Advertisement

 

CHAPTER 7

 

“So magkuwento ka naman Derek tungkol dito kay Patricia.” pilit sa kanya ni sarah.

“At anu naman ang kukuwento kung hindi mo pa narinig mula kay Jon.”

“This patricia girl masyado kang obsessed sa pagtulong sa kanya.” Medyo nag-aalala na si Jon sayo.

“I guess Jon failed to tell you that her father saved my life.”

“So you’re playing knight in shining armor? Hanggang kailan naman ito?”

“Hanggang kailangan niya ako.”

“So youre dedicating your life to her, how noble.” Sarkastiko nitong komento.

“So sasabihan mo rin ako to leave her alone?”

Obviously you can’t. Dahil kung kaya mo nakalimot ka na sana nung pumunta ka ng Amerika. Pero sana naman you know your limits.”

“Parehas na kayong mag-isip ni jon. Gaqnyan ba talaga kapag limang taon nang magkasintahan?  Sagot niya dito sabay inom ng whiskey.

“Hindi kami parehas mag-isip mas malisyosa ako. I think you’re attracted to her.”

“What make you say that?”

“Dahil hinalikan mo ako sa pisngi sa harapan niya.” 

“I missed you that’s why i kissed you.”

“Yeah right kaya pala you didnt mention na magkaibigan lang tayo at talagang sinakyan mo ang pagpapacute ko sayo. Talagang hinabaan mo pa yung pagkakayakap mo sa akin. Pinapagselos mo siya at mukhang effective naman.”

“Malisyosa ka nga.” Sagot niya dito.

 “Kilala lang talaga kita, minsan more than you know yourself.” Tiningnan lang niya ito. Kilala nga siya nito dahil magbestfriend sila mula pagkabata silang tatlo ni Jon ang laging magkakasama. Sa Australia ito nagkolehiyo kasama si Jon. Yon ang panahon kung kailan siya nakahanap ng ibang mga kaibigan na dahilan din ng pagkaligaw ng landas niya.

“Nandito na pala kayo.” Bati sa kanila ni Jon na kararating pa lang.

“I guess ito na ang cue ko para umalis.” tumayo na siya para ibigay ang puwesto niya sa pinsan.

“Uuwi ka na agad?” tanong ni Jon.

“Ayokong istorbohin ang date niyong dalawa.”

“Hayaan mo na siya Jon sweetheart im sure mayroon lang yang balak suyuing nagtatampong teenager.   You Cradle snatcher.” Biro pa nito

“For your information malapit na siyang magtwenty at mali ang iniisip mo.”

“Tell that to the marine Derek.”

“Enjoy.” paalam niya sa mga ito.

Alas otso pa lang ng gabi nakauwi na si Derek. Masyado na kasi siyang sinapsycho-analyze ni Sarah kaya nang dumating si Jon ay iniwan na niya ang dalawa.  

Pagkapasok pa lang sa bahay ay dumiretso na agad siya sa kusina. Uminom ng tubig at tiningnan kung may niluto si Trixie nadisappoint siya ng wala siyang nakita. Nakalimutan niyang sinabihan niya itong huwag nang magluto. Sa totoo lang masaya siya sa ginagawa ni Trixie. Malinis ito sa bahay at magaling din itong magluto. Hindi naman niya sinabihan na kasama sa pagluluto ang trabaho nito pero ginawa pa rin iyon ng dalaga. Naalala niya tuloy ang sinabi dati ni Agent Marcus na maaalahanin ang anak nito at maalaga.

Nang makapagpahinga ng konti ay unti-unti niyang hinubad ang damit na suot. Kahit hindi pa siya nakakapasok sa kuwarto ay ginagawa na niya yon, one of his unusual habits. Naka boxer short na lang siya habang dala ang pantalon at polo na hinubad nang pumasok siya sa kuwarto.

Kaya nagulat na lang siya ng biglang may nagtitili. Its Trixie na kitang-kita ang gulat sa mukha habang nakatingin sa katawan niya.

“Shit” napamura na naman siya. Hindi niya alam kung lalapitan niya ito para pigilang sumigaw o tatakpan ang sarili.

“Magdamit ka.” Utos ni trixie sa kanya habang tinatakpan nito ang mata.

“What the hell are you doing in my room? Tanong niya dito habang sinusuot ang pantalon.

“At ikaw bakit ka nakahubad?” Balik tanong nito.

“Hindi ako nakahubad I’m wearing my boxers.” At bakit ba siya nagpapaliwanag dito. “Again What the hell are you doing here?” tanong niya uli dito.

