Advertisement
Chapter 65: The Apostle of Love
ELOINY’S POV
As Shea closed her eyes, tila panandaliang tumigil ang oras. Parang dinudurog ang puso kong makita sa ganoong sitwasyon ang kaibigan ko.
“Eloiny…”
Napatingin ako sa lalaking katabi ko ngayon. Wala akong ibang makita sa mga mata niya kundi lungkot at sakit dahilan para mas lalong madurog ang puso ko.
“Hindi lang talaga tayo nasa tamang panahon, Trev.”
Hindi ko maipaliwanag ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Alam kong pinag isipan ko ‘to ng mabuti at hinanda ang sarili ko, pero iba pa rin talaga kapag nasa mismo ka nang sitwasyon.
Nakita kong tumingin sa ‘kin si Master. Senyales na sisimulan na namin ang plano.
Bago pa man kami pumunta rito, masinsinan kaming nag usap ng buong Alpha at ni Ren tungkol sa planong gagawin namin. Si Master ang nanguna sa pag pupulong and presented a plan na walang sinong matinong nilalang ang papayag na gagawin ito.
I will be the sacrifice.
In order to end this chaos, kailangan muna namin mapawalang bisa ang goal ng kalaban na kunin ang dugo ng buhay na Mistress.
At ang natatanging paraan na naiisip ni Master upang maging totoo ito, is to end the life of the Mistress.
Oo papatayin namin si Shea. With that, the enemy will lose its purpose to fight, rendering his weakness, and defeat him. Lahat ng ito ay plinano ni Master and everyone disagreed with him. Lalong-lalo na si Ren.
Pero at the end wala kaming magawa dahil kahit anong isip namin ng ibang paraan, this is the only way through this. Makikita ko sa mata ni Ren kung gano niya kinasusuklaman si Master Kiyan, ngunit maging siya ay sumuko at sumunod nalang sa plano.
He himself offered his life. Even at the very end, si Shea pa rin ang iniisip niya. Hindi pa rin siya nag aalinlangang ibuwis ang buhay niya ng paulit-ulit para sa mistress niya. At para sa babaeng mahal niya.
Oo matagal ko nang alam na tuluyan na siyang nahulog kay Shea. Sus, kahit sinong nilalang makakapag sabi agad na mahal niya si Shea sa paraan palang kung paano siya tumingin dito.
Malungkot akong ngumiti. Lahat ba talaga kami dito walang chance magka happy ending manlang? Bakit lahat kailangan ng sakripisyo? Bakit kailangan maging ganito?
Sabagay, sa una palang hindi na ordinaryo ang mga taong nakapaligid sa ‘kin. Isipin mo yun, yung isang bestfriend ko naging alagad ng kadiliman, tas yung isa naman reyna ng kadiliman.
Tapos ako naging “strongest” apostle of Light.
Napatingala ako. Para akong sinasaksak ng paulit-ulit habang tinitingnan ko ang mga mahahalagang tao sa paligid ko na unti-unting nawawala. May nakabaong kutsilyo sa likod ni Paxton habang nakabaon naman ang Sword of Creation sa dibdib ni Shea.
Hindi. Hindi ko na kayang manood. Gusto kong umiyak pero nakakapag taka at walang luha ni emosyon ang lumalabas sa ‘kin.
Shea has no idea what we’ve planned. Dahil alam naming kahit anong mangyari hinding-hindi siya papayag dito and it will turn out na pipilitin niyang siya nalang mag isa ang lalaban kay Lucifer which is ginawa na nga niya.
Mahigpit kong hinawakan ang Grimoire ni Master at unti-unting pinalutang ang sarili ko. Pero bago ako tuluyang makaalis, biglang hinawakan ni Trevor ang kamay ko.
“Enebe fafa!” giit ko at biglang tumawa. I was just holding myself. Ayokong bumigay sa gitna ng gera.
Bigla niya akong hinila papalapit sa kanya at hinawakan ang mukha ko.
Pakiramdam ko biglang gumuho ang malaking pader na pumipigil upang bumigay ang emosyon ko. Hindi ko alam ngunit kusa nalang tumulo ang luha ko.
“You don’t need to act tough, Eloiny. It’s okay to be vulnerable around me.”
Bigla ko siyang niyakap at doon umiyak nang umiyak.
Bakit kasi ngayon lang tayo nagkalapit Trevor? Kung saan huli na ang lahat sa atin?
Ayokong umalis sa tabi niya.
Ayokong iwan siya.
Pakiramdam ko nauna pa akong mamatay kesa kay Shea.
