Advertisement
CHAPTER 1: The Beginning
“Oy, si Shea nandito na!”
“Dali tara na nandito na siya!”
“Hihi! I can’t wait to see her!”
“I’ll bake a cake for her!”
Hay, ito na naman sila. You know why kung bakit nila ako inaabangan? Because I’m Shea Alysia Valdemore also known as. . .
“Shea ang itim mo talaga. Ito pampaputi!” tawa ng babae na humarang sa akin at tinapunan ako ng isang balot ng harina.
Ayon, maaga pa lang naligo na ako ng harina.
“Ito, Shea bigay ko sa ‘yo para kuminis naman ‘yang mukha mo. Eww. . . kadiri talaga,” sabi naman ng isa at pinangbabato ako ng itlog. Nanatili lang akong nakatayo.
“Dahil gagawan kita ng cake, ito white sugar. Hihihi!” May tatlong babae naman na tinapunan ako ng napakaraming asukal.
Ang lagkit-lagkit ko na. Balot na ang katawan ko ng mga pinang-hahagis nila sa ‘kin. Naramdaman kong parang nag-iinit na naman ang mata ko.
Ano ba, Shea? Sa ilang taon mo rito ‘di ka pa rin nasasanay sa pambu-bully nila sa ‘yo? No, huwag kang iiyak. Malakas ka Shea. Hindi sila worth it sa galit at luha mo.
I am Shea Alysia Valdemore…
“Oh my gosh girl! Look what happened to you! Don’t worry I’ll clean you up,” maarteng saad ni Katie, ang leader ng kaartehan at nangunguna sa pangbu-bully sa akin. Hinagisan niya ako ng kalahating-timba ng tubig.
“Hahaha! Is she even human?”
“Of course not! She’s a freak!”
“Hahaha! Alam mo, Shea try mo mag apply bilang artista tapos role mo doon halimaw. Ay, kahit pala halimaw walang panama sa ‘yo. Hahaha!” And they laugh and laugh and laugh. Mabilaukan sana kayo.
I am known to be bullied, a nerd, at isang ugly duckling. Yeah, pangit ako. Kayumanggi, pango, malapad ang noo, makapal na kilay, ngipin na may braces na ‘di naman bumagay sa ‘kin, at may suot na malaking salamin. Nagmumukha tuloy akong tutubi.
Tumakbo ako pauwi sa amin. I’m not crying, why should I? Sanay na rin naman ako. Sa apat na taon ko ba namang pumapasok at binubully sa paaralang iyon, sinong hindi masasanay ‘di ba? Although may konting kirot dito sa puso ko, hinahayaan ko nalang. ‘Di naman ako mabubusog kung magpapa-apekto ako.
“O anak, anong nangyari sa ‘yo? Bakit ganyan ang itsura mo? At bakit ang aga mo yata?” Gulat na tanong sa akin ni mama. Naabutan ko kasi siya sa sala at nanonood ng morning talk show. Si papa naman nasa work.
“Baking class, Ma,” sagot ko. Ayokong malaman ni mama na hanggang ngayon ay binubully pa rin ako. Sa pagkakaalam niya kasi, tumigil na sila last year dahil napagsabihan na. Pero hindi, mas lumala pa nga ngayon.
“Eh, bakit ganiyan talaga ang itsura mo? Sumabog ba ang niluluto mo?”
“Ma naman. Kahit hindi na kailangan pasabugan sabog na rin naman ‘tong mukha ko.”
“Shea anak, you’re not ugly okay? Bakit mo ba kasi tinatago ‘yan? Bakit kasi ayaw mong ayusan kita?” She said at lumapit sa akin.
“No need, Ma. Sige ligo muna ako,” sabi ko at umakyat na sa taas.
Naligo na ako at muling nagbihis ng aking extra over-sized uniform. Ini-expect pa naman ako ng mga teachers doon kasi nga ako lang daw ang maingay tuwing discussion. Eh, sa gusto ko mag-aral eh.
“Balik na ko, Ma,” sabi ko at tumakbo na sa aking bike. Hindi ko na hinintay ang sagot ni mama.
