Advertisement
Views: 1,070
CHAPTER 2
Six years ago, NBI Main Headquarter
“Derek kailangan ka na naming itago siguradong pinaghahanap ka na ng mga bata ng sindikato ng droga.” Inform sa kanya ni NBI agent Marcus Romero.
“Pero Agent Marcus p-paano ang papa ko. Hindi ko ba man lang siyang puwedeng kausapin?”
“I’m sorry pero masyado nang mainit ang sitwasyon. Ako na lang ang Kakausap sa kanya but in the mean time we need to move you to a safer location. Mahirap na.”
Gusto niyang ipalo ang ulo niya sa pader dahil siya rin naman mismo ang naglagay sa sarili niya sa malaking alanganin. Isa siyang anak mayaman na napariwara dahil sa droga. Wala na siyang pera dahil hindi na siya binibigyan ng papa niya. Pati ang kotse niya ay naibenta na niya. Nang sinabihan siya ng kaibigang si Jason na kapwa niya adik na may pupuntahan silang lugar kung saan makakascore sila ng droga ng libre ay sumama siya agad.
Nang gabing yon ay magkakaroon daw ng palitan. Akala nila ay simpleng pusher lang ang makikita nila. Balak nila ay salisihan lang ang mga ito at nakawin ang droga o ang pera. Desperado na talaga siya ng mga oras na yon. Huli na ng malaman nilang malaking transaksyon pala iyon. Parang pelikulang aksyon ang nakita niya, naroon ang mga goons at ang drug lord halatang hindi magngingiming pumatay kung kinakailangan. Halos hindi na siya humihinga mula sa pinagtataguan ng makita niya ang palitan ng droga at pera. Nawala na ang balak niyang sumalisi baliw lang ang magtatangkang kumalaban sa mga drug lords. Pero baliw na nga yata ang kaibigan niya dahil nagtangka pa rin itong pumuslit para makakuha ng droga. Gusto niyang sumigaw at pigilan ito nang lumabas ito sa pinagtataguan at lumapit sa kinaroroonan ng droga pero wala nang magagawa takot pa rin pala siyang mamatay.
At gaya ng inaasahan nakita agad at hinuli ang kaibigan niya. Kinuha ito at hinarap sa leader ng sindikato.
“Bata mali ka ng tinalo” kasunod noon ay sigaw ng kaibigan niyang nagmamakaawa. Sinundan pa iyon ng putok ng baril. Nakita niya ang lahat pero wala siyang magawa. He was literally frozen dahil sa sobrang takot.
Medyo bumalik lang ang presence of mind niya ng marinig niyang nagsalita uli ang leader ng sindikato. “Baka may kasama pa yan. Hanapin niyo.” Kahit gusto niyang tumakas agad-agad hindi siya tumakbo dahil alam niyang kapag ginawa niya yon ay gagawa siya ng ingay at makikita siya agad.
Kahit halos nanginginig siya sa takot ay gumapang siya palabas ng pinagtataguan ng walang ingay. Kailangan niyang makalabas ng tahimik kung gusto pa niyang mabuhay. Kutsilyo lang ang dala niyang armas at sigurado siyang walang magagawa yon kapag nakita na siya ng mga kalaban. Halos malapit na siya sa labasan ng bigla ay nakarinig siya ng putok ng baril, napatingin siya mula sa itaas kung saan galing ang putok. Nakita na pala siya ng isang goons hindi lang siya tinamaan dahil masyado malayo yung bumaril sa kanya.
“Shit.” Doon na siya tumakbo.
“Malapit na siya sa labasan. Habulin n’yo” sigaw ng bumaril sa kanya. Hindi na niya alam kung saan siya lulusot. Inaabangan na lang niya ang pagtama ng bala sa katawan niya pero ilang segundo pa ay narinig niya ang sirena ng pulis.
At ang mga hahabol dapat sa kanya ay biglang nagsialisan. Nagmamadaling nagsitakasan. At naiwan siyang ni hindi magawang ihakbang ang paa para makakilos.
“Itaas mo ang mga kamay mo.” Sigaw ng pulis habang nakatutok sa kanya ang baril nito. Lumuhod agad siya at inilagay ang dalawang kamay sa batok. Sa unang beses ng buhay niya masaya siyang makakita ng alagad ng batas.
“Ako si Agent Marcus Romero kasama ako sa nag-iimbestiga sa kaso ng pagkamatay ng kaibigan mong si Jason. Nakita mo ang bumaril sa kanya di ba? Hindi siya nagsasalita nakikinig lang siya sa mga sinasabi nito.
“Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niyo sa lugar na yon ng mga oras na yon pero kung akala mong nakaligtas ka na nagkakamali ka. You are in deep shit nang higit pa sa inaakala mo. Nakita mo sila at alam nilang buhay ka at nasa kamay namin.” Pagpapatuloy nito nang malaman nitong wala siyang balak magsalita.