“In another life Eloiny, I promise that we will meet again. That I will love you and protect you so none of this will happen again.” his voice cracked between the lines. Mas lalo akong naiyak at hinigpitan ang yakap sa kanya.
“I’m sorry Trevor, I’m sorry…”
He kissed me on my forehead and I felt colors exploding.
Bigla ko siyang tinulak. And with all my strength, I flew upward without looking back at him. Dahil kapag lumingon pa ako sa kanya, baka hindi ko na kakayanin at tuluyang talikuran ang lahat ng responsibilidad ko. Baka sumama nalang ako sa kanya.
Pag dating ko sa tabi ni Master, nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Na alam ko maging siya ay labag sa kalooban niya ang mga nangyayari at mangyayari pa.
Bigla siyang yumuko sa harap ko na ikinagulat ko.
“You have done well, my apostle.”
Ngumiti ako. “Wala kang kailangang pasalamatan sa ‘kin Master. Lahat ng ito ay kusa kong gagawin para sa world peace.” sabi ko at yumuko rin pabalik sa kanya.
O diba pang Miss Universe yung sagot ko. Pak yung world peace.
Lumapit sa ‘min sina Drew at Cein upang kunin ang katawan ni Paxton at Shea. Master, with his sword na may dugo pa ni Shea, ay tila mapang asar na tiningnan si Lucifer na ngayon ay tila nawalan na ng sense of direction mabuhay.
“This cannot be! Why—why would you do that to her?!” hindi pa rin makapaniwalang utas ni Lucifer.
Biglang ngumisi si Master, “In order to move forward, someone must be sacrificed. In order to defeat a monster, I must become a monster as well.”
Ramdam ko ang sakit at bigat sa bawat binibitawang salita ni Master. Alam ko maging siya ay labis na nasaktan sa kanyang ginawa but he abandoned all of his emotions for a greater purpose. Ganito naman lagi ang ginagawa niya eh, inaalis niya ang puso niya para sa kabutihan ng mas nakakarami.
A King, indeed.
Nag simula nang lumusob papalapit si Master kay Lucifer. I opened his grimoire which is the source of his power and channeled it towards him; boosting all his stats like speed, healing, damage, and magic power. Bilang his strongest apostle, I have this unique ability of adapting his magic and amplifying it towards him. Ibig sabihin, kaya kong gamitin ang kapangyarihan niya habang mas lalo ko pa siyang pinapalakas.
Nasa likod niya lang ako habang siya ang nakikipag laban. Master created a barrier around me para mananatili akong safe while supporting him.
“You have no sense of purpose now Lucifer, that’s why you’re better off dead.” bumaon sa dibdib ng demonyo ang Sword of Creation. Lucifer cried horrifyingly na parang sisiw na prinito para gawing kwek-kwek. Teka, meron ba ‘non? Basta ang panget ng iyak niya. Kasing panget niya.
“You… You are the real demon here. A heartless monster that would even kill the woman he loved without second thought.”
Kiyan looked at him heartlessly. His eyes cold as the winter.
“If it wasn’t for you, she would have been alive. Die.”
Master’s last word as he beheaded the demon na nagsimula ng lahat ng ito. Lucifer’s body was engulfed by light at unti-unti itong natutunaw na parang abo. Rinig pa ang sobrabg panget niyang sigaw na parang sinusunog na hotdog habang unti-unti siyang nawawala.
Napangiti ako.
Sa wakas. Natapos na.
Malungkot sa ‘kin na tumingin si Master. Dahan-dahan kong inilipat ng pahina ang grimoire hanggang sa nakarating ako sa last page. Walang nakasulat dito, dahil ako palang ang magsusulat ng ilalagay kong spell dito.
Unti-unti na ring nag silapit ang mga kasama kong apostles sa ‘kin. Sina Alison, Ice, Fire, Ezra, Vishna, at si Trevor. Hindi ko na siya kayang tingnan pa ng matagal.
Sumunod naman ang mga apostles ni Shea na dating naging parte ng demon clan. Sina Wagnar, Ehra, Graniath, Sora, Kaisar, Favaro, at Livius.
Silang lahat ay pinalibutan ako habang kami ay nakalutang sa kalangitan. They are in a circular formation with even distances among each other. Naka alternate rin ang mga apostles ni Shea at Kiyan. Katabi ni Alison si Wagner at katabi naman niya si Trevor.
“The Apostle of Love serves as a bridge between light and dark. Because love exist within these two opposing forces, she’s the only connection between good and evil and also the most powerful among any other emotions,” sabi ni Seraphina habang pumasok rin siya sa circle at buhat-buhat ang katawan ni Shea.