Nag-bike ako papuntang school. Hindi pa naman ako late, eh. May 30-minutes pa bago mag start ang first period.
Dumiretso ako sa likod ng school kung saan may daanan doon na ako lang ang nakakaalam. Wala kasi halos pumupunta rito kasi nga may multo raw. As if maniniwala ako. Baka nga pati multo takot sa ‘kin, eh kaya hindi sila nagpaparamdam.
Nasa labas na ako ng pintuan ng room namin pero may kakaiba. Tahimik ang lahat sa loob which is very unusual. Usually kasi ang section namin ang pinakamaingay sa lahat.
Hindi ako tanga para hindi malaman ang ginagawa nila.
Stupids…
Naghintay ako sa labas ng room hanggang sa madatnan na nga ako ng teacher namin.
“What are you doing here, Ms. Valdemore? You’re supposed to be inside now,” nagtataka niyang tanong sa ‘kin.
“Ang ingay po kasi sa loob.”
“Is that so?” aniya at dahan-dahang binuksan ang pinto.
In a count of three. . .
Two. . .
One. . .
A splash echoed along the hallway sabayan pa ng malakas na pagbagsak ng bucket.
Bumuhos ang isang bucket ng harina na may tubig sa ulo ni ma’am. Bonus pa ang bucket na ngayon ay nasa ulo na niya mismo.
Maging ang mga classmates ko ay nagulat. They’re expecting me though. Hindi naman ako kasing tanga tulad nila na walang ibang ginawa kundi ang mamerwisyo ng kanilang kapwa.
“ALL OF YOU! TO MY OFFICE. NOW!”
I smirked. I never thought my revenge would be this easy.
—
Dito na lang ako tumambay sa canteen. Walang pasok ng first subject kasi nga doon silang lahat sa guidance office. At dahil paborito ako ng mga teachers dito, malamang hindi ako damay dun.
Perks of being a nerd.
“Konti na lang p’re mapapasagot ko na si Athena. Ako panalo sa pustahan natin. Hahaha!”
I know that voice. Nagsimula na namang magwala ang puso ko. It’s William, my crush since second year kasama ang mga barkada niya.
He’s really cool kaya maraming babae ang humahanga sa kanya. At isa na ako doon. Hindi naman siguro masama na ang isang pangit na katulad ko ay magkakagusto ‘di ba?
After all, tao pa rin naman ako. May kinuha ako sa bag ko. It’s a love letter. Ibibigay ko na ito sa kanya. Wala akong pake kung ano ang sasabihin niya basta ang importante maibigay ko ‘to.
Walang sabi-sabi ay nilapag ko ito sa harap niya. Naka-upo na kasi sila sa table ngayon. Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko nang titigan niya ako.
“Ano ‘to? Love letter?” Tanong niya at tumango ako.
His shocked expression turns into a smirk.
“Oh,” He playfully grinned.
“Guys! Si Shea binigyan ako ng love letter!” He announced.
Sari-saring reaksyon ng mga estudyante ang lumabas. Merong nandidiri, merong humahagalpak ng tawa, at meron namang halos sumpain na ako sa sukdulan.
Parang gumuho ang mundo ko at sana lamunin na lang ako ng lupa ngayoon. Tumakbo ako nang tumakbo. It hurts. It hurts like hell. I was turned down by the man I admired the most. Ganito ba talaga kapag panget ka?
Siya lang naman ang dahilan kung bakit ayaw kong umalis sa school kahit binubully ako ng lahat, eh.
Dinala ako ng mga paa ko sa river bank malayo sa school. My favorite place.
Doon ako umiyak ng umiyak. I have no friends to comfort me. Wala akong kakampi. Tanging si mama at papa lang ang maasahan ko pero hindi dapat nila malaman. Ayoko ng gulo. Alam kong oras na malaman nila iyon, paaalisin silang lahat ni mama sa school.
Our school was named Valdemore High. A school for elites and rich kids. And yeah, kami ang may-ari nito.
Advertisement