“Hello nakalimutan mo isang Linggo mo na akong alipin. Nagpupunta ako dito para maglinis at magluto. Ang dumi kaya ng bahay mo.”

“Pero gabi na. Binilin niya dito na hindi ito dapat abutin ng alas siyete ng gabi. Hindi ka ba hinahanap sa bahay mo?”

“Wala naman talaga akong balak gabihin kaya lang nakatulog ako. Napagod kasi ako sa kakahanap ng medyas mo.” Pagdadahilan nito.

 Nagulat siyang hinanap talaga nito ang medyas. Kahit magdamag itong maghanap wala talaga itong makikita. Wala kasi siyang maisip na dahilan kung bakit niya ito pinatawag sa office. Narinig niyang inaya ito nung benjie na lumabas kaya niya ito pinatawag sa opisina ng walang dahilan. Wala siyang tiwala sa lalaking yon. Naiinis din siyang pinagtanggol pa nito ang lalaki sa kanya. Wala itong karapatang makipagflirt kung kani-kaninong lalaki lalo na sa harapan niya.

“Huwag mo nang hanapin yon bibili na lang ako ng bago baka naiwan ko sa dati kung tinitirhan.” Dahilan na lang niya dito.

“Akala ko ba importante sayo yun? O baka naman naiwan mo siya sa apartment nung bisita mo kanina.”   

“And what are you trying to imply?

“Wala alam mo na para kasing sanay na sanay kang nakabrief lang. baka naiiwan mo yung the rest of your clothing sa ibang bahay.”

“Boxers.” Pagtatama niya dito.

“Boxers o brief kung ano pa man yan. Hindi ka dapat naglalakad sa bahay mo nang nakaunderwear lang.

“It’s my house puwede akong maglakad ng nakahubad dito kung gusto ko.”

“Its just not  proper na…” ininterrupt niya ito.

 “At kailan ka pa naging prude Patricia?” Hindi niya mapigilang tanong dito.

Hindi siya makapaniwala na this woman went on a date sa isang lalaki sa bar pero maeeskandalo sa isang polka dotted boxer.  

“Puwede ba Trixie ang nickname ko.” Inis na ito sa kanya.

“Trixie sounds childish. You wanted to be treated like an adult right?”

“Right.” Pagsang-ayon nito. “And i’m not a prude nagulat lang ako akala ko magnanakaw ka. At tsaka di ba may date ka doon sa kasama mong babae kanina?  Bat ang aga mo?”

“None of your business.”

“Ang sungit nito. Kanina ka pa ah. Akala mo di ko napapansin. Thirty minutes mo akong pinatayo kanina sa klase. Tama naman ang sagot ko pinapaliwanag mo pa sa akin. Pinaringgan mo pa ako. Tapos pinahanap mo pa yung medyas mo na ewan. Gusto mo lang talaga akong pahirapan eh. Bakit hindi mo na lang kaya ako paluhurin sa asin ng maging masaya ka na. Tapos sa girlfriend mo na lang ipahanap ang nawawala mong medyas.”

“She’s not my girlfriend okay.” Pag-amin na niya dito.

“Ako pang niloko mo eh kung makayakap sayo akala mo hindi ka nakita ng ilang taon.”

“Yeah ilang taon nga niya akong di nakita. Galing ako sa states and i stayed there for six years. Sarah is my childhood friend. Maniwala ka man o hindi platonic ang relasyon namin. Kaya puwede huwag kang masyadong nagbibigay malisya sa mga bagay-bagay.  Malayong-malayo ang relasyon namin ni sarah kumpara sa relasyon nyo ng manliligaw mong benjie na yon.”

“At bakit nasama si benjie dito?”

“Di ba manliligaw mo yon?” sagot niya dito

“Oo dati pero magkaibigan na lang kami ngayon alam niyang wala siyang pag-asa sa akin.”

“Kaya hanggang sa klase sinusundan ka at gusto ka pang ihatid sa bahay niyo. Puwede ba Patricia hindi yon magpupursige kung hindi ka nagbibigay ng motibo.”

“Wala akong magagawa kung maganda ako kaya naaakit ang mga lalaki sa akin.” Balik naman nito sa kanya.

“So ang tingin mo sa sarili mo ay isa kang kaakit-akit na dalaga.” Not that he would disagree.

“Oo naman and I bet you think im pretty.” Pagmamalaki nito.

Tiningnan niya ito mula ulo hanggang paa. “Yeah pretty delusional. Magdagdag ka muna ng timbang you’re too thin and flat.” Sagot niya dito.

