Advertisement

 

CHAPTER 4

 

Nagsalubong ang mga kilay ni Derek dahil ng dumating siya sa klase ay hindi niya nakita si Trixie. Ang kaibigan nitong si melody ay present kaya nagtataka siya. Hindi rin ito nag-apply as student assistant. Kahit mabababa ang grades nito magagawan naman sana niya ng paraan para maipasok ito. Pero kahit anino nito ay hindi nagpakita para magpasa ng application form.

Ang balak talaga niya noong una ay maging mabait dito para makuha niya ang tiwala nito pero palaban talaga ito at obvious na hindi madadala sa pagiging mabait niya kaya he decided na maging medyo mahigpit dito pero parang talagang nananadya ito.

“Pasaway talaga.” Pero ano pa nga ba ang inaasahan niya. Kahit medyo tinakot na niya ito kahapon ay hindi pa rin ito natinag. Hanggang sa huli ay defiant pa rin ito. Hindi niya maubos maisip kung paanong naging anak ito ni Agent Marcus na sobrang istrikto pagdating sa pagsunod sa mga batas at patakaran. Hindi magiging madaling makuha ang tiwala nito.  Natapos ang klase pero hindi talaga ito dumating. He decided to talk to melody.

“Miss Ramirez”

“Melody na lang po sir.” halatang masaya na kinausap niya ito.

“Yes melody. Di ba magkaibigan kayo ni Pat- I mean miss Romero? Alam mo ba kung bakit hindi siya pumasok?” Nginitian niya ito. Medyo nag-alangan ito kung magsasabi ng totoo. Kaya alam niyang meron itong nalalaman. “Huwag kang mag-alala hindi ko naman siya pagagalitan.”

“Sir sa totoo lang nagtext siya sa akin na may importante daw siyang lakad.” Mukhang nagsasabi naman ito ng totoo pero may winiwithhold na information. Kailangan niya itong mapaamin.

Oh i remember may nasabi siya sa akin kahapon may kaibigan daw siyang pupuntahan. Nagpaalam nga siya na importante nga raw yon pero ang sabi niya malelate lang siya ng dating pero hindi aabsent. Nasabi nga rin niya kung saan sila magkikita nung kaibigan niya pero di ko matandaan. Ikaw natatandaan mo ba?” tanong niya uli dito. Sana hindi nito mahalatang he is just fishing for information.

“Sir sa Malate. pero sa atin-atin lang to sir ha wala akong tiwala don sa kaibigan niyang kakatagpuin. Mukhang hindi mapagkakatiwalaan yung toby na yon.” Kuwento agad nito.

Bigla siyang naalarma doon. pero hindi niya yon pinahalata. “Ganoon ba? May balak ka bang sumunod sa kanya sa Malate? tanong niya. Inaalam ang eksaktong lokasyon ni Trixie.

“Naku hindi ko kasi alam kung saan yung date niya.” Bigla nitong natakpan ang bibig dahil sa pagkakadulas ng dila. “Naku sir huwag niyo akong isusumbong ha.”

“It’s alright Melody huwag kang mag-alala hindi naman kita ipapahamak sa kaibigan mo. Salamat ha. Kita na lang tayo next week.” Hindi nawawala ang ngiti sa labi niya kahit naaalarma na siya.

 Pagkaalis nito ay tumayo na rin siya agad. Sinubukan niyang tawagan si trixie. Nakuha niya ang numero nito sa records ni Mr. Osorio pero walang sagot, cannot be reach.

Nagmamadali siyang umalis. Hahanapin niya ito at kung kinakailangang gulagurin niya lahat ng bar at restaurant sa Malate gagawin niya para makita lang ito. Kinabahan siya nung sinabi ni melody na hindi mapagkakatiwalaan ang lalaking kasama nito.

  

Sa isang bar nakipagkita si Trixie sa manliligaw na si Toby. Ito ang nagsuggest ng lugar at pumayag na lang siya tutal siya naman ang may kailangan dito. Dahil biyernes medyo maraming tao kahit past 7 pa lang ng gabi.

“Madalas ka ba rito?” Tanong na lang niya para masimulan lang ang usapan. Nag-aya kasi agad itong sumayaw pagkadating pa lang nila kaya hindi siya makahirit sa kailangan niyang limang libo dito.

“Every weekend dito ako pumupunta. Kilalang-kilala na ako dito. Kilala ko rin kasi ang may-ari ng bar na ito” pagyayabang pa nito.

“Ah okay.” Ininom niya ang inorder na orange juice. Hindi na siya nagtanong pa dahil baka liparin na siya a kayabangan nito. Lahat na yata na sikat na tao ay kilala raw nito.

“Wala naman tama yang inorder mo.” Tukoy nito sa iniinom niyang juice. Tumawag ito ng waiter at umorder ito ng drinks na hindi niya alam kung ano. “Alam mo trixie im so happy na pumayag kang lumabas kasama ko at ako pa ang una mong naisip na hingan ng tulong.”

