Advertisement

Chapter 35 – He’s Still The Man I Love

Javi’s POV

3 days had passed and Kuya Gelo is already awake. Nagising din s’ya kinabukasan after ng operasyon n’ya. nandito na din si Papa at tuwang tuwa na may halos inis nung nalaman na may anak si Kuya Gelo. Hindi na din daw kasi bumabata si Kuya kaya masaya s’ya na may Lance.

Tatlo na daw ang apo n’ya at puro lalaki. Pinagalitan pa nga si Kuya nang nalaman na pinagtabuyan ni Kuya si Ate noon. Tiklop si Kuya eh.

“Naku Angelo Lance! Ung galit ko kay Louie nung nabuntis n’ya si Javielle, sobra pero hindi pala dapat dahil ikaw din pala ay may ginawang kagaguhan,” inis na sigaw n’ya kay Kuya. Agad ko naman s’yang nilapitan.

“Pa, May mga bata,” bulong ko sa kan’ya natawa lang naman sila Kuya dahil sa reaksyon ni Papa. Wala din naman kasi si Louie ngayon dahil may visit s’ya sa site nila kaya si Papa ang bantay nung dalawang bata pero pupunta din yun dito mamaya.

“Pa naman. Tapos na po yun. Hindi ko na gagawin. Pag galing na pagaling ko dito. Mag papakasal kami ni Alice. Promise,” saad naman ni Kuya with taas kamay pa. Tinignan naman namin si Ate Alice na nahiya bigla dahil sa sinabi ni Kuya.

“Siguraduhin mo lang dahil itatakwil kita,” biro ni papa sa kan’ya na sinegundahan ko naman.

“Itakwil! Itakwil! Itakwil! Aray! Joke lang!” biro ko pero bawi din dahil binato ako ng unan ni Kuya. “Asar talo!” asar ko sa kan’ya at akmang babatuhin ako ng apple pero nakapagtago agad ako sa likod ni Papa.

“Alice, anak. Wag kang mahiyang magsabi pag may ginawamg kalokohan itong si Gelo ah. Kahit hindi pa kayo kasal. You are part of the family,” saad ni Papa at ngumiti kay Ate Alice.

“Salamat po, Tito,” saad n’ya na biglang nagpasimangot kay Papa.

“Papa dapat, hindi Tito,” sagot naman ni Papa kaya sila Kuya Liam. Kinantyawan si Ate Alice. “Ikaw, Kiefer? Kailan ang kasal?” tanong n’ya kay Kuya Kie na bumusangot bigla.

“Pa! Paano magpapakasal wala ngang jowa yan si Kuya Kiefer,” natatawa kong komento.

“Wala kang girlfriend? Lagi kang nasa ibang bansa hindi ka naghahanap do’n?” tanong ni Papa na parang inuudyukan si Kuya Kie na mag jowa na.

“Tito, ayoko ng mga taga do’n! Gusto ko pilipina, katulad ni Nurse Joy,” saad n’ya at parang inimagine si Joy. 

Sakto naman na nagkakatuwaan kami ng pumasok si Nurse Joy.

“Hi Doc. Kunin ko lang po ung vitals ni Sir,” saad n’ya sa akin kaya tumango ako.

“Kahit kunin mo na din s’ya okay lang, Joy. Ay hindi pala pwede may pamilya na pala yan. Eto na lang,” biro ko kay Nurse Joy sabay turo kay Kuya Kie na kumindat. Natawa lang naman si Nurse Joy. “But I’m just kidding! Lagot ako kay Valencia pag nireto kita dito,” biro ko ulit.

“Okay na, Jav eh. Binawi mo pa,” saad naman ni Kuya Kie na nakasimangot. “Boyfriend mo pala si Val, Nurse?” tanong n’ya kay Nurse Joy.

“Ahm… Opo,” saad nito na nahihiya pa.

“Ow ‘tol! Olats tayo!” biro ni Kuya Van. “Bagal mo kasi eh!.”

“Dami daming chiks na aaligid dyan noon, ngayon niisa sa mga yun. Hindi mahagilap,” biro din ni Kuya Liam.

“Mga sira ulo! Dadating din yun,” saad n’ya at parang proud na proud na mag aantay s’ya.

“Baka naman may nabuntis ka sa isa sa mga yun at hindi mo sinasabi ah! Hahanapin din namin para sayo,” mapanloko na sabi ni Kuya.

