Javi’s POV
Nandito ako sa bahay namin nila Kuya at kaharap ko ngayon si Kuya habang si Ate Alice ay umiiyak. Pinapunta ako dito ni Kuya dahil gusto daw ako makausap ni Ate Alice about sa sakit n’ya.
2 weeks na ang nakalipas nung New Year at next week na ang surgery ni Kuya.
Sinabi na din n’ya kay Ate at ayaw maniwala nito kaya pinapunta n’ya ko. Naawa ako kay Ate Alice, nasaksihan ko din kasi silang mag usap ng about sa nangyari sa kanilang dalawa noon at kung gaano pa nila kamahal ang isa’t isa.
“Don’t cry too much, Alice. Hindi pa naman ako mamamatay. Magaling yung surgeon ko, right?” usal ni Kuya habang nakatingin sa akin.
Eto na naman tayo! Inirapan ko lang si Kuya kaya natawa s’ya.
“Hindi ko hahayaan na may mangyaring masama sa kan’ya, Ate.” pagpapagaan ko ng loob ni Ate Alice.
“I know that. But what if your heart stop again? Maaagapan pa ba yun?” tanong n’ya kay Kuya.
“Maaagapan pa yun, Ate! Hindi mamamatay yan si Kuya. Masamang damo yan eh,” saad ko kaya naman nakatikim ako ng unan kay Kuya.
Binato ako ng unan!
‘Di naman ako nagtagal do’n dahil kailangan nilang mag usap dalawa ng sila lang. Buti nga at wala si Lance sa bahay.
Wala akong pasok ngayon dahil nagpaleave ako ng 2 days. Kaya susunduin ko lang si Levin tapos pupunta kami kay Papa n’ya, si Jash naman may pasok at maghapon yung school n’ya. Kaya mamaya pa yun.
Pagdating ko ng bahay, nakita ko agad si Levin na naglalaro sa playpen nila ng Kuya n’ya.
“Hi Baby L,” bati ko sa kanya tumingin lang naman siya sa akin tapos ngumiti. Si Levin mas kamukha ko pero mas kaugali ng tatay n’ya.
Kinuha ko lang yung mga gamit n’ya sa yaya n’ya tapos nilagay s’ya sa baby sit ng kotse. Tapos nagdrive na ko papuntang office nila Louie.
Pakapark ko, binuhat ko na lang si Levin at pumasok na sa office. I welcomed by the front desk.
“Good Morning Dr. Fernandez,” bati n’ya sa akin kaya binati ko na din s’ya tapos naglakad na ko ulit.
Habang paakyat naman kami nakasabay namin si Dad sa elevator. Bahagya pa s’yang nagulat dahil nando’n ako. Minsan lang naman kasi kaming pumunta dito. I mean ako pala dahil nga lagi akong may tawag sa ospital. May mga kasama din s’ya na siguro mga kameeting n’ya.
“Ow.. Javi, napadaan kayo? Wala kang pasok, anak?” tanong n’ya. “Hi Baby Levin. Nasaan ang Kuya Jashua?” bati n’ya kay Lev at binuhat.
“Wala po akong pasok. Nagleave po ako. Si Jash po nasa school pa,” tugon ko naman tumango tango naman s’ya.
“Did Louie know that you’re going here?” tanong n’ya sabay harap sa mga kasama n’ya. “Oh! By the way, This is Dr. Javi Fernandez. Louie’s Wife, my daughter-in-law. Minsan lang siya pumunta dito because of her duty,” pakilala n’ya sa akin sa mga kasama n’ya. Binati naman nila ako kaya bumati na din ako.
“Nice meeting you din po,” saad ko at sakto naman na nando’n na kami sa floor ng office ni Louie. “Dito na po kami,” saad ko at ibinigay naman ni Dad si Levin.
“Ingat kayo. Dumaan kayo sa office pag aalis na kayo. Okay?” bilin n’ya kaya tumangon na lang ako at magpasalamat sa mga kasama n’ya.
Naglakad na ulit kami ni Lev deretso sa office ni Lou. Pagpasok namin sa department n’ya, agad naman kaming pinagtinginan at medyo nagkakagulo sila. Wala naman gaano nakakakilala sa akin dito dahil nga minsan lang ako dito tapos saglit lang din.
“Hi! Ahm! Nandyan si Louie sa office n’ya,” tanong ko. “Dr. Fernandez pala,” pakilala ko baka sakaling magkaclue sila na asawa ako.
“Hi po. Dr. Fernandez, nandyan po si Engineer sa loob,” saad nung isa sabay turo sa pinaka office ni Lou. Ngumiti na lang ako.
“Ow! Thank you,” tugon ko at lumakad na ulit papunta sa pinaka office ni Louie.
Bakit kaya parang nagkakagulo sila?
Pagtapat ko sa pinto, kumatok ako agad at nakarinig ako ng sigaw ng leon. Kaya napalingon ako sa mga tao sa labas.