“So matutulungan mo ba talaga ako.” Diretsahang tanong niya agad bago pa siya mawalan ng pagkakataon.

“Oo naman nagwithdraw na nga ako kanina sa ATM kahit sampung libo pa yakang-yaka.” Pagmamalaki nito.

Napangiti siya doon. “You’re heaven sent.”

“Buti naman at yon na ang tingin mo sa akin ngayon.” Biro pa nito.

“Alam ko namang mabait ka.” Pambobola niya dito.  Dumating ang inorder nitong drink at inabot yon sa kanya.

“Try it.” Uminom naman siya. Hindi siya mahilig uminom dahil hindi niya talaga gusto ang lasa ng alak pero yung pinainom sa kanya ni toby ay hindi mapait. Para lamang yung juice kung tutuusin na may konting pait.

“Ang sarap naman nito.”

“Sabi ko sayo. Ladies drink lang yan. Kahit makasampu ka hindi ka malalasing. Umorder ka hanggang gusto mo.”

Umorder pa nga siya. Masarap pala talaga kapag mahal ang inumin. Tuloy-tuloy lang siya sa pag-inom habang nakikinig sa kuwento ni Toby.

 “Oo nga pala kailangan ko na yung pera.” kahit medyo hilo hindi niya puwedeng kalimutan ang dahilan ng pagsama niya dito.

Kinuha naman nito ang wallet at nilabas ang pera.

“Ito na ang pera” at inabot nito sa kanya ang five thousand.

“Maraming salamat.” Tatayo sana siya para magbanyo pero muntikan na siyang matumba. Tumayo naman agad si toby para alalayan siya.

“Lasing na yata ako.” Hindi naman ganoon karami ang nainom niya.

“Sorry hindi ko alam na hindi ka sanay uminom. Gusto mo ihatid na kita?” tanong nito pero may gumuhit na ngisi sa labi nito na hindi na niya napansin dahil sa sobrang hilo.

Tumango na lamang siya.  Hindi na niya alam kung ano ang eksaktong nangyayari basta ilang sandali pa ay napunta na siya sa loob ng kotse nito. Hindi rin niya alam kung saan sila pupunta.

Nagmamadali si Derek sa pagpapatakbo ng sasakyan. Napapamura siya tuwing naiipit siya sa traffic. Talagang nuknukan  ng pasaway si Trixie. Mas pinili pa nito ang makipagdate sa isang shady character ayon na rin sa kaibigan nito kesa iconsider ang suhestyon niya. At ngayon nga iniisa-isa niya lahat ng bar at restaurant sa Malate para lang makita ito.

“Nasaan ka na Patricia?” Hindi niya alam kung bakit pero kinakabahan talaga siya. Noon kahit alam niyang mapanganib binabalewala niya o kaya ay hindi niya pinapansin ang intuition niya pero iba na ngayon.

Nang hindi pa rin niya ito makita ay napagpasyahan niyang tawagan si melody para utusang tawagan si Trixie at nang maitanong dito kung nasaan ang huli. Hindi pa rin kasi sumasagot si Trixie sa tawag niya. Wala na siyang pakialam kung magtaka man ito sa pagiging masyado niyang concern.

Nagpark muna siya bago kinuha ang cellphone nang mapansin niyang may lalaking palabas ng isang bar. May inaalalayan itong babae. Masyado pang maaga para may lumabas nang lasing sa isang bar kaya nagduda siya. Bumaba siya ng kotse para sipating mabuti ang lumabas at doon nga niya nakita si Trixie halos wala nang malay.

“Shit!” Nakasakay na sa kotse ang lalaki at paalis na kaya bumalik siya sa loob ng kotse para sundan ito. Sa itsura pa lang nito alam niyang nasa panganib ang dalaga.

 

Halos hindi na mabukas ni Trixie ang mga mata niya. Tahimik na nagdadrive si Toby. He is too quiet Gusto niyang sabihin dito na gusto na niyang bumaba. May nararamdaman na siyang panganib. Pero ni hindi na siya makapagsalita ni hindi siya makakilos. Ganoon ba talaga kalakas ang tama ng alak sa kanya?

Ilang sandali pa ay huminto na ang kotse. Hindi niya alam kung nasaan sila at wala na talaga siyang lakas. Pilit niyang nililiwanag ang isip pero hirap talaga siya.

She couldn’t even struggle nang ibaba siya nito sa kotse. Para lang siyang lantang gulay. Basta ang alam niya ay pinasok siya nito sa isang silid. Parang gusto na tuloy niyang maiyak alam niya na she’s in grave danger pero wala siyang magawa. Bakit hindi siya nag-ingat? She knew toby can’t be trusted. Siya mismo ang naglagay sa sarili niya sa alanganin. Pinilit niyang tumayo ng ihiga siya nito sa kama pero hindi niya talaga magawa. Binukas niya ang mga mata at pilit na nagsalita. Nakatingin siya kay toby na nakangisi at naghuhubad na ng damit.

