Advertisement

Chapter 34 – He’s Still The Man I Love

Javi’s POV

Today is Kuya Gelo’s surgery at katulad ng napagpas’yahan ni Diretor Lopez. Hindi ako ang mag oopera sa kan’ya, also the hospital gave me a force leave! 5 days! Wala akong nagawa kahit ang dami ko nang pinaglaban about do’n. Masyado daw personal sa akin kaya yun ang ginawa ni Director.

Gumawa ng paraan si Rylite para mapagaan ang loob ko. yung dating team namin ang kinuha n’ya na Team. Si Rylite, si Valencia, Jandee, Kai at Joy ang kinuha n’ya. Kaya naging palagay ako. Hindi naman tumutol si Director pagdating do’n.

yung force leave ko sinakto pa ng Hospital na araw mismo ng operation ni Kuya. Kaya heto ako at nakaupo sa couch habang naka surgical uniform pa. Dahil kakatapos lang ng duty ko at may inoperahan ako. Napaka daya talaga! Hanggang ngayon nagdaramdam pa din ako. 

“Good morning po,” bati ni Kai nang pumasok s’ya sa kwarto ni Kuya. “Hi Doc Javi, kakatapos lang ng duty mo?” Nakangiting tanong n’ya.

“Yep! 5 mins ago,” nakangiting usal ko din. “Nakaduty ka pa? Dapat hindi na ‘di ba?” tanong ko. 

Ganun kasi yun pag nasa team ka ng magsusurgery.

“Half day lang po. Mamaya, magpeprepare na din ako. Mamaya din po pupunta dito si Dr. Valdez kasama yung team,” saad n’ya at lumapit kay Kuya na nakatingin samin. “Check ko lang po vitals n’yo, Sir,” saad n’ya kay Kuya.

“Sure,” tugon naman ni Kuya. Kaya inumpisahan na ni Kai. After nun nagpaalam na din s’ya.

“Dito na po ako,” paalam n’ya kila Kuya. “Doc Javi, Tulog ka na! Bye.. balik po ako mamaya,” paalam n’ya din sa akin tumango lang ako na nakangiti.

“Tulog ka muna, Javielle. Mamaya pa naman siguro dadating sila Dr. Valdez,” saad ni Kuya.

“Hindi naman ako inaantok, Kuya. Gusto ko lang humiga. Magpapalit pa din ako ng damit. Sa totoo lang naamoy ko pa yung dugo nung inoperahan ko kahit halos ipinaligo ko na yung alcohol,” saad ko, natawa lang sila Kuya dahil sa sinabi ko.

Nagkwentuhan lang kami. Si Kuya Kiefer lang ang wala samin dahil kakauwi lang n’ya kaninang madaling araw at mamaya na daw pupunta. Si Jash at Levin naman nakila Daddy Marcus, do’n muna nags-stay. Si Ate Alice naman umuwi saglit kasama si Lance dahil dito sila nagpalipas ng gabi at kami naman ang magbabantay.

Alas dos na ng dumating sila Rylite. At kumpleto sila! Nakapagpalit na din ako ng damit dahil naglalagkit talaga ako kanina eh. Nandito na din si Ate Alice, si Lance iniwan din kila Mommy.

“Hi po, Good Afternoon,” bati ni Rylite tapos tumingin sa akin. “Hoy! Nakaforce leave ka bat andito ka?” tanong n’ya. Inirapan ko lang naman s’ya.

“Ry, minsan wag t*nga. Kuya ko yung ooperahan mo ‘no?! Malamang nandito ako,” iritableng usal ko sa kan’ya. Natawa naman sila Jandee.

“Akala ko masyado mo nang mahal ang hospital eh. Baka ikaw na ang susunod na director natin,” pang aasar n’ya sa akin at nginisian pa ko.

“Pag nangyari yun, lumayas ka na dito sa ospital!” saad ko. “Buti natitiis ka ni Jandee.”

“Aba naman! Sa gwapo kong to. Pagpapalit pa ko,” saad n’ya at tumingin kila Kuya. “Wait ka nga! Mamaya tayo magrambulan ulit. Pasyente muna,” saad n’ya at lumapit na kay Kuya na natatawa lang. “Hello po. Ako po si Dr. Valdez and this is my team. Nurse Joy, Nurse Kai, Dra. Lopez and Dr. Victor,” pakilala n’ya Kila Jandee.

“Hala! Akala mo talaga mabait!” bulong ko pero narinig ni Val dahil halos katabi ko lang kaya natawa s’ya.

“That’s bad!” saad n’ya nag peace sign na lang ako. 

