Advertisement

 

CHAPTER 3

 

“Saan ka ba nanggaling akala ko ba magkikita tayo uli sa school noong hapon?” Tanong ni melody kay Trixie nang magkita uli sila sa school kinabukasan.

“May nakita akong baliw na lalaki. Kailangan kung tumakas natakot na akong bumalik dito kasi baka inaabangan ako.” Kuwento niya dito.

“Manliligaw mo na binasted?”

“No he’s some biker guy. Ingleserong biker guy.” Naalala niyang may pagka American ang accent nito kahapon.   

“Binalak ka bang raypin?”

“Hindi gusto nyang pabayaran sa akin yung motor nyang nasira dahil sa kagagawan ko.”

“Eh kasalanan mo naman pala tapos sasabihan mo siyang baliw.”

“Wala akong pera pambayad. Ubos na nga ang allowance ko. Kaya tinakasan ko. Huwag na nga natin siyang pag-usapan naiinis lang ako. Dahil sa kanya nasira ang araw ko.”

“Oo nga pala absent si prof kahapon at ang balita ko may substitute.” Pagbabalita nito.

“Talaga lang ha. I bet another old boring professor.” Sabay ang kunwaring paghihikab.

“Diyan ka nagkakamali. I heard bata pa, galing states at higit sa lahat guwapo.”

“So bakit siya nagtuturo dito?” para sa kanya professors are plain looking and boring.

“I heard kamag-anak siya ng may-ari ng university pero im not sure.”

“Well whatever aabsent na lang uli ako.”

“Ano ka ba ayaw mo bang makilala yung professor.”

“I don’t care basta ako aalis.”

“Pero nandito na tayo sa klase.” Apila nito.

“Ano naman eh di lalabas na lang ako tutal hindi naman niya ako kilala. Kahit makasalubong ko pa siya di niya ako masisita.”

“Bahala ka basta ako hihintayin ko siya.”

“Goodluck.” At lumabas na nga siya ng klase. Tatambay na lang siya sa canteen o matutulog sa library.

Naglalakad na siya sa hallway nang biglang may nakita siyang pamilyar na lalaki. Madali niya itong nakita dahil mas matangkad ito sa karaniwan. Biglang nanlaki ang mga mata niya sa gulat dahil yun yung lalaking  pinalo niya ng bag sa ulo kahapon. Makakasalubong niya ito. Hindi ito nakatingin sa direksyon niya dahil parang may hinahanap ito.

“Oh my God.” Napaatras siya at nagmamadaling bumalik sa klase. Hinahanap ba siya nito? Pero hindi naman nito alam na estudyante siya.

“Bakit bumalik ka?” Takang tanong ni melody sa kanya.

“Y-yung baliw na lalaki nakita ko sa labas.” Hindi maalis ang kaba niya.

“Ha?”

“Hindi na ako aabsent.” Umupo na siya sa silya at nagtago sa likod ng kaibigan. Medyo tinakpan din niya  ang mukha para incase sumilip yung lalaking baliw eh hindi siya makikilala.

“Ano ka ba ang weird mo talaga.” Puna ng kaibigan sa kanya.

“Basta itago mo ako.”

“Bahala ka nga diyan.”

Ilang minuto pa ay hindi na niya nakita ang lalaki. Mukhang hindi naman siya nakita nito.  Patayo na uli sana siya nang biglang bumungad ito sa pinto. Napatalikod tuloy siya at sabay upo.

“Oh my God!” biglang balik na naman ang kaba niya. Tuloy-tuloy lang itong pumasok sa klase kaya lahat ng mga kaklase niya ay biglang natahimik.

“Good afternoon class. I’m Derek Francisco at ako muna ang pansamantalang papalit kay mister Osorio who’s on leave.” Maaliwalas ang mukha nito.

Halos narinig niya ang sabay-sabay na paghinga ng malalim ng mga kaklase niyang babae. Pati ang kaibigan niyang si melody ay hinawakan ang braso niya halatang kinikilig.

Pero siya iba ang iniisip. Hindi pa ito tumitingin sa direksyon niya. Hindi niya alam kung makikilala siya nito. Medyo may kakapalan naman ang make-up niya kahapon pero imposibleng makalimutan siya nito. Malakas ang pagkakapalo niya dito. Tiningnan niya ang pinto. Kung bigla siyang tatayo at tatakbo palabas makatakas kaya siya?