“Wala ‘tol! May protection to,” saad n’ya kaya natawa kami, si Papa naman naiiling lang sa biruan namin.

Natawa na lang din si Nurse Joy samin habang kinukuhaan si Kuya ng mga vitals. After kuhaan ng vitals si Kuya palabas na sana si Joy ng biglang nagsiren at ang ibig sabihin ng siren na yun ay Code Blue. Kaya naman napatayo ako nang maayos.

‘Calling all the medical personnel.. we have code blue! I repeat we have code blue! Kindly go to the emergency entrance.’

Code blue means there’s a severe emergency na paparating sa hospital at kailangan lahat ng medical personnel do’n.

“I have to go. Mamaya na lang po. Pabantay na lang po muna sila Jash,” paalam ko sa kanila at humalik sa pisngi nung mga anak ko at nagpaalam kila papa. “Let’s go, Joy,” saad ko kay Joy na inaantay ako.

Nagmadali kaming bumaba sa emergency room at kahit nakaforce leave ako I still need to be here. Inabutan ako ni Joy ng doctor’s gown at sinuot yun. I also got my id and we already at the emergency, lumapit muna ko sa head ng emergency area namin.

“Dr. Baron. I’m reporting,” saad ko

“Fernandez! Buti nasa hospital ka. Let’s go,” saad n’ya kaya sumabay na din kami. At pagdating namin ng entrance ng emergency ang daming mga nakapang construction na mga sugatan. Dahil do’n nililukob ako ng kaba. 

Si Louie!

“Anong nangyari?” tanong ko habang kinukuha ung isang pasyente na nakahiga sa hospital bed at may sugat sa braso.

“May bigla daw nagbagsakan sa isang construction site dito sa ginagawang building. Hindi ata maayos ung pagkakastack ng materyales,” saad ng nurse na kasama ko kaya mas kinabahan ako.

“Sa may Duelista Building ba yang sinasabi mo?” tanong ko at tumango s’ya. “Kaya mo naman to ‘di ba? Ung asawa ko s’ya ung engineer do’n… Hahanapin ko lang,” saad ko at nagmamadaling lumabas ulit.

“Val! Nakita mo si Louie?!” tanong ko nang makita ko s’yang nag aabang pa ng ambulansya.

“Wag mong sabihing nando’n s’ya?!” tumango ako kaya nanlalaki ung mata n’ya.

“He’s the engineer there,” mabilis na sabi ko

“Shit! May tatlong engineer na napuruhan eh. Sabi kanina ng emergency team. Wait! Itatawag ko. May mga sugatan pa sa site,” saad n’ya kaya hindi ko napigilang umiyak.

“Val! Ung asawa ko!” singhal ko na lang at nagpunas ng luha.

“Relax.. sana, wala s’ya sa napuruhan,” saad n’ya at hinimas ung likod ko.

Naalala ko tuloy ung sinabi n’ya kaninang umaga ng ihatid n’ya kami dito ng mga bata.

‘Mahal na mahal kita, Loe. I’m happy that you are my wife.’

Wag naman! Hindi n’ya pa alam na buntis ako! Tsk! Nagdatingan naman ung mga ambulans’ya at hindi ako pwedeng mamili lalo na may isang pasyente na mas kailangan ang tulong ko.

He had so many wounds na kailangang istitch. Meron pa siyang hiwa sa braso at may tira pa do’n na yero kaya naman. Nagmadali kaming pumasok.

‘Love… Sana okay ka lang… Please… Hindi namin kakayanin ng mga anak mo…’

Madali naming pinasok ang emergency room at nagtungo sa isang kama do’n. do’n inumpisahan ang panggagamot. Pero hindi pa din nawawala ung kaba ko. Tinanggal ko muna ung yero na natira tapos nilinis ung sugat na yun. Halos mapuno ng sigaw ng sakit ung ER dahil sa mga sigaw nila. Matapos kong linisin, tinahi ko na din at nilagyan ng benda. Pagkatapos ko, tumulong ako sa kabilang bed na maraming sugat.

Habang nagtatahi ako ng sugat, tinawag ako ni Kai.

“Doc, nakita na namin si Engr. Fernandez,” saad n’ya kaya napalingon ako sa kan’ya. 

Nilikob ako ng kaba nang sakto may machine na tumunog na signal na tumigil ung heart beat ng pasyente. Kaya nagmadali akong pinuntahan yun at hindi ko na namalayan na umiiyak na ko. No!

——————

Advertisement
Advertisement

All Rights Reserved ©