Advertisement
Views: 1,060
CHAPTER 5
Napaigtad si Trixie ng magising siya na parang galing sa masamang panaginip. Malambot ang kamang hinihigan niya. May kalakihan din ang silid kung nasaan siya pero sigurado siyang wala na siya sa lugar na pinagdalhan sa kanya ni Toby kanina. Pinakiramdaman niya ang sarili. Masakit ang ulo niya pero bukod doon ay maayos naman ang pakiramdam niya. Hindi siya napagsamantalahan ng walanghiya. Hindi niya lang guni-guni ang taong sumagip sa kanya kanina.
Tiningnan niya ang sarili sa salamin na nasa kanang bahagi ng kama at doon lang niya napansing ibang damit na ang suot niya. Nakapantulog siya na doble ang laki sa kanya dahil panlalaki yon. Wala rin siyang suot na bra. Sinilip pa niya ang sarili para siguraduhin yon.
“Gising ka na pala.” Si Derek ang pumasok sa kuwarto may dala itong kape.
Tiningnan niya ito. Kahit malabo ang mga pangyayari sigurado siyang ito ang sumagip sa kanya kanina. Kung siya ay napalitan na ang damit at nakatulog na ito ay nakasuot pa rin ng long sleeve at slacks. Mukhang hindi pa nga ito natutulog. Binantayan lang ba siya nito sa buong magdamag?
“Anong ginagawa ko dito. Nasaan ako.” Tanong na lamang niya.
“You’re in my place.”
“Anong nangyari? Bakit nandito ako?”
“I brought you here. You want some coffee? Balewalang sagot at tanong nito.
And then it occur to her. “P-pinalitan mo ang damit ko?”
“Nasukahan mo ang sarili mo kaya kinailangang palitan ang damit mo.” Paliwanag nito.
“I-ikaw ang nagpalit ng damit ko?” Namumula niyang tanong dito. Hindi ito nagsalita. Inubos lang nito ang kapeng hawak.
“Hoy tinatanong kita.” Pasigaw na niyang tawag dito.
“Hindi ako ang nagbihis sayo.Tinawagan ko si Aling Elena yung cleaning lady ko at siya ang nagpalit ng damit mo.”
Tumayo si Trixie halos abot na sa tuhod na niya ang pantulog. “Nasaan ang mga damit ko?” demand niya dito.
“Nandyan sa cabinet. Napalabhan ko na yan.” Sagot nito habang seryosong nakatingin sa kanya. Siya naman ay naconscious dahil sa suot niya kaya she instinctively back-off at inipit ang mga kamay sa dibdib. Pagkatapos ay tinungo niya ang cabinet at hinanap doon ang mga damit aware at the eyes na nakatingin sa kanya mula sa likuran. Bakit ba siya sobrang nacoconscious dito. Its not like she’s naked.
Nakailang inom na yata ng kape si Derek mula kanina kaya medyo edgy na siya. Pero ang totoo hindi niya alam kung ang uneasiness niya ay dahil sa kape o kay trixie. Nagsinungaling siya ng sinabi niyang yung cleaning lady niya ang nagbihis dito. Medyo nagpanic ito ng inisip nito ang posibilidad kaya para pakalmahin ito ay nagsinungaling na lang siya. Hindi rin naman ito maniniwala na pinikit niya ang mga mata niya nang tinanggal niya ang bra nito. Nasukahan din nito yon kaya wala siyang choice. Nagdasal na lang siya sa ina ng awa para hindi siya matuksong manilip. At ngayong nakatayo ito sa harapan niya na suot ang kanyang pantulog parang gusto niya uling magdasal.
Kulang na nga yata siya sa karinyo ng babae dahil kahit para itong bata habang natutulog kanina he couldnt take his eyes off her. She looks so serene sleeping on his bed. Malayo ito sa rebellious teenager na lagi naghahamon ang tingin na parang sinasabing you cannot restrain me. And indeed she can’t be restrain.
May isa pa siyang kasinungalingang sinabi dito. He lied when he said that she’s not his type. Totoong mas prefer niya ang mga babaeng mahahaba ang buhok pero bumagay dito ang bobcat nitong haircut dahil sa medyo maliit na korte ng mukha nito. Kitang-kita din niya ang biloy nito sa kanang pisngi. Sabagay noon pa mang unang makita niya ito sa litrato nagustuhan na niya ito. Lalo na ang mga mata nito na laging gustong makipaghamunan ng tingin sa kanya o ginagawa nitong pagkagat ng labi tuwing kinakabahan.