Pero malapit ito sa pinto at sa haba ng biyas nito malamang madali siyang mahuhuli. Naka all black gear ito ng makita niya kahapon, almost reminiscent of the dark knight. Ngayon naman ay nakalight yellow polo at gray slacks ito. He’s even wearing eyeglasses. Parang may dalawang magkaibang katauhan ito. Hindi ito nakaglasses kahapon sana nga ay malabo talaga ang mata nito at hindi siya nakilala.  

“Magroroll call na muna ako at dahil hindi ko pa naman kayo kilala just kindly stand-up as I call your name and then Tell me a little about yourself.”

“Lagot na ako!” hindi na siya mapakali. Nasa pinakalikuran sila kaya akala niya ay hindi pa siya nito napapansin.

Nagtawag na ito. Habang siya naman ay hinihiling na sana ay lumindol para makalabas sila ng building at hindi na nito abutan ang pangalan niya. She’s sinking deeper into her seat habang palapit ng palapit ang pangalan niya sa tatawagin nito.

“Miss melody Ramirez.”

“Present sir,” tumayo agad ang kaibigan niya. Siya naman ay agad yumuko.

“Sir you can call me melody. Im 18 years old single and available. By the way Sir may tanong ako kung okay lang.”

“Sure. Go ahead.”

“Ilang taon na ba kayo Sir?”

“Im 25.”

“Wow sir ang bata nyo pa pala. May asawa na ba kayo o girlfriend.”

“I’m still single.” Sabay ngiti nito. Nakaelicit nang malaking kasiyahan sa mga kaklase niyang babae ang sagot nito.

“Thank you sir,”halatang-halata na nagpapacute ang kaibigan niya at pagkatapos ay umupo na ito.

Siya na ang susunod. “Miss Patricia Romero.” Nakayuko pa rin siya at hindi tumatayo kahit nabanggit na nito ang pangalan niya.

“Miss Patricia Romero. Is she here?” Iniscan na nito ang buong klase. Sinisiko na siya ng kaibigan pero hindi siya natinag.

Ito na tuloy ang nagsalita. “Sir nandito siya.” Sabay turo sa kanya. Gusto niyang batukan ang kaibigan sa ginawa nito. Pero wala na siyang magagawa. Kahit napipilitan tumayo na siya.

“Masama ba ang pakiramdam mo Patricia?” tanong ni Derek. Hindi halata sa boses nito na kilala siya. He even sounded concern.

“O-okay lang ako.” Sagot niya dito. Nakatingin lang ito sa kanya at nakangiti. Parang sinasabi na huwag na siyang mahiya. Kaya nagpakilala na rin siya. “T-trixie ang nickname ko and im 19 years old.” Nakatingin pa rin ito sa kanya hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha nito. Hindi ba siya nito nakilala?

“Okay thank you Trixie.” At balewalang tumawag uli ito ng isang estudyante.

“Hindi nga niya ako nakilala.” Biglang gumaan ang pakiramdam niya.

Natapos ang roll call at nagsimula na itong maglecture. Siya naman ay hindi maalis ang tingin dito. Hindi talaga siya puwedeng magkamali ito yung lalaki. Kahit yung boses nito ay pareho. He got a very commanding yet charming voice. Yung para kang mahihipnotize kapag narinig mo.

You just cannot help but listen. O baka naman dahil sa guwapo talaga ito. Hindi lang niya agad yon napansin kahapon dahil sa gusto nga niyang takasan ito. Pero ngayong nakatayo ito sa harapan niya aminin man niya o hindi kitang-kita ang charm nito. At kahit yata ang mga lalaki sa klase niya eh parang fascinated dito.  Kaya kahit siya na madalas na inaantok sa math ay nakinig sa lecture nito.  

“Okay see you tomorrow. Class dismissed.”

Tuluyan na siyang Nakahinga ng maluwag nang sabihin nito ang dismissed. Pero palabas na sana siya ng klase ng bigla itong nagsalita. “Miss Romero I believed ito na ang huling klase mo sa araw na ito. Puwede ba muna tayong mag-usap?” He’s smiling at her. Kung iba ang titingin it was a nice harmless well meaning smile but she knows better.

