Advertisement
Views: 1,060
CHAPTER 6
May araw na nang makauwi si Trixie sa bahay. Gising na rin ang kanyang ina.
“Akala ko mamaya ka pa makakauwi. Bakit yung professor mo pa ang tumawag sa akin at hindi ikaw mismo.” Tanong nito.
“Sinong tumawag?” Takang tanong niya.
“Yung professor mo tumawag kagabi sinasabing hindi ka nga raw makakauwi dahil sa isang project.”
“Well Ma kung ako naman kasi ang tatawag sa inyo alam ko namang hindi kayo maniniwala sa dahilan ko. Kaya mabuti nga yung iba na lang ang tumawag sa inyo.”
“Ilang beses ka na rin kasing nagsinungaling sa akin. Nag-aalala lang naman ako sayo.”
“Just worry about your other family.”
“Trixie!” Galit nitong tawag sa kanya pero parang wala siyang narinig. Tuloy-tuloy siyang pumasok sa sariling kuwarto.
Madalas ganoon ang nangyayari sa kanilang mag-ina. Hindi na sila nagkasundo mula nang nagpasya itong magpakasal mahigit isang taon pagkamatay ng kanyang ama. Hindi niya maunawaan ang dahilan nito. Paano nitong kinalimutan na lang basta-basta ang kanyang ama? Samantalang siya ni hindi pa rin makalimutan ang sakit.
Lalo tuloy niyang naramdaman ang pag-iisa sa pag-aasawa nito. Noon akala niya ay makakatuwang niya ang ina, na maaasahan at sandalan nila ang isa’t-isa pero naging mas mahina ito sa kanya. Hindi nito kinaya ang kalungkutan kaya nagpakasal ito sa iba sa kabila ng pagtutol niya. At kahit pa mabait sa kanya ang kanyang step-dad at ngayon ay may kapatid na rin siya ramdam pa rin niya ang pag-iisa
“Ate baka gutom ka na. Kain na tayo.” Tawag sa kanya ng nakababatang kapatid.
“Mauna ka nang kumain Aaron busog pa ako.” Sagot niya sa kanyang half-brother. Kahit naman galit siya sa ina ay hindi niya magawang magalit sa kapatid. Yun nga lang hirap din siyang maging malapit dito. Pakiramdam niya ay hindi siya kabilang sa bagong pamilya ng kanyang ina. Kaya tumimo sa kanya ang mga sinabi ni Derek kanina sa kanya. He knew exactly how she felt. He somehow feels her pain. Marami nang nagpanggap na naiintindihan ang sakit na nararamdaman niya pero ngayon lang siya nakahanap ng isang tao na ayaw sumuko sa kanya and somehow she found comfort sa mga salita nito. Gusto talaga siya nitong tulungan.
“Himala nag-aaral ka.” Pansin ni melody kay Trixie.
Malapit na ang midterms natin. Sagot niya dito.
“At kailan mo naman naging motivation sa pag-aaral ang mga nalalapit na exams ha? Are you sick or something?” Parang hindi pa ito makapaniwala sa new found kasipagan niya.
Hindi naman niya ito masisisi dahil madalas nga siya pa ang pasimuno ng lakwatsa kahit malapit na ang mga exams kaya nga lagi siyang bagsak. Wala naman kasi siyang pakialam sa mga grades niya noon pero iba na ngayon
Medyo na challenge siya sa sinabi ni Derek aka Mr. subtitute professor about responsibility. He wants to teach her responsibility na parang sinasabi nitong wala siyang sense of responsibility. Yun ang impression nito sa kanya na parang tumatakbo siya sa mga responsibildad and that she always wants the easy way out. Hindi naman niya ito masisisi. Kaya tinanggap niya ang paglilinis ng bahay nito at ngayon nga ay nag-aaral siya para patunayan dito na kaya niyang maging responsable.
“Kung ako sayo gayahin mo na lang ako remember binigyan ka na ultimatum ng parents mo na hindi ka na nila susuportahan kapag bumagsak ka uli. So i suggest magbasa ka na rin.” Inabot niya rito ang isa sa mga libro na hiniram niya sa library.
Parang medyo natakot naman ito sa paalala niya kaya kinuha na rin nito ang libro at nagbasa pero ilang sandali pa ay nagsalita uli ito.
“Sa tingin mo Trixie single pa kaya talaga si sir Derek.” Curious na tanong nito.
“Bakit mo naman natanong uli yan di ba sinagot na niya yan noon pa.”