Napatingin tuloy ito sa dibdib na totoong hindi masyadong kalakihan.

“How dare you. Feeling mo ang guwapo mo at ang ganda ng katawan mo?”

“Hindi nga ba?”

“Hindi ano.” Medyo may kadiliman sa kuwarto dahil yung ilaw lang sa lampshade ang nagsisilbing liwang nila pero halatang-halata pa ring hindi ito makatingin ng diretso sa kanya.

“Yeah convinced your self that baka balang araw mapaniwala mo ang sarili mo.”

“Ang baduy mo kaya. Who wears polka dotted brief.”

“The last time i checked women like to see me in my underwear, or maybe not because they seem so eager to take it off. Baduy nga siguro.” He brazenly smile at her.

Halatang naeskandalo ito sa mga sinabi niya pero hindi nagpapahalata. Kinagat pa nito ang mga labi trying to think of a smart retort. Kailangan niyang iiwas ang tingin dahil he’s almot tempted to kiss those lips.

 “H-huwag kang masyadong mayabang. Professor ka pa naman.” Ang nasabi na lang nito.

“Lame.” Pang-aasar pa rin niya dito. Binuksan na niya ang main light sa kuwarto dahil nadidiliman na siya.

Kitang-kita ang pagkabigla sa mukha ni Trixie.

“Ano na naman nakapantalon naman na ako. Huwag mong sabihin hindi ka pa nakakita ng lalaking nakahubad baro. Ang dami niyan sa kanto nag-iinuman.”

“Anong nangyari sayo?” Parang gulat na gulat na tanong nito.

“What are you talking about?”

“That scar.” Nakatingin pala ito sa malaki niyang peklat sa kanyang tagiliran na hindi nito napansin kanina. It looks bad dahil jagged ito. He decided na hindi ito ipaayos sa doktor dahil paalala yon ng sobrang kapabayaan nya. “Paano mo nakuha yan.” Kitang-kita ang concern sa mukha nito.

“Nasabit sa barbed wire.”

Ang sakit siguro niyan. Lumapit pa ito sa kanya para tingnan ng mabuti ang peklat.

“Noong sugat pa lang siya.”  

“Puwede ko bang hawakan?” tanong nito. Nagdalawang isip siya doon pero nakita niyang she was simply just fascinated at his ugly scar.

“Okay sige.” Hinayaan niya itong hawakan yon.

“Hindi ba ito sumasakit kapag malamig?” Curious na tanong nito

Hindi siya sumagot hindi niya magawa. Lingid sa kaalaman nito halos hindi siya humihinga habang ang mga daliri nito ay dahan-dahang tinetrace ang balat niya. He didnt even dare move. Parang apoy ang mga daliri nito na nag-iiwan ng init na kumakalat sa katawan niya binubuhay ang dugo niya. Kaya bago pa man nito mapansin ang pag-iinit niya hinawakan niya ang kamay nito.

“I think you’ve done enough exploring.” His voice hoarse.  Napatingin ito sa kanya

“Sorry nasaktan ba kita?”

“Iba ang masakit sa akin. It’s late you need to go home.” Bigla niyang pinatay ang ilaw. Baka maeskandalo na naman ito sa makita.

“Sige aalis na ako.” Paalam nito na parang medyo nakahalata sa biglang pagiging seryoso niya.

“Lock the door.” Hindi na niya ito hinatid palabas ng bahay. Nang masigurado niyang nakalabas na ito he took off his pants and went straight to the bathroom. Binuksan niya agad ang shower to extinguish the fire created by her touch. Pero hindi na sapat ang malamig na tubig.  Hindi na rin sapat ang pagpapaalala niya sa sarili na anak ito ni agent Marcus.

Hindi naman na siya mabilis maakit sa mga babae. Kasama sa pagbabagong buhay is learning the art of self restraint pero nabalewala yata lahat ng training niya pagdating kay Patricia. Unang pagkikita pa lang nila sinagad na nito ang pasensya niya, pati pagiging kalmado niya sa mga sitwasyon sinubok din nito and to top it all hindi nababawasan ang atraksyon niya dito.

Noong una inisip niya na kapag itinuring niya itong katulad ng ibang estudyante the attraction will fade away pero habang tumatagal lalo nitong ginugulo ang isipan niya. She’s even invading his dream. His guilt over ridden by desire. Mahigit isang Linggo pa lang at parang mawawala na siya sa sarili.

Itutuloy…

 

Advertisement
Advertisement

All Rights Reserved ©