“Sabing ayokong may kausap na iba eh!” saad n’ya kaya pati si Lev nagulat pero tumingin lang sa akin.
“Anong meron?” tanong ko do’n sa isang lalaki na nakatingin sa akin.
“Naku, Doc! May client po kasi na galing dito kanina, babae tas paglabas na lang po nu’n, galit na si Engr,” saad n’ya kaya tumingin ulit ako do’n sa pinto ni Louie. “Balik na lang po kayo, Doc,” saad naman nun.
Tinignan ko naman s’ya at ngumiti. “No. It’s fine. Kakatok na lang ako ulit,” saad ko at kumatok na nga ulit. Nakarinig ako nang mabibigat na yabag papunta ng pinto kaya yung kasama ko kanina, tinakpan ako. Hindi naman ako sasaktan ng asawa ko.
Pagbukas ng pinto salubong na kilay ni Louie ang naaninag ko. Ano kayang ginawa nung babaeng client n’ya?
“‘di ba sinabi kong ayoko ng kausap? Bakit ang kulit?!” inis na usal n’ya do’n sa nakaharang samin.
Sasagot na sana yung lalaki nang biglang sumigaw si Levin nabuhat buhat ko. Sa sobrang init ng ulo n’ya hindi n’ya kami napansin.
“Papa!” sigaw ni Levin kaya napatingin si Lou sa likod niya at biglang lumambot ang itsura n’ya.
“Sila po yung nakatok, Engr,” saad nung lalaki tapos nagkamot ng likod. “Paalisin ko na lang po.”
“No, it’s okay. Mag ina ko ‘yan kaya okay lang. Gusto mo ikaw ang paalisin ko?” usal n’ya kaya bahagyang nagulat yung lalaki na napatingin sa akin. Ngumiti muna ko sa kan’ya bago pinandilatan si Louie na ngumiti lang.
“Sorry po, Doc,” saad n’ya.
“It’s okay. That’s the reason I keep on bugging him,” dagdag ko pa. Tapos lumapit na kay Lou na kinuha si Lev.
“Why you didn’t call me, baby?” Kalmadong tanong n’ya sa akin at humalik sa labi ko kahit nandyan pa yung lalaki kanina.
“Surprise! Sabay tayo mag lunch. Wala din kaming magawa ni Lev sa bahay ih. ‘di ba, baby?” usal ko at humarap do’n sa lalaki. “Thank you ulit. Sorry, nasigawan ka pa,” saad ko at ngumiti.
Ngumiti na lang din s’ya at nagpaalam na, kami naman nila Louie, pumasok na sa office n’ya.
‘Di naman din nagtagal, dumatimg si Dad na may dalang lunch kaya hindi na kami bumaba at naglunch na do’n sa office ni Louie.
“So… Anong ginawa ng babaeng client mo at mainit ang ulo ng asawa ko?” tanong ko sa kanya habang nagpapahinga kami pareho. Si Lev naman kinuha ni Dad.
“Baka mainis ka din kaya wag na,” saad n’ya at yumakap sa akin. Hindi ako nagsalita ibig sabihin gusto kong sabihin n’ya. Ramdam naman n’ya yun kaya huminga s’ya nang malalim. “She kissed me sa cheeks,” nakangusong usal n’ya. Bumitaw ako sa yakap n’ya at tinignan s’ya.
“Ang gwapo mo naman kasi!” saad ko at hinalikan s’ya sa labi, mabilis lang dapat yun pero bigla n’yang hinawakan yung batok ko kaya hindi ko natanggal agad.
s’ya ang unang gumalaw saming dalawa kaya tinugon ko yung halik n’ya at walang sabi n’ya akong pinakandong sa hita n’ya. Ang akala kong halikan ay nauwi sa make out na muntikan nang mauwi sa make love. Naudlot lang dahil nagring yung phone ko at nakita kong tumatawag si Rylite.
Tinitigan ko si Lou na nakatingin sa taas. . “Don’t stare, baby! Ang sakit mo sa puson minsan,” saad n’ya kaya natawa ako ng unti. “Sagutin mo na baka pwede nating ituloy after n’yan. Pampatanggal ng sakit sa puson, baby.” He said kaya mas natawa ako. habang umaalis sa kandungan n’ya dahil naayos na n’ya yung damit ko.
Umupo ako sa tabi n’ya tapos sinagot yung tawag ni Ry.
“Yes, Rylite? Bakit?” tanong ko sa kabilang linya. Sumagot naman s’ya na nagpagimbal sa akin! No! Hindi pwede!
[Sorry to disturb your family time, Javi. But I want to inform you that your brother’s surgery will transfer to me. I don’t know what happened but Director Lopez called me because of that] usal n’ya.
No! Hindi sa wala akong tiwala pero Kuya ko yun at next week na ang operation n’ya! Tsk! Nag usap lang kami tapos nagpaalam na. Kailangan kong kausapin si Director Lopez. Bakit biglaan?!
—————-