Hindi lang kasi ako makapaniwala. He’s too good looking para maging single baka may tinatagong lihim si Sir.
Like what? Tanong niya dito. Noong una medyo curious rin siya sa pagkatao nito. Kaya noong minsang nilinis niya ang bahay nito ay naghanap siya ng ebidensya sa pagkatao nito pero wala siyang nakita.
Wala itong picture sa bahay o kahit ano pang memorabilia. Wala ring picture ng kahit na sinong babae. His house reveals nothing except na magulo talaga ito sa gamit at parang ahas ito kung magpalit ng damit.
“Hindi kaya bakla si Sir?”
Parang gusto niyang matawa sa sinabi nito.
“I doubt that.” Sagot niya dito. If there is one word to describe Derek is that he is very masculine from his physique to his scent and even the way he moves.
“O baka naman may naiwan siyang babe sa states di ba doon siya galing. Im sure kung may girlfriend si sir super model o pang-artista ang ganda. Sa tingin mo meron kaya siyang tinatago?” tanong nito.
“Sinong may tinatago?” Biglang singit ni Benjie.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya dito. Si Benjie ay isa sa mga kabatch mate niya at unang kaibigan sa kolehiyo. Medyo naging close din sila at niligawan pa siya nito pero binasted niya. Ngayon ay magkaibigan pa rin naman sila. Medyo nagpapahaging pa rin ito pero kunyari ay hindi na lang niya nagegets ang pagpapacute nito. Wala talaga siyang interes sa pakikipagboyfriend. Mataas nga siguro ang standard niya dahil sa namayapang ama.
“Baka puwedeng makisit-in sa klase niyo balita ko magaling daw ang math prof nyo dito.” Kumuha pa ito ng upuan para makatabi sa kanya.
And speaking of their math prof eksakto naman ang pagpasok ni Derek sa klase. As usual nakasalamin ito kahit hindi malabo ang mata. And as usual nakangiti lahat ang mga kaklase niyang babae pagkakita dito. Hindi naman niya masisisi ang mga ito dahil talaga namang breathtaking ang itsura nito sa suot na light pink na polo. Sinong nagsabing pambabae lang ang pink? Kahit pa siguro magfloral ito ay super masculine pa rin ang datig nito.
Dalawang araw niya itong hindi nakita. Tumutupad kasi ito sa usapan. Hindi niya ito nakikita sa pad nito kapag alam nitong nandoon siya. Nag-iiwan lang sila ng notes sa isa’t-isa, parang long distance relationship ang dating. Kulang na nga lang ay mag-iwan ito ng email sa kanya.
“Mukhang may bago tayong estudyante dito ah.” Bati nito kay Benjie na inaayos ang upuan sa tabi niya.
“Good afternoon Sir gusto ko po sanang sumali sa klase nyo ngayon.”
“That’s okay may upuan pa namang bakante.”
“Sir manliligaw lang po yan kay Trixie” hirit bigla ng isa nilang kaklase. Ngumiti lang si benjie at tuluyan na ngang umupo sa tabi niya. Sinakyan pa nito ang biro ng isa niyang kaklase.
“Salamat sa suporta pare. Hayaan mo ililibre kita kapag sinagot na ako.” Medyo lalong lumakas ang tuksuhan. Sanay naman na siya doon pero dahil naroon si Derek ay parang naconscious siya. Pero mukhang deadma lang naman ito sa mga biruan.
“Okay lang ang ligawan huwag lang masyadong siniseryoso mga bata pa naman kayo. Mahirap na you might get into a situation kung saan puwede kayong malagay sa alanganin. Hindi araw-araw puwedeng may sumagip sa inyo.” Seryosong komento nito. Tumingin pa talaga ito sa kanya halatang siya ang pinatutungkulan nito. Ipinamumukha nito ang katangahan niya. Sa inis sinagot niya ito.
“Dont worry Sir mababait naman lahat kami dito sa klase nyo at siyempre lalo na si Benjie.” Tiningnan niya pa si Benjie sabay ngiti dito. Medyo napatamis ang ngiti niya na ikinatuwa naman nito.
“Pare mukhang may pag-asa ka na.” may nagbiro na naman dito.
“Okay sige tama na ang biruan.” saway ni Derek. “I guess wala naman akong dapat ipag-alala. let’s start. May sinulat itong problem sa board. At siyempre sisimulan natin siya sa pagsagot sa isang algebra problem, isang recitation. Halos sabay-sabay ang ginawang protesta ng mga kaklase niya kasama na siya doon.