As the first Mistress, malaki ang gagampanan niyang role dito.
“That’s why she’s the only one capable of resurrecting the Mistress of Darkness and Destruction in exchange of her magic and life.”
Oo, bubuhayin ko si Shea. Bubuhayin ko ang bestfriend ko.
In the book that was written in the great library of the Underworld, the Apostle of Love which can only be chosen and exist once in every thousands of years, has the ability to absorb the power of light and dark. She serves as the channel to combine those powers to create the most powerful spell no one ever knew could exist in the history of light and dark. A spell enough to destroy and create at the same time. Once the Apostle of Love unleashed this power, kusa narin siyang mawawala. Her body cannot withstand the accumulation of the strongest magic channeled towards her kaya mawawala na rin siya kasabay ng pagpapalabas niya ng kapangyarihan. A curse and a blessing at the same body.
Ako, as the Apostle of Love ay walang pag-alinlangang pumayag sa sinabi ni Kiyan.
For the fulfillment of the prophecy, for the future waiting for her, and for my bestfriend.
Tiningnan ko silang lahat. Ngumiti ako habang yakap-yakap parin ang grimoire.
Sana may kwek-kwek at hotdog manlang kung saan man ako mapunta. Kahit si Master di alam kung ano mangyayari sa ‘kin eh.
“Hoy Trevor!” tawag ko sa kanya na ikinagulat niya.
“Wag nang malungkot, ha? Nandito lang ako palagi.”
Lumingon ako kay Master at tumango. Senyales na handa na ako sa susunod na mangyayari.
Ito na Shea, bubuhayin na kita. Kung may next life man dapat ilibre mo ako ng isang cart ng kwek-kwek at hotdog para makabawi ka naman. Hmp.
“Raise your weapons,” the King commanded as he summoned his Sword of Creation. The sword is made by the greatest blacksmith and blessed by His divine power—no other than the God of Light and Creation. A sword that can create anything yet destroys evil.
Muli akong tumingin kay Trevor at pumatak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Di ko manlang nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Hindi manlang kami nag sama ng matagal. Pero kahit ganon, I was the happiest girl ever since nakilala ko siya at napalapit ako sa kanya.
At tulad kay Shea, handa rin akong ibuwis ang buhay ko para sa kanya.
Mahal kita, Trevor.
THIRD PERSON’S POV
All the apostles—light and dark, raised their weapon accessory. A ray of light and darkness filled the sky. Sabay itong tumama kay Eloiny as her body started to glow enormously habang nakapikit siya.
Finally, after the apostles, sumunod naman si Kiyan. He raised his sword as a very strong energy of light struck her. Unti-unting tumulo ang luha ni Trevor habang tinitingnan ang babaeng mahal niya na nag-iiba ng anyo. Her suit changed and turns into a pure and heavenly color of white. Nagkaroon rin siya ng pakpak na kasing laki sa pakpak ng anghel. Her right wing is sparkling white just like the heavens, while her left wing is black just like the darkness of the underworld.
Huling nag taas ng kamay si Seraphina habang ang grimoire na hawak ni Eloiny ay napunta sa kanya at kalahati ng pahina na nakabukas ay naging itim. Senyales na ang kapangyarihan ng liwanag at kadiliman ay nagsama sa iisang mahika.
The light from the grimoire was channeled towards Eloiny. Doon natapos ang ritwal nang biglang idinilat ni Eloiny ang kanyang mga mata. Ginto ang kulay ng kanang mata niya at itim naman ang kabila. A ball of magic slowly materialized from her hands. The right hand holds the power of light, while the left hand holds the power of darkness. In this state, unconscious na si Eloiny as magic took over her body.
Lumiwanag ang katawan ni Shea. Binitawan na ito ni Seraphina at lumutang ito papunta kay Eloiny. Eloiny slowly placed the two magic on Shea’s heart as her body slowly absorbed it.
The power of light is necessary for the resurrection, while the power of dark is necessary for the magic of the queen.
Habang inaabsorb ni Shea ang kapangyarihan mula kay Eloiny, unti-unti na ring naglalaho ang bestriend niya.
A painful scenario of unevitable fate between two bestfriends.
“I will always love you, Eloiny. And I promise to love you in all lifetimes that we’re together.” bulong ni Trevor habang tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha.
“See you in our next life.”
Kasabay ng unang pag hinga ni Shea, ay ang tuluyang paglaho ng Apostle of Love.
Ang tuluyang pagkawala ni Eloiny.
Advertisement