He remembers everything!! Napapikit siya doon at parang balak na sana niya uling tumakbo. Pero whats the point baka kapag tumakbo siya ngayon bukas ay nasa bahay na niya ito. Kailangang harapin na niya ito ngayon. Pinauna na niya si Melody dahil may klase pa ito.  Pinakalma rin muna niya ang sarili bago niya ito tuluyang hinarap.

“So dito ka pala nag-aaral?” Panimula agad nito. Medyo nakakaloko ang ngiti na parang nagsasabing akala mo natakasan mo na ako.

Medyo naging defensive siya kaya pabalang siyang sumagot. “Di pa ba obvious?”

“Ganyan ka ba sa lahat ng mga professors mo?” tanong nito na nawala na ang ngiti sa mga labi.  Kanina ay sobrang charming nito at laging nakangiti sa mga estudyante pero ngayon ay biglang sumeryoso na ito. Inalis na rin nito ang salamin. Props lang talaga yon. Kita niya ang pagbabanta sa mata nito na hindi niya magugustuhan kung ano man ang gagawin nito sa kanya kapag nagpatuloy siya sa paraan ng pananalita.

Napilitan siyang magpakumbaba. “I’m sorry,” halatang galing yon sa ilong at walang sensiridad pero tinanggap na rin iyon ni Derek.

“So Patrcia may tatlo ka nang absent sa klaseng to. Pagpapatuloy nito. “I won’t tolerate absences.”

“Sandali dalawa pa lang absences ko.” Protesta niya.

“Nakalimutan mo yata absent ka rin kahapon. Noong magkita tayo you’re supposed to be in this class.”

“Pero hindi ikaw ang professor ko kahapon kaya wala ka pang karapatan na ideclare na absent ako kahapon.” Pangangatwiran niya.  Inaasar ba siya nito?

“Tama ka nga pero yung pagkawala mo sa klase kahapon eh patunay na nasa labas ka ng unibersidad kung saan tinakbuhan mo ako pagkatapos mo akong paluin ng bag sa ulo kahit alam mong ikaw ang may atraso sa akin.

Hindi siya nakapagsalita doon. Ang pagtakas niya ang proof na may kasalanan siya dito. Flight is an evidence of guilt sabi ng Dad niya.

Nagpatuloy ito sa pagsasalita. “Nagasgasan mo ang motor ko kaya dinala ko sa shop at kailangan ko pang magpatingin sa doktor para lang siguraduhing wala akong bali. And that’s all because of you.”

Medyo namutla siya sa sinabi nito. Hindi na talaga ito nagpaligoy-ligoy pa. Napalunok siya at nakagat ang ibabang labi.

“Wala ka bang sasabihin?” tanong nito.

“Sorry na talaga hindi ko naman talaga sinasadya yung nangyari.” Paghingi niya ng tawad dito.

“Hindi mo sinasadya? Eh tung bukol ko?”  

“Nagsosorry na nga.”

“Sorry lang?”

“Ano ba ang gusto mo?”  Hindi niya ito masabihan ng opo o matawag na sir kahit pabalat bunga lang.

Nag-isip muna ito habang matamang nakatingin sa kanya. Pagkatapos ay tumayo ito at pumunta sa may pinto. Sinarhan nito yon at nilock.

Bigla siyang kinabahan. Ano bang balak nito bakit nito nilock ang pinto? Sasaktan ba siya nito? Momolestiyahin? Kung anu-ano na ang naglalaro sa utak niya.

 Hindi naman ito mukhang maniac. Pero sabi nga ng dad niya dati hindi siya dapat nagtitiwala dahil lang sa guwapo ang lalaki. Ang mga serial killers nga  kadalasan ay mga matatalino at guwapong lalaki kaya nga madali ang mga itong makapambiktima.

Nakatayo pa rin ito sa may pinto. Pagkatapos ay dahan dahan itong lumapit sa kanya. Lalo siyang kinabahan. Sisigaw ba siya? Bigla siyang napatayo at umatras mula dito. Tinakpan niya ang dibdib bilang depensa sa sarili.

“M-marunong akong magkarate at tsaka malakas akong sumigaw.” pagbabanta niya dito.