“Come on guys additional grades ito. Kinuha nito ang classcard. Ganoon ang style nito random na kukuha ng pangalan para tawagin para sumagot. Nakatingin siya sa board may kahirapan ang tanong kailangan ng mahabaang computation.
Lets see who’s the lucky student… Miss Romero. Ngumiti pa ito sa kanya. Medyo nagulat siya doon. para kasig sinadya nitong tawagin ang pangalan niya. Buti na lang at nag-aral siya. Pumunta siya sa harapan at simulang sagutin ang problem. Halos sampung minuto rin ang inabot niya sa pagsagot medyo kumplikado ang equation keysa sa inaasahan niya.
Sir tapos na. babalik na sana siya sa upuan ng bigla itong nagsalita. Pakipaliwanag kung paano mo narating ang sagot na yan.
What?! Wala ba itong tiwala sa kanya? Kahit parang nainis sinunod niya ito. Patungo-tungo pa ito habang nagpapaliwanag siya at minsan ay iniinterrupt pa siya nito para magbigay ng input at mas madaling paraan kung paano masasagot ang equation.
Hindi niya napansin na mahigit tatlumpung minuto siyang nagpaliwanag sa harapan ng klase ng isang simpleng math problem na ito dapat ang nagdisscuss. Naisahan siya nito.
Sa bandang huli siya lang ang natawag nito dahil wala ng oras. Masaya naman ang mga kaklase niya dahil nakaligtas sa recitation.
“Ang galing mo na pala sa math Trixie ang hirap noong problem na pinaliwanag mo ah.” Puri sa kanya ni Benjie.
“Ganoon talaga kapag natural na matalino.” Nagparinig pa siya kay Derek na kasalukuyang nagbubura ng board.
“Trixie sabay na tayong umuwi ililibre na rin kita.” Aya sa kanya ni benjie. Sasagot na sana siya nang biglang tinawag siya ni Derek
“Miss romero.”
Bakit S-sir? hindi talaga siya masanay na tawagin itong sir.
“We have something to disscuss in my office.”
“Ha?” Pero bago siya makapagtanong lumabas na ito ng klase.
Isang Linggo siya nitong hindi pinapansin pero ngayon gusto pa siya nitong kausapin. Bakit? May nagawa ba siyang mali? Sinusunod naman niya lahat ang bilin nito na nakasulat pa sa papel sa ref nito. Na pinapalibutan ng maraming magnet.
“Anong meron sa professor nyo parang pinag-iinitan ka yata?” Puna nito.
“Baka pagagalitan ka dahil sa mga absences mo?” Hula ni melody.
“Mauna na kayo haharapin ko muna ang moody dragon.” Kinuha na niya ang mga gamit at sumunod na kay Derek.
“Buti naman at sumunod ka agad.” Sabi agad nito pagkatapos niyang pumasok sa office nito. Malaki ang opisina nito para sa isang subtitute professor.
What’s this about may ibibilin ka ba sa akin? Nagmamadali niyang tanong dito.
“Wala.”
“Wala? So bakit mo ako pinapunta dito.”
Parang medyo natigilan naman ito na parang nag-iisip. “Ano ahmm hindi ko kasi makita yung isang gamit ko.” Pagdadahilan nito.
“Anong gamit?” Iniisip ba nitong may kinuha siyang gamit nito.
“Yung isang pares ko ng medyas.”
“Medyas?dahil lang sa medyas?” Nananadya ba talaga ito?
“Importante sa akin yung medyas na yon.” Katwiran nito.
“Fine hahanapin ko yung medyas na yon na nawawala. Ano bang itsura noon”
“P-puti na ano makapal. Yun lang ang makapal ko na medyas.”
“So wala ka nang ibang sasabihin na importante?Wala ka bang ipapaluto?” hindi siya makapaniwala na dahil lang sa medyas pinatawag siya nito. Inisip niya na baka may gusto itong ipaluto. Nagustuhan daw nito ayon sa iniwan nitong notes sa ref ang niluto niyang paksiw na galunggong. Sinasadya niyang pangpinoy na pagkain ang niluluto niya dito dahil ang akala niya ay pang-amerikano ang taste buds nito pero mukhang type pala nito ang mga lokal dishes kahit na tuyo. Masaya siyang appreciated nito ang cooking efforts niya.