“Puwede lumabas ka muna magbibihis ako.” Hindi ito nakikiusap.
“Yung kanang pinto banyo yan. Doon ka magbihis.”
Mabilis na pumasok si trixie sa banyo. Hinubad agad nito ang suot at nagmamadaling nagpalit ng damit. Hindi na ito nagsayang ng panahon lumabas agad ito ng banyo.
“Mukhang okay ka na.” yun lang ang nasabi ni Derek dito.
“Uuwi na ako.” Halatang hindi ito mapakali na nasa bahay niya ito. Atleast kahit papaano parehas sila ng nararamdaman. Alam niyang hindi tamang sila lang dalawa ng anak ni Agent Marcus sa iisang kuwarto. Pero hindi naman niya puwedeng hayaan ito sa kalye ng hhini pa sumisikat ang araw.
“Madaling araw na hindi ka na puwedeng umuwi. At tsaka nacontact na ang nanay mo expected na niyang uumagahin ka. Magpahinga ka na lang uli.” Sagot niya dito.
“Ikaw ang kailangan ng pahinga. At Bakit ba kasi dito mo pa ako hinatid?”
“Anong gusto mo ihatid kita sa bahay mo looking wasted?”
“Eh di sana iniwan mo na lang ako sa motel And by the way bakit nasa motel ka? Sinusundan mo ba ako? Are you stalking me?”
“Bakit hindi ka na lang magpasalamat na nandoon ako. In case you forgot iniligtas kita sa maniac na yon.”
“Salamat pero kaya kong ipagtanggol ang sarili ko.” Pagmamatigas nito.
Pinigilan na lamang niya ang sariling pagsabihan ito. “Okay fine kung hindi kita mapipigilan ihahatid na lang kita.”
“Kaya kung umuwi mag-isa.” Pagmamatigas pa rin nito
“You can’t even walk earlier. Ihahatid na kita.” Kinuha na niya ang susi ng kotse.
“Puwede ba kaya ko nga ang sarili ko.”
“Ano ba talaga ang problema mo?” Naiinis na naman siya dito.
“Ikaw ang problema ko. Bakit ba para kang kabuteng basta-basta na lang sumusulpot at pinapakialaman ang buhay at diskarte ko.”
“Diskarte?”gusto niyang matawa sa paggamit nito ng mga pangkalyeng salita.
“Oo diskarte. Dumiskarte ako ng pambayad ng utang ko nang hindi mo na ako ginugulo.” Kinuha nito ang bag at hinanap ang five thousand pero wala doon ang pera.
“Nasaan yon?” Ibinuhos nito ang laman ng bag pero walang lamang limang libo. “Babalik ako sa motel. Baka Naiwan ko don yung perang binigay ni toby.”
“Sandali nga sumama ka sa lalaking yon dahil lang sa limang libo?” Galit na tanong niya dito.
“Oo para mabayaran na kita.”
Pagkarinig niya ng sinabi nito ay naningkit ang mga mata niya.
“Muntikan mo nang ipahamak ang sarili mo dahil sa pera!?” His blood boiled at the thought.
Kahit medyo kinabahan si Trixie dahil sa nakikita nitong galit ay hindi ito nagpatinag. “Anong pakialam mo buhay ko to at gagawin ko ang gusto ko. Kahit sumama pa ako kung kaninong Poncio Pilato dyan wala kang pakialam.” Sigaw nito. Tuluyan ng nagdilim ang paningin ni derek sa mga sinabi nito.
Medyo natakot si trixie nang tuluyan ng mapalitan ng galit ang ekspresyon ni Derek. Ganoon ang itsura nito kanina ng sinugod nito si Tobi. Lumapit ito sa kanya kaya lalo pa siyang napaatras. Nasa paanan na siya ng kama kaya hindi na siya nakaiwas dito ng bigla nitong hinawakan ang dalawa niyang kamay.
“N-nasasaktan ako.” Pero hindi siya nito pinakinggan. Nagsisi tuloy siya sa mga nasabi. Hindi niya ito dapat ginalit.