“Ano bang pinagsasabi mo dyan?” takang tanong nito. Tiningnan siya nito pagkatapos ay bigla itong natawa. “Iniisip mo ba na may balak ako sayong masama? Puwede ba hindi ako pumapatol sa bata at tsaka no offense you’re not my type.” Halata sa boses nito ang pang-aasar sa kanya.

Medyo napahiya siya doon pero hindi siya nagpahalata. “Bakit mo nilock ang pinto?”

“Eh kung takbuhan mo ako uli kapag nalaman mo yung halaga nung repair? Umupo ka na nga.” Utos nito sa kanya. Sumunod na lang siya dito. Wala naman na talaga siyang magagawa nacorner na talaga siya.

“So magkano ang babayaran ko?” tanong na lang niya pero defiant pa rin.

“Ang estimated na babayaran mo sa akin eh five thousand pesos.”

Nanlaki ang mga mata niya. Halos dalawang buwan niyang allowance yon. “A-ang laki naman.” Napakagat labi na naman siya. Paano niya babayaran ito?

“Kung hindi mo siguro ako tinakbuhan at nagsorry ka na lang baka hinayaan na lang kita but since you showed no remorse I will not give you a pass.” Seryoso ito pero nahuli niyang medyo ngumiti ito. Mukhang ineenjoy nito ang nangyayari sa kanya ngayon.

Huminga siya ng malalim. “Okay sige naiintindihan ko. Pero puwede bang hulugan?” pakiusap niya dito.

“Mukha ba akong bumbay na nagtitinda ng kumot at payong?” tanong nito.

“Alam mo namang estudyante lang ako. Nabubuhay lang ako sa allowance ng nanay ko. Ang totoo nga may sakit siya ngayon.” Hininaan niya ang boses na parang maiiyak. Baka madala ito sa paawa effect niya.  Magaling siyang artista. Ilang beses na rin siyang nakalusot dahil sa pagdadrama niya.

“Sorry pero hindi ako nadadala sa ganyan.”

“Pusong bato.” Bulong niya.

“Anong sabi mo?”

“Wala ang sabi ko alam ko naman na may puso kang maawain. Tsaka kahit baligtarin mo pa ako ngayon wala talaga akong pera.”

“Fine hindi naman ako malupit. Pagbibigyan kita. Papayag ako na hulugan pero dalawang buwan lang ang ibibigay ko sayong palugid four gives.”

“Hindi na ako kakain noon.” Reklamo niya dito.

“Then magtrabaho ka. Pagkatapos ay binigyan siya nito ng application form “may opening para sa student assistant mag apply ka nang hindi ka kung saan-saan naglalakwatsa at nang hindi ka nakakaaksidente.” Suhestyon nito.

Masama ang loob na kinuha niya ang form mula dito.

“Okay your dismissed kita na lang tayo bukas Patricia.”

Gusto sana niyang sabihin ditong huwag siyang tawaging Patricia pero nauna na itong lumabas sa kanya.

Binasa niya ang form “Student assistant”, kahit kailan hindi pa niya nasubukang maging working student. Ang totoo maganda ang suhestyon ni Mr. substitute professor pero her rebellious side eh nag-aamok. The nerve of that guy para utusan siya sa dapat gawin. Pero paano nga ba niya ito babayaran?

Tinapon niya sa basurahan ang form bago lumabas ng classroom. Kinuha  niya ang cellphone at tiningnan lahat ng mga tao sa kanyang contact list. Napangiti siya meron na siyang ideya kung saan siya makakakuha ng kailangan niyang pera.

 “Hello toby” sa napaka sweet na boses ay tinawagan niya ang isang manliligaw. “Ano kasi may problema ako.” Ayaw niya sanang humingi ng tulong dito dahil binasted na niya ito pero madatung ang lalaki.

“May kumpromiso kasi ako. Baka puwede naman akong makautang sayo ng five thousand. Talaga?” Napangiti siya doon willing daw itong magbigay ng pera kahit hindi pa raw utang basta pumayag lang siyang makipagdate dito. Kahit napipilitan ay pumayag na siya. Isang beses lang naman at pagkatapos noon ay mababayaran na niya si Mr. subtitute professor.

Itutuloy…

 

Advertisement
Advertisement

All Rights Reserved ©