a demon? Hahaha! Baka natakot yung demonyo kaya namatay.”
And more more reactions. I’m a demon slayer? I thought… never mind.
I claimed my award at tanging ang headmaster at sina Cein at El lang ang naka-appreciate sa nangyari. Kaya pala nandito ako dahil nakapasa ako.
The cloners once again appeared at binigay ang mga gamit namin. And lucky enough dahil nasa iisang room kami ng dorm nina El at Cein. I feel so comfortable with them. Should I open my heart for friends?
“Congrats sa atin guys dahil nakapasa tayo! Pagod na talaga ako kaya bukas nalang ako mag-aayos.” El said while hugging her pillow.
Nandito na kami sa room namin. The room is big enough para magkasya ang tatlong tao. Maganda siya parang nasa bahay ka talaga. The atmosphere is cozy and homey kaya I feel even more comfortable.
Merong katamtamang laki na living room at dalawang mahabang couch. Sa gitna naman ay may center table na gawa sa salamin at may nakadisplay na cactus. Merong malaking divider na punong-puno ng mga libro. May mga nakasabit na random paintings sa wall. Sa gilid ay may pinto kung saan ang kwarto naming tatlo. Isang double deck at isang single bed ang sa loob. I choose the single one at si Eloiny at Cein sa double deck. The room is spacious enough para magkaroon rin kami ng personal space. Sa labas ng room namin ang CR.
“Oo nga. Congratulations sa atin and good luck for the rest of the school year. Lalo na sayo Shea-chan, ang rare ng power mo. Being a demon slayer is so cooool!” Sabi naman ni Cein.
I just smiled at them though smiling is really not my thing. Nakakahawa lang talaga siguro sila.
A demon slayer, huh. Cool name but am I really a demon slayer? Pero hindi lang demon ang napatay ko noon.
Advertisement