Diyos ko tulungan niyo ako. Dad help me. Yun na lang ang sinisigaw ng isip niya. Pagkatapos ay pinikit niya ang mga mata.

Patakbong pinasok ni Derek ang motel na pinagdalhan kay trixie. Hindi niya agad naabutan ang kotse dahil medyo malayo ang naparadahan niya kanina. Sobra din ang traffic buti na lamang at medyo kabisado niya ang lugar.

Pinuntahan niya agad ang receptionist pagkadating na pagkadating pa lang niya.

“May nakita ba kayong lalaki at babaeng pumasok dito?”

“Sir ahmm karamihan po lalaki at babae ang pumapasok dito.” Gusto niyang sunggaban ito sa pagiging pilosopo pero pinigilan niya ang sarili. Kailangan niya ang tulong nito.

“Lasing na yung babae at yung lalaki medyo payat. Malamang sila yung huling pumasok. Naglabas siya ng isang libong buo at inabot yon sa lalaki. I need to find their room fast. The girl is my sister.” Pagsisinungaling niya.

Tinanggap nito ang pera at itinuro nito ang kuwarto. Hindi pa man ito natatapos magsalita ay nagmamadali siyang tumakbo papunta sa silid. Hoping na wala pang ginagawang masama yung lalaki kay trixie kung hindi malamang ay makapatay siya ng wala sa oras.

Nang makita niya ang pinto ay dali-dali niyang binuksan ng puwersahan kahit hindi yon nakalock. At kitang-kita niya si Trixie nasa kama halos walang malay. And then he saw the guy aktong naghuhubad.  Sa sobrang galit ay sinugod niya ito At itinulak hanggang sa nasa likod na nito ang pader. Nasa leeg nito ang mga kamay niya kaya halos hindi na ito makahinga. Pinipilit nitong kumawala pero mahigpit ang hawak niya dito.

“Toby ang pangalan mo diba?” galit na galit na tanong niya dito. Tumango lang ito habang  nanginginig sa takot. “Makinig kang mabuti sa akin toby. Kapag inulit mo pa ito I’m gonna hunt you down castrate you and feed your balls to the dogs. Naiintindihan mo ba?” Halos bulong lang yon but the anger in his voice is evident. So sobrang takot naihi ito sa pantalon. He let go of him bago pa niya ito mapatay sa sakal at pagkatapos ay nagmamadali itong tumakbo palabas ng kuwarto. 

Si Trixie naman ang hinarap niya. It seems that she’s half awake. Bukas na ang ilang butones ng blouse nito.

“Patricia talk to me, are you okay?” alalang-alalang tanong niya dito. Lasing na lasing  talaga ito. Pero dumilat pa ito at tiningnan siya.

“Y-you saved me.” bulong nito.

Mahigpit niya itong niyakap nang malaman niyang okay lang ito. He never felt more relieved nang malaman niyang maayos ang lagay nito. Nang mahimasmasan siya ay binutones niya ang blouse nito at isinuot niya dito ang jacket niya. Hindi nito kayang tumayo kaya inalalayan na niya ito palabas.

“Sir okay lang ba siya?” tanong ng lalaki sa reception na sumunod pala sa kanya.

“She’s fine salamat sa tulong” at pagkatapos ay binigay niya dito ang limang libo na nakita niya sa gamit ni Trixie. Mamaya na lang niya ito kakausapin tungkol sa pera. Nagtataka siyang may pera na itong pambayad sa kanya.

Nang maisakay na niya ito sa kotse ay ilang segundo rin siyang nag-isip kung saan niya ito dadalhin. Alam niya kung saan ito nakatira pero hindi niya ito puwedeng ihatid ng lasing. At sa tingin niya ay pinainom din ito ng gamot kaya hilong-hilo ito. Napagpasyahan na lang niyang tawagan si Jon. “Pinsan I have a favor to ask. Puwedeng pakitawagan yung mother ni Patricia sabihin mo bukas na siya makakauwi. Ikaw na ang bahalang magdahilan I’m sure you can think of something.”  Pagkatapos ay binaba na niya ang telepono. Tiningnan niya uli si Trixie na tuluyan nang nakatulog. Laki ng pasasalamat niyang naabutan niya itong ligtas. Hindi niya mapapatawad ang sarili kung may nangyaring masama dito. Pagkatapos niyang lagyan ito ng seat bealt  ay mabilis na nga niyang pinaandar ang kotse. He decided to just take her to his pad.

Itutuloy…

 

Advertisement
Advertisement

All Rights Reserved ©