Hindi na kailangan. Mag-aral ka na lang para pumasa ka sa exam at nang maimpress naman sayo yung manliligaw mo.” Parang nang-iinis na turan nito.
“Hindi ko na kailangang magpaimpress sa kanya dahil matagal na siyang impress sa akin.” Buwelta niya dito. Magsasalita pa sana ito ng biglang may kumatok.
“Tuloy.” Sagot na lamang ni Derek. Habang nakatingin sa kanya. Pero biglang nawala ang atensyon nito sa kanya ng makita nito kung sino ang dumating. Sabagy kahit siya ay napanganga sa dumating na isang napakagandang babae. Kamukha ito ni kristine hermosa with great tan and long straight hair.
“How are you Derek?” Bati agad nito.
“Hey Sarah.” Tumayo pa ito para batiin ang bisita. Isang mahigpit na yakap ang ginanti nito kay Derek. Bukod sa yakap ay ginantihan din ito ni Derek ng halik sa pisngi. Sobrang higpit ng mga yakap nito sa isa’t-isa tila wala siya harapan ng mga ito. Kulang na lang halikan nito sa labi si Derek. Tama si melody imposible ngang wala itong girlfriend o kahit babaeng dinedate. Halatang close talaga ang dalawa at malamang ay may namamagitan dito.
“Ang tagal mo na rito sa Pilipinas ni hindi mo man lang ako pinuntahan sa apartment ko.” Kunyari ay nagtatampo ito kay Derek pero para namang pusa kung magsalita sobrang lambing kulang na lang ay ngumiyaw ito.
“I’m quite busy. But dont worry i’ll make it up to you.”
“Parehas kayo ng pinsan mo puro pangako.”
“Para makabawi ilalabas kita this weekend.”
“You better dahil marami kang ikukuwento sa akin.” Pagkatapos ay napatingin ito kay Trixie. Na kanina pa nakatingin sa bagong dating.
“Sino siya?”
“Ah estudyante ko si Patricia.” Balewalang sagot ni Derek.
Tiningnan nito ang ID niya. At pagkatapos ay tumingin ito ng makahulugan kay Derek.
“Nice to meet you Patricia I’m Sarah. I hope you dont mind kung medyo sobra kaming affectionate sa isa’t-isa namiss ko lang tong si Derek.”
“Naiintindihan ko.” Pilit siyang ngumiti kahit parang nagpupuyos ang damdamin niya. Pero bakit nga ba siya naiinis eh ano naman ngayon kung makipagyakapan ito? Its not like may karapatan siyang magselos.
“Patricia you can go now.” Utos sa kanya ni Derek. “Pakisara lang yung pinto.” bilin pa nito. Mukhang atat na atat na masolo si Sarah.
“Ah y-yeah sorry” at nagmamadali na siyang lumabas. Medyo napalakas ang pagkakasara niya ng pinto dahil hindi niya mapigilan ang inis.
“Bakit mo sya pinalabas? She’s that girl right?” tanong ni sarah.
“So naikuwento na lahat sayo ni Jon?”
“Siyempre wala namang maitatago sa akin yon. Maganda siya. The kind of woman you’ll fall for. At may pagkaselosa ah. Parang gustong sirain ang pinto kung magdabog.”
“Ano bang pinagsasabi mo dyan?”
“Hindi mo ba nakita parang gusto niya akong sunggaban kanina.” Pagkatapos ay malakas itong tumawa.
Tiningnan lang ni Derek ang nakasarang pinto. medyo nangiti ito. Napansin nga niyang parang nainis si Trixie sa ginawi niya. Sinadya niya talaga yon hindi rin niya gusto ang inasal nito kanina sa klase kay Benjie. Quits na sila.
“So ano daw ang kailangan ni sir sayo? Tanong ni melody na naghihintay sa may corridor.
“Wala.” Pagalit niyang sagot dito.
“Eh bakit ang init ng ulo mo? Napagalitan ka ba?” Tanong nito.
“May sawa kasi akong nakita na kung makalingkis akala mo mauubusan ng makakain at yung daga sarap na sarap naman na nililingkis siya.”
“Ano ba yang pinagsasabi mo? Sawa? Daga?”
“Wala. Sige na maghahanap pa ako ng medyas at malamang may lasunin din akong daga.”
“Sandali hinihintay tayo ni Benjie.”
“Sabihin mo may pinagawa sa akin. Ikaw na lang ang sumama sa kanya okay.” At tuluyan na nga siyang lumakad palayo.
Itutuloy…
Advertisement