Pinakita nito ang isang larawan at nagtagis ang bagang niya dahil ang nasa larawan mismo ang bumaril sa kaibigan nya.
“Siya si Arturo Camarino 50 years old half Chinese half pinoy a very powerful drug lord.”
“S-siya ang bumaril sa kaibigan ko.” Sa wakas ay sagot niya dito parang gusto nyang maiyak pero pinigilan niya ang sarili.
“So nakita mo nga ang lahat.” Medyo lumiwanag ang mukha nito. “We need your help. Matagal na namin siyang gustong mahuli pero wala kaming ebidensya. Kapag tumestigo ka we can arrest him.”
“Pero kayo na ang nagsabi drug lord siya.” Ayaw niyang magaya sa kaibigan niya.
“Bibigyan ka namin ng protection. Ilalagay ka namin sa witness protection program. Sisiguraduhin namin na ligtas ka.” Tiningnan siya nito sa mata. Kita rin niya ang determinasyon sa kilos nito. Ako mismo ang poprotekta sa buhay mo.”
“Kaya nyo ba talaga akong protektahan?” dudang tanong niya dito.
“Ni hindi ko kailangang mangako dahil gagawin ko talaga. Hindi ko hahayaan o ng mga kasamahan ko na mamatay ka.” Paniniguro nito.
And only for that moment he felt a little safe. Hindi siya matutulad sa kaibigan niya na namatay ng walang laban. Kailangan niyang bigyan ng katarungan ang pagkamatay nito at dahil doon pumayag siyang makipagtulungan sa mga ito. Pero hindi pala ganoon kadali ang maging witness o maisailalim sa witness protection program.
Kahit nakagawa na siya ng affidavit at kung anu-ano nang tanong ang sinagot niya kailangan pa rin niyang manatiling nakatago. Nahirapan din talaga siya ng husto lalo na sa pagpasok niya sa rehab. Ni hindi siya puwedeng dalawin ng mga kakilala. And he felt miserable. Halos tatlong buwan na siya sa custody ng NBI pero Ni hindi pa nagsisimula ang hearing. Alam niyang nasa panganib pa rin ang buhay niya.
“Sir Marcus penge namang yosi. Mamamatay na yata ako sa inip dito” nasa harapan sila ng safe house at nagpapahangin.
“Alam mo namang hindi ako naninigarilyo.”
“Baka naman may naiwan yung ibang agent dyan. Ubos na yosi ko.”
“Kung ako sayo bawasan mo na yang paninigarilyo mo.”
“Kinakabahan lang ako. Totoo bang nahuli na si camarino kahapon? Tanong niya dito.
“Oo nainquest na rin siya. Uusad na ang kaso. At ang testimonya mo ang pako na magbabaon sa kanya. Kaya siguraduhin mong handa ka na.”
“Pagkatapos noon malaya na ako diba?”
“Oo naman puwede ka nang mangibang bansa. O kung gusto mo pa rin sa Pilipinas tutulungan ka naming magkaroon ng bagong identity kung kinakailangan.”
“Kumusta na ang papa? Okay lang ba siya?”
“Okay lang naman siya. May mga nagbabantay din sa kanyang alagad ng batas. Huwag kang mag-alala hindi siya magagalaw ni camarino.”
“Ang laki siguro ng galit niya sa akin.”
“Sabihin na nating malamang disappointed siya sayo. Pero masisisi mo ba siya?”
“Hindi pero kahit kailan naman hindi niya ako naunawaan.”
“Balang araw magkakaanak ka rin at malamang hindi mo rin maiintindihan ang anak mo. Ang tawag nila doon generation gap. Yung anak kung babae kahit mabait yon kapag nagkakamood swing hindi ko rin maintindihan parehas sila ng mommy niya.”
“May pamilya na pala kayo.”
“Anong akala mo sa akin matandang binata?”
“Lagi kasi kayo dito.”
“Pag wala ako dito nasa kanila lang ako. Sila lang ang buhay ko.”
“Hindi ba boring yon?”
“Iniisip mo bang boring ang trabaho ko? Pagbabantay pa lang siya medyo stressful na. Sa bahay na nga lang ako nakakapagrelax.”
“Masyado kasi kayong mahigpit. Buti hindi nagrerebelde anak niyo.”
“Bata pa siguro siya para magrebelde at tsaka mabait ang anak kong si Trixie. First honor yon sa klase nila at pang muse din ang ganda ng anak ko pero dahil good girl di na dapat higpitan.” Ngiting-ngiti ito habang binibida ang anak.
“Kamukha siguro ng ina.” Biro niya dito.
Tumawa ito ng malakas. “Kamukha ko ang anak ko. Nakuha niya ang mata ko.” Kinuha nito ang wallet at inabot sa kanya ang isang picture.
Isang 12 year old girl na nakangiti ng ubod ng tamis at kitang-kita ang biloy sa kanang pisngi ang nasa larawan. Tama si Sir Marcus she got his eyes at ang ngiti nito. Hindi rin ito nagyayabang lang ng sinabi nitong maganda ang anak. Her smile alone is quite mesmerizing.
“Maganda nga ho. Puwede ko ba siyang ligawan kapag nasa tamang edad na siya?” Medyo birong totoo niya dito.
“Ayusin mo muna ang buhay mo.”
“Hindi na po ako addict ngayon.” Nahirapan talaga ang katawan niya ng itigil niya ang pagdadrugs ilang beses nga niyang ginustong tumakas pero tuwing naaalala ang kaibigan at ang sinapit nito nagbabago ang isip niya at ngayon nga hindi na hinahanap pa ng katawan niya ang droga.
Kailangan mo ring magbalik sa pag-aaral Nakita ko sa files mo okay naman yung grades mo nung highschool ka. Nagkaproblema lang noong nasa kolehiyo ko na pero bata ka pa kayang-kaya mo pang bumawi.
Totoo ang sinabi nito matalino siya pero nawalan siya ng ganang mag-aral ng pumanaw ang mama niya. His dad was distant hindi siya makalapit dito for emotional support. Mula ng mamatay ang mama niya ay dinoble pa nito ang pagtatrabaho at halos hindi na umuuwi.
Ngayon lang niya na realize that maybe it was his father’s way of coping with the lost at siya naman dahil walang masabihan eh sa barkada natuon ang panahon hanggang sa tuluyan ngang mapariwara at ngayon ay ito witness sa isang krimen at nagtatago sa pinakamapanganib na drug lord sa Pilipinas.
“Mabait ka naman. Kahit nagbisyo ka wala kang criminal records naligaw ka lang talaga ng landas. Masuwerte ka dahil hindi lahat nabibigyan ng pangalawang pagkakataon para ituwid ang buhay nila. At sisimulan natin ang pagtutuwid sa pagpapakulong natin habang buhay kay camarino. Kapag nasintensyahan na ang drug lord na yon ng tuluyan puwede ka na uling magbagong buhay malaya ka na. At ipangako mo hindi ka na babalik sa pagiging adik dahil kung hindi ako mismo ang huhuli sayo.”
“Pangako Sir Marcus magbabagong buhay na po ako.” Pero hindi na nito nakita ang pagbabagong buhay niya.
Isang gabi dala ng pagiging natural na rebelde, tumakas siya mula sa safe house. Gusto lang niyang makita ang mga kaibigan at ang Papa niya. Madali siyang nakasalisi sa mga guwardiya dahil may tiwala na sa kanya ang mga ito.
Sinadya rin niyang hindi si Agent Romero ang bantay niya ng mga oras na yon dahil talagang mahigpit ito. Pero yon din pala ang hinihintay na pagkakataon ng mga naghahanap sa kanyang miyembro ng sindikato, ang magpakita siya. May mga nakaabang na talaga para lang itumba siya oras na magkamali siya.
Mabilis ang mga pangyayari pupunta sana siya sa bahay ng isang kaibigan nang may narinig siyang putok. Nagtago siya at nakita niya na si Agent Romero ang nagpaputok ng baril nakasunod na pala ito sa kanya at sa hired killer na dapat ay papatay sa kanya. Pero hindi lang iisa ang nagtatangka sa buhay niya at dahil doon kailangan nilang tumakas habang nakikipagpalitan ito ng putok. Hindi pa rin dumarating ang back-up na tinawagan nito.
Wala siyang magawa kung hindi ang magtago sa likod nito. Pinagsisisihan ang ginawang katangahan. And then he realized na parang malalim na ang paghinga ni agent Marcus at mukhang hirap na itong kumilos. Tiningnan niya ito at napansin niyang may tama ito sa binti. Hindi man lang niya yon napansin agad dahil sa sobrang takot niya.
“D-derek tumakas ka na!” Laging doon nagsisimula ang bangungot niya na minsan ay nasisisingitan din ng pagkamatay ng kaibigan niyang si Jason. Pero ang katotohanan ay mas malala pa sa bangungot. Nagsidatingan ang back-up at nailigtas siya, may malalim sugat siya na nakuha sa bandang tagiliran ng pilitin niyang akyatin ang pader na may mga barbwire. Pero mas minalas si Agent Romero dahil napuruhan ito. Huli niya ito nakitang nilululan sa ambulansya. Dead on Arrival ang sabi sa kanya ng mga kapwa nito agents. Ni hindi niya magawang umiyak dahil wala siyang maramdaman ng mga oras na yon.
Si Agent Marcus ang naging pinakamalapit sa kanya sa mahigit na tatlong buwan niyang paglalagi sa safe house. Parang ito ang tumayong ama niya doon. Pero dahil sa katigasan ng ulo niya at sa pagbabalewala sa sariling kaligtasan ay namatay ito. Kung hindi siya tumakas ng gabing yon buhay pa sana ito at hindi sana nawalan ng ama si Trixie.
Itutuloy…
Advertisement