Nagpaliwanag lang si Ry ng mga gagawin at mga possibly tapos kinumusta si Kuya. Nakikinig lang naman ako dahil alam ko naman yung gagawin nila.

After nilang icheck si Kuya, bago sila mag paalam na din sila at nag sabi na mag standby ako.

Sinabi ko lang kila Kuya yung pagiging stand by surgeon ko tapos lumabas ako para icheck yung mga tools. Nakipag Kwentuhan pa ako kila Kai.

Gabi na at malapit na yung surgery ni Kuya kaya eto ako at chineck na s’ya. Nandito na din si Kuya Kie.

“‘Tol! Walang hintuan ng puso ah!” saad ni Kuya Van.

“Oo! Hindi hindi. Nandito na yung puso ko eh,” saad ni Kuya sabay tingin kay Ate Alice na nag aasikaso ng mga gamit dahil pinunasan si Kuya.

“Ang baduy, Dude! Pero sige na,” saad lang ni Kuya Liam. Napailing na lang ako habang busy sa pag aayos ng dextrose n’ya.

“Basta Kuya, lumabas kang buhay,” saad ko at tumingin sa kan’ya. “Hihintayin ka namin.” Dagdag ko pa.

“Opo. But if not please… Take care of my family, Javi. Lalo na si Lance,” saad n’ya at ngumiti na din sa akin. Nahampas ko naman siya bigla.

“Lalabas kang buhay! magtiwala!” saad ko at ngumiti lang si Kuya.

‘Di naman nag tagal dumating na si Kai at Valencia para kunin si Kuya.

“Relax! Kami bahala,” saad ni Val sa akin at ginulo pa yung buhok ko. Nakarinig naman ako nang pagtikhim sa likod ko. Yung asawa ko! “Ay sorry,” dagdag n’ya pa kaya natawa ako.

“Salamat Valencia at Kai! Pagnawawala sa focus si Ry, pakibatukan,” paalala ko sa kanila na ikinatawa na lang nung dalawa.

“Areglado, Doc Javs! Dito na po kami,” natatawang usal ni Kai tapos nag tuloy tuloy na.

Sumunod naman ako at naupo sa waiting area. ‘Di kalaunan nakita ko na si Ry na papunta sa operating room. Biglang huminto nang makita ako.

“We will do anything,” nakangiting usal n’ya, ngumiti din ako.

“I know! Thank you, Ry,” tugon ko.

“Salamat Ry,” rinig kong usal ni Louie, na nasa gilid ko at nakaakbay sa akin. Magkakilala naman sila ni Louie dahil ninong ni Lev si Ry at alam n’ya kung paano kami magrambulan ni Ry.

“Wala yun pre! Dito na ko, pagpray n’yo kami,” nakangiting usal n’ya, tinanguan lang namin s’ya kaya naglakad na s’ya papasok.

Naupo na lang kami ulit at nag aantay. Katabi ko si Ate Alice na alam kong nagdadasal sa kaligtasan ni Kuya. Nakaakbay naman sa akin si Louie at nakayakap ako sa kan’ya.

“Tulog na kaya yung mga bata? Tawagan kaya muna natin?” tanong ko kaya kinuha n’ya yung phone n’ya and he dialed Louis number. Sumagot naman agad.

[Papa! Is Tito Gelo, okay now?] bungad na bati ni Jash. Naririnig ko pang sumisigaw din si Lev. Mukhang hindi pa makatulog yung dalawa.

“Nope, Bud. But he’s now in the operating room. Tito Ry is the one who operates him,” tugon naman ni Louie.

[Ow… Nasaan po si Mama?] tanong ni Jash kaya sumagot na ko.

“I’m here, Jash. Why are you two not sleeping yet? It’s already late,” tanong ko.

[We can’t sleep pa, Mama.] usal n’ya at nagtuloy tuloy pa ang usap namin habang inaantay si Kuya. Natapos naman yung tawag dahil inaantok na daw yung dalawa kaya nagpaalam na kaming mag asawa.

Dalawang oras ang tinagal bago ko naaninag na may lumalabas na galing sa operating room.

Nakita ko si Ry at Valencia na naglalakad, napatayo oa ko dahil nga nakita ko sila. Pagkita nila sa akin sabay pa silang kumindat. Kaya naman nakarinig ako ng bulong galing sa asawa ko. 

“Parang ang sarap bumasag ng mukha ng dalawang doctor.” nanggigil na bulong n’ya. Siniko ko lang s’ya dahil palapit na samin yung dalawa. Nasa unahan ko si Ate Alice at s’ya ang kakausapin, makikinig lang kami nila Lou.