“Ganoon ka lang ba kababa Patricia. Limang libo?” Bigla ay tinulak siya nito pabalik sa kama. And then he started to unbutton his shirt
A-anong ginagawa mo? Her voice is shaking.
“Sa akin ka may utang di ba kaya dapat sa akin ka magbayad hindi sa kung sinong Poncio Pilato sa daan.” Doon na talaga siya nagpanic. Tumayo siya pero hinawakan uli siya nito at binalik sa kama. She tried to struggle kaya sabay silang napahiga. He’s now on top of her. Hindi siya makatayo because he’s pinning her down.
Natatakot siya pero may kakaiba rin siyang nararamdaman sa pagkakalapit ng katawan nito. She can smell his perfume na parang nagpapabalik ng kalasingan niya pero kita rin niya ang galit nito. Kaya iniwas niya ang paningin dito.Pero hinawakan nito ang mukha niya na pilit niyang iniiwas. “Look at me.” He demanded.
“No!” pilit siyang pumikit hindi niya ito kayang tingnan.
Nakadikit na ang mga labi nito sa tenga niya habang kinakausap siya nito ng pabulong. “So you’re prepared to be in bed with any man? Sana sinabi mo na sa akin nung una pa. Eh di sana hindi na tayo naghabulan pa diba? his voice sound threatening.
“Please let go of me.” Pakiusap na niya dito. Mabilis na ang tibok ng puso niya. Pero mahigpit pa rin ang pagkakadagan nito sa kanya.
“Bakit nagbago na ba ang isip mo? I thought you’re willing to bed any man for money. Bakit ngayon gusto mong pakawalan kita? I can assure you i’m better than that toby guy.” Hes mocking her.
Hindi niya alam kung sa takot o kahihiyan but she started crying. Ayaw niyang umiyak sa harapan nito dahil ayaw niyang ipakitang mahina siya pero hindi niya mapigilan ang sarili. Nasaktan din siya sa mga sinabi nito. Ang tingin nito sa kanya ay maduming babae that’s why he’s treating her like she’s cheap.
Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Derek ng makita niyang tahimik na umiiyak si Trixie. “I’-im sorry.” Binitiwan siya nito remorse written all over his face.
Bigla siyang tumayo at itinulak ito at pagkatapos ay nagmamadaling lumabas ng bahay ni hindi niya nagawang kunin ang sapatos o ang mga gamit.
Gustong suntukin ni Derek ang sarili sa nagawa. Dapat nagtimpi siya. He knew she’s just trying to anger him at nagpadala naman siya.
“Damn it Derek you’re so stupid” sigaw niya sa sarili.
Inayos niya ang mga gamit nito at ibinalik sa bag bago niya ito sinundan. Gumamit na siya ng kotse para madali itong mahanap. Sigurado niyang hindi pa ito nakakalayo dahil wala itong pera.
Ilang minuto rin siyang naghanap bago niya itong nakitang naglalakad na parang nawawala. Matigas talaga ito. Kahit giniginaw na sa lamig dahil sa wala itong saplot sa paa at kahit wala itong dalang pera pauwi hindi talaga ito babalik sa bahay niya. Pero masisisi ba niya ito. He saved her from Toby pero mas malala pa nga yata ang ginawa niya dito.
Mabilis ang ginagawang paglalakad ni Trixie. Balewala ang sakit ng ulo at gutom. Kailangan niyang makalayo kay Derek. Alam niyang wala naman talaga itong balak na saktan o pagsamantalahan siya. And she should have been thankful sa pagliligtas nito sa kanya pero lamang ang pag-aalala sa puso niya tuwing nakikita ito. Masyado na nitong pinapakialaman ang buhay niya. Sanay na siyang mag-isa na wala nang nag-aalala pa sa kanya o nagtatanggol. She doesn’t need anyone. She cant afford to need anyone. Ayaw na niyang umasa kahit kanino.
Dahil sa pagmamadali halos hindi na niya napansin ang kotse na kanina pa nakasunod sa kanya. Kung hindi pa bumusina si Derek ay hindi niya ito mapapansin.
“Patricia mag-usap muna tayo.” Sigaw nito.
“Just leave me alone.” Lalo siyang nagmadali sa paglalakad. Para silang magkasintahang nag-away at ngayon ay nakikiusap na makipagbati ng isa. Pero malayo sa magkasintahan ang relasyon nila. He is her professor. Ganoon ba talaga dapat kaconcern ang mga guro sa kanilang estudyante. Wala pa nga itong isang Linggo bilang Math prof. niya.
“Patricia puwede ba stop making me run after you.” Pakiusap nito.
“Then stop chasing me.” Balik sigaw niya dito. Hindi niya ito nililingon. Kaya hindi niya ito nakitang bumaba ng kotse para habulin siya. Naabutan na siya nito at humarang ito sa daan niya.
“Tumigil ka na kung ayaw mong buhatin kita pabalik sa kotse ko ng nakatali.” Pagbabanta nito.
“Wala ka na bang alam gawin kung hindi pagbantaan ako. FYI sir hindi ako natatakot bumagsak, hindi rin ako natatakot makulong at lalong hindi ako natatakot sayo.
“Then why are you running away from me. I’m just trying to help you.” Halata na ang frustration at pagod sa boses nito.
“Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ko kailangan ng tulong.” Hindi siya makapaniwala sa persistance nito.
“Really? You don’t need help? So bakit ka nagkakaganyan? Why are you slowly ruining your life?”
“Ano ba ang pakialam mo. Math prof lang kita. Kailangan ko bang ipaliwanag sayo ang mga bagay-bagay sa buhay ko.” Sigaw niya dito.
“Naiintindihan kung galit ka. katulad mo rin naman ako dati maybe even worse.”
“Don’t pretend that you understand. Hindi mo naranasan ang sakit na nararamdaman ko” Tinalikuran niya ito at nagsimula uling maglakad.
“Bakit kailangan ko bang maranasan para maintindihan ko? You’re not the only one who feels that this world is unfair. Nawawala ang mga taong mahalaga sayo leaving you broken and empty and yet this world will still forced you to live through that pain oblivious sa pinagdadaanan mo.”
“Ano bang alam mo?” hinarap niya uli ito.
“Isa lang ang alam ko i want to help you So please let me. Years ago i was also lost and someone came to my rescue. Tinulungan niya akong bumangon at magbago. Let me do the same for you.” She saw the sincerity and the pleading in his eyes.
“Why are you so determine na tulungan ako?” Tanong na lamang niya dito. Hindi pa rin niya maintindihan ang determinasyon nito.
“Professor mo ako di ba it’s my duty.”
“I think your forgetting na subtitute ka pa lang.”
“Well it won’t stop me from doing my job.”
“Hindi ako ang magbabayad ng over time mo.”
Napangiti ito sa sinabi niya. Basta ba huwag mo naman akong bigyan ng sakit ng ulo.
“Hindi ko yan kayang ipangako sir.”
“Okay sige hindi mo naman kailangang mangako. You seem to have problem with authority anyway so might as well treat you as equal pero pag tayong dalawa lang. Sa school igalang mo pa rin ako kahit pabalat bunga lang.
“Nauunawaan ko.” Hindi niya alam pero biglang nawala ang galut niya dito.
“Good and by the way” may kinuha ito sa bulsa. Isa yung susi initsa nito iyon sa direksyon niya at sinalo naman niya yon.
“Ano ito?”
“Susi yan sa bahay ko.”
“ Ha Bakit?”
“Hindi ka pa rin bayad sa utang mo at pansamantala kung kailangan ng katulong. Isang buwan lang naman pagkatapos noon you’re free from debt.”
“Gusto mo akong gawing katulong?” Hindi siya makapaniwala doon.
“No I want to teach you responsibility. And please gawin mo ang suggestion kung ito this time. Huwag kang mag-alala gabi na ako umuuwi sa bahay. Hindi mo ako dadatnan at hindi na rin kita maabutan. Sa eskuwelahan lang tayo magkikita.”
“Fine, anything to get rid of you i guess.” Tiningnan niya ang susi nito. Pinagkakatiwalaan siya nito and she smile at the thought.
“Malapit nang sumikat ang araw. Ihahatid na kita. Nasa kotse ko ang mga gamit mo.”
“Hindi na kailangan malapit nang magliwanag kaya may mga sasakyan na. Kailangan mo pa ng tulog. Because sir you look like hell.”
At bago pa man uli ito magpumilit na ihatid siya ay kinuha na niya ang mga gamit mula sa kotse nito at nagmamadaling sumakay sa unang jeep na dumaan.
Itutuloy..
Advertisement