“Hello po. Successful po ang operasyon na ginawa kay Mr. Manliquez. He will transfer to his room in a minute.” nakangiting usal ni Ry samin.

Para naman kaming lahat nabunutan ng tinik dahil sa sinabi n’ya. Yes! Successful! Sana hindi na bumalik ulit. Sana natanggal ni Ry lahat.

“Salamat po Doc. Salamat po talaga,” saad ni Ate Alice at humarap sa akin na umiiyak. “Javi… Successful daw… Tuloy tuloy na to ‘di ba?” tanong n’ya sa akin kaya tumango ako. Hindi nga nagtagal lumabas sila Kai dala si Kuya. Kaya naman sumunod na si Ate Alice sa kanila. Kaming lima ang naiwan kasama yung 2 doctor.

“Thank you, Ry and Val.” pasasalamat mo sa kanila. Ngumiti lang sila sa akin bago nag paalam pero inasar pa ako bago sila tuluyang umalis.

“Una na din kami, Doc Javi,” paalam na din samin nila Ry habang natawa. “Pasensya na, Engr!” haobl nito kay Louie dahil may binanggit itong isa na nagpasimangot sa akin.

“Love! Hindi yon yung ibig kong sabihin. Mahal kita kaya pag titiisan kita kaya wala akong choice,” saad n’ya habang hinahabol ako dahil naglalakad na din ako papuntang kwarto ni Kuya.

“So kung may choice ka nga na magmahal ng iba magmamahal ka at hindi mo ko pagtitiisan?!” inis pa din na usal ko.

“As if naman may mahanap akong mas sayo! Eh ikaw pa nga lang sobra sobra na. Tss! Ang sensitive mo ngayon… Buntis ka ba?” tanong n’ya na nagpatigil sa akin. Pati s’ya natigilan. “Buntis ka nga?” tanong n’ya ulit.

“Hindi! Natigilan ako kasi nanggigil ako sayo ng sobra,” saad ko at naglakad ulit.

“Akala ko pa naman, may kapatid na si Lev at Jash,” nanghihinayang usal n’ya tapos tumingin sa akin..

“Gusto ko din,” saad ko tapos tumingin s’ya sa akin na parang hindi makapaniwala.

“Seryoso? But you promised to us na pag nagkaroon ng kapatid sila Jash ulit. You will quit to your job at babalik pag malaki na yung bunso,” paalala n’ya.

“I know! That’s why I want to have another. I want to rest for awhile. Masyado na din akong nabubusy sa trabaho at hindi ko kayo naasikaso nila Jash. Maybe I can volunteer na lang muna sa mga charity event and others. yung hindi ako obligado na pumunta araw araw at iwan kayo,” saad ko at ngumiti sa kan’ya.

“Okay! If that’s what you want, tara uwi na tayo at gumawa ng kapatid nila Jash. Sakto wala yung mga bata.” Hila n’ya sa akin na ikinatawa ko lang pero hinampas ko yung kamay n’ya.

“Sira! Punta muna tayo kila Kuya. kuya muna bago harot!” saad ko at hinila na s’ya papunta sa kwarto ni Kuya, natawa lang s’ya pero nagpahila na din.

The reality is… I’m pregnant and I don’t want to tell it earlier hanggang hindi pa nagigising si Kuya. And gusto ko kumpleto kaming lahat. Alam ko kasi uuwi si Papa dito. So I can prepare dinner for all of us. Para sa successful operation ni Kuya at ni Lance at para na din sa pagbubuntis ko. I’m 1 month pregnant. Kaya naghahanap ako ng charity and mission na about sa medical ang ginagawa so I can help. Kaya din yun ang gusto ko dahil kahit paano masasama ko yung mga bata.

Tinignan ko naman si Louie na hawak hawak yung kamay ko. Nakangiti ng sobrang lapad at akala mo nanalo sa lotto. Wala pa nga kaming ginagawa gan’yan na s’ya. Nakalusot kasi ang loko! I’m using a pills naman pero nung araw na ginawa namin yun. That’s the day na kakauwi ko lang galing trabaho and I’m the one who provoked na may mangyari samin, namiss ko s’ya eh and hindi pa ko uminom ng pills nun. So ayan! Nakabuo na naman si Engineer.

“I love you, Louie,” saad ko habang nakatingin sa kan’ya.

“I love you too, Lorraine.” nakangiting usal n’ya at inakbayan ako.

—————

Advertisement
Advertisement

All